Hindi na lang ako nag-reply at binalik na lang ang cellphone sa bulsa. Napatayo na ako at napahawak nang mahigpit sa dulo ng mop. He'll seriously come here?

Nasagot ang tanong ko nang may pigurang sumulpot mula sa dulo ng hagdan at nang tingnan ko, si Ken pala. Nakasuot siya ng puting t-shirt sa ilalim ng itim na hoodie jacket. Gulong-gulo ang buhok niya na para bang bagong gising siya, pero mukha naman siyang inaantok.

He stayed there for a couple of seconds just staring at me, and I stared back. He looked like he was actually waiting for me, and now that he saw me, he's relieved. Siya ang naunang nagbaba ng tingin, ipinasok ang mga kamay sa loob ng magkabilang bulsa ng jacket, at saka marahang humakbang pababa ng hagdan. At ako naman, nanatiling nakatayo ro'n, humihigpit ang hawak sa mop sa bawat hakbang niya papalapit sa 'kin.

Why am I even getting nervous around him?

“Hi,” he finally spoke after he got near me. Napakurap ako sabay awkward na ngumiti sa kaniya.

“U-Uhm... Hello?”

Tumahimik na ulit siya. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad siya papalapit sa sofa at saka umupo ro'n.

“Hihintayin kita rito,” aniya na ikinakunot ng noo ko.

“Bakit?” tanong ko naman.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. “I wanna go somewhere with you.”

“B-Bakit?” ulit ko. Nagmumukha na akong tanga rito, pero 'yon lang talaga ang lumalabas sa utak ko.

He sighed. Ihinilig niya ang kaniyang ulo sa sofa, at saka pumikit. “Nag-enjoy ka ba sa lakad n'yo kanina?”

“Uhm... Lakad namin ni... Justin?”

Iminulat niya lang ang mga mata niya at tinapunan ako ng tingin na para bang sinasabi niyang obvious na 'yon ang tinatanong niya. Nakagat ko na lang ang labi ko.

“Uh... Oo naman,” mahinang sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Totoo naman, nag-enjoy akong kasama si Justin. Matagal na no'ng huli akong nakapuntang amusement park at magpakasaya.

He sighed again. “Good for you, then. Nakipagsagutan pa siya sa manager namin para sa 'yo.”

Napaawang ang mga labi ko. “Totoo? Lokong Justin naman 'to!” Ilalabas ko na sana ang cellphone ko para mag-send ng message kay Justin pero nagsalita ulit si Ken.

“You had a date today, right.” He sighed, at napaangat ako ng tingin sa kaniya. The way his tired eyes were looking at me made my heart race. “He likes you. I like you, too. You gave him a chance. Can you give me a chance, too?”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o ire-react sa sinabi niya. Nakalimutan kong sinabi niya nga pala sa aking may gusto siya sa akin at gusto niyang ipakita sa aking totoo ang nararamdaman niya sa kahit anong paraan na gusto at alam niya.

“I don't beg,” dagdag niya. “But when I do, it means I'm dead serious.”

Napaiwas na lang ako ng tingin. “U-Uh... okay,” sagot ko na lang.

“Thanks.” He smiled softly. “Pwede bang ibigay mo sa 'kin ang buong araw mo bukas?”

Napailing kaagad ako. “May trabaho ako, Ken. Hindi ako pwedeng um-absent.”

“Then I can go talk to your employers ro let them permit you to go with me. I can do that,” seryosong sabi niya.

Napalunok na lang ako. Dead serious nga siya. “Uhm... okay?”

“Hindi pa tapos ang shift mo?” tanong niya, tinutukoy ang trabaho ko ngayon. Tumango lang ako bilang sagot. “Then I'll wait for you here until your shift ends.”

Broken Strings || ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن