Nagsalubong ang mga kilay niya. “Naaksidente ka. You got injured. Hindi ba 'yon pwedeng maging priority ko?”

I let out a sarcastic scoff. “You know, dati pa talaga hindi kita maintindihan. You show me gestures na nagiging dahilan para umasa ako, then you'd be breaking my heart next with your words. Ano ba talagang gusto mong iparating sa akin, Ken? It's been years, I hope you're matured enough to tell me directly your intentions.”

Hindi siya nagsalita. Walang expression sa kaniyang mukha habang nakatitig siya sa akin.

“And besides, may girlfriend ka na,” pagpatuloy ko. “You should've been with her right now, not here with me.”

“I don't have a girlfriend.”

Nagtatakang napatitig ako sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay ko. “What do you mean?”

Hindi niya nasagot ang tanong ko dahil nag-ring ang kaniyang cellphone. He just gave me one last glance before he stood up and answered the call. Narinig kong tinawag niyang "manager" ang nasa kabilang linya bago niya tuluyang naisara ang pinto.

Ako naman ay naiwang nagtataka at nakatulala sa hinihigaan.

What does he mean he doesn't have a girlfriend?

So ano si Margaux?

Mariin akong napapikit nang kumirot na naman ang tahi ko sa noo. Napabuga na lang ako ng hangin bago naisipang umidlip muna.

Mga ilang oras din akong nanatili muna doon sa hospital dahil masakit pa ang ulo ko at medyo nanghihina pa. After some procedures, mga alas otso ng gabi ako nakalabas ng hospital. Ang sabi, paid na raw lahat kaya wala na akong dapat alalahanin. I'd like to think it was paid by the company since I was on duty as their staff noong nangyari ang aksidente.

Pagkalabas ko ng hospital, sinalubong kaagad ako ni Jahsmine na kabababa lang sa traysikel. Nag-aalala at mangiyak-ngiyak niya akong niyakap.

“Jusko kang babae ka!” aniya sabay humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “Ano ba kasing ginawa mo at naaksidente ka!?”

“Sinisisi mo ba ako sa nangyari sa akin?” I joked.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin para lang tapunan ako ng matalim na titig. “Trisha!”

Mahina akong natawa. “It's okay. Ayos na ako. 'Wag ka na mag-alala.”

“Nabagsakan na ng sound system 'tapos gusto mong hindi ako mag-alala!?”

Natatawang napairap na lang ako. “Libre na lang kita ng pagkain dahil nag-effort ka pang pumunta rito kahit may night class ka.”

Napanguso na lang siya pero sumuko na rin.

Sabay na kaming umalis ng hospital. There was a small stall na malapit lang sa hospital na nagbebenta ng street foods at doon na kami kumain ni Jahs. While we were eating, kinuwento niya sa akin how her day went. Syempre, kinuwento ko rin 'yong akin pero hindi ko sinali ang conversation namin ni Ken kanina sa loob ng hospital dahil sure akong magagalit na naman si Jahsmine sa akin, lalo pa't ganoon ang napag-usapan namin ni Ken kanina.

After eating street foods, I paid for our fair papunta sa gusto niyang samgyupsalan. She said it has been a while since she last ate samgyupsal at naiinis siya sa akin kaya gusto niyang ako ang magbayad for us and that's what I did.

Mga 10:00 PM na rin bago namin naisipang umuwi dahil ang sabi niya kailangan niya pang mag-review dahil may long quiz sila bukas at kailangan din maaga siyang pumasok dahil first subject ang quiz, terror pa ang prof.

Pagkauwi ko sa bahay, chineck ko muna kung nasa kwarto niya na ba si Mama. I felt relieved after seeing her sleeping soundly on her bed.

Noong nasa kwarto ko na ako, umupo ako sa gilid ng kama at saka binuksan ang cellphone ko. Bumungad kaagad sa akin ang ilang messages galing kay Jahsmine pero mas nakuha ang atensyon ko ng message ni Justin.

Broken Strings || ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя