Natawa ako. "Mas mabuting umalis ka na. Baka mapagalitan ka pa dahil sa akin. Hindi kakayanin ng konsensya ko 'yon, Justin."

He chuckled. "No. Dito muna ako. I missed hanging out with you, Adeline."

I pouted. "Justin, umalis ka na, please. Hindi ako makakatulog nang mahimbing kapag ako ang naging dahilan kaya ka mapapagilatan or worst matanggal sa trabaho mo."

Tumawa siya. "Sobra naman na 'yong matanggal sa trabaho. And don't worry, they won't punish me naman kapag na-late ako nang ilang minuto. Let's talk more."

And we did talk more. Mga ilang minuto rin kaming nanatili roon at kung anu-ano na ang naging topic namin. Nabanggit niya rin na isa pala siyang P-Pop idol at malapit lang dito venue ng shooting nila para sa panibago nilang music video.

We exchanged phone numbers and added each other on social media bago niya naisipang umalis na dahil tinawagan na nga siya ng manager nila.

May ilang oras pa ako bago ang susunod kong trabaho, which is ang trabaho ko sa ShowBT, kaya naisipan kong mag-grocery na lang muna at bumili ng gamot ni Mama dahil paubos na ang laman ng bote ng gamot niya sa bahay.

Nang natapos na ako sa pamimili, diretso na kaagad ako sa bahay. Naabutan ko pa si Aling Ninita na nakikipag-usap kay Mama sa sala.

I cooked dinner for us. Sa bahay na rin namin kumain si Aling Ninita bago siya umuwi. Binigay ko na rin sa kaniya ang sweldo niya na pinangako ko. Pinakain at pinainom ko na muna ng gamot si Mama bago ko siya pinatulog. May ilang minuto pang natira bago ang next na trabaho ko kaya nag-ready na ako pagkatapos.

--

PAGKABABA KO NG traysikel sa tapat ng ShowBT company, inabot ko kaagad ang bayad ko kay Manong Driver bago ako lumakad papasok sa building.

"Adeline?!"

Itutulak ko na sana pabukas ang glass door nang marinig ko ang boses ni Justin mula sa likuran kaya napalingon kaagad ako. Napakurap ako nang makitang siya nga, suot niya pa rin 'yong sinuot niya kanina noong nagkausap kami. Pero this time, wala na siyang mask at cap, siguro dahil gabi na rin.

"Justin? Ba't ka nandito?"

Nasa loob siya ng van at nang makita ako ay kaagad siyang bumaba at patakbong lumapit sa akin.

"I should be asking you that!" He chuckled. "Do you work here?"

Marahan akong tumango. "Ay, oo. Nabanggit ko sa 'yo na nagtatrabaho rin ako bilang janitress, hindi ba? Janitress ako rito, kakasimula lang."

He gasped. "What a coincidence! Dito rin ako nagtatrabaho! I am an idol under this company. Mukhang araw-araw na yata tayong magkikita, Adeline!"

He was about to hug me when someone called his name. The voice was so familiar that it sent shivers down my spine and my heartbeat started to race.

"Jah, anong ginagawa mo d'yan? Sino ba 'yang kausap mo?"

I froze. Hindi ko na naman alam kung ano ang gagawin ko. Tatakbo ba ako paalis? O mananatili ako rito?

"Oh, uhm..." Humakbang palayo sa akin si Justin nang isang beses kaya nagkaharap kami ni Ken. "She's Trisha Adeline. She's a friend who works here!"

Nang iangat ko ang paningin ko sa kaniya, nakatitig na siya sa akin at kaagad naman akong yumuko dahil hindi ko kayang titigan siya nang matagal.

"Don't stay here for long. Kailangan nating magmadali dahil magre-record pa tayo." Ito ang sinabi niya bago siya humakbang papaalis. Napasunod na lang ako sa kaniya ng tingin at nang nakapasok na siya sa building, binalik ko ang paningin ko kay Justin.

"Is he.. perhaps..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naintindihan kaagad ni Justin ang gusto kong itanong.

"Oh. Yes. He's actually my co-member. Remember when I told you I'm a P-Pop idol? Me and Ken are in the same group!"

Napaawang na lang ang mga labi ko.

--

NAPASINGHAP AKO NANG naibuga ni Jahsmine ang tubig na iniinom. Inabutan ko kaagad siya ng tissue at pinunasan niya naman agad ang tubig na dumaloy mula sa bibig niya papuntang leeg niya.

Sabado na ngayon at nasa samgyupsalan kami na palaging pinupuntahan ni Jahsmine at ng mga kaklase niya tuwing uwian nila or kapag wala silang pasok. Napaaga nga sa pinag-agree-han naming oras itong pagkikita namin ngayon. Nagmadali siya no'ng narinig niyang may ichichika ako sa kaniya.

"T-Teka..." Hinihingal na inangat niya ang kamay na may hawak sa tissue. "U-Ulitin mo nga ang sinabi mo?"

"Ang sabi ko, sina Ken at Justin ay parehong member pala ng iisang P-Pop boy group na mina-manage ng company kung saan ako nagtatrabaho nilang janitress."

Napaawang na lang ang mga labi niya bago hinilot ang sentido.

"Hindi pala sinabi sa akin ng kumag na kasama niya sa grupo si Ken."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Wait... you knew?"

"Alam ko lang na idol siya pero hindi ko alam na kasama niya si Ken?! At hindi naman kami gano'n ka-close para magkausap lagi, 'no!" depensa niya kaagad. Kinuha niya ang kaniyang chopsticks at saka kumuha ng pork mula sa brill at diretso iyong sinubo sa bibig at nginuya 'yon na para bang hindi mainit. "Gosh!"

Binalik ko ang paningin ko sa cellphone ko habang binabaliktad ang mga meat sa grill. Kanina, sinearch ko ang pangalan ni Justin sa internet and automatic namang lumabas ang group name nila pati ang listahan ng ibang members.

They're a P-Pop boy group named SB19, and they're famous locally and internationally. How come I didn't know about them? Hindi rin naman ako nanunuod ng TV, at minsan lang din ako magbukas ng social media, kaya siguro hindi ako updated sa mga ganap sa mundo. Masyado na akong busy sa buhay ko para magkaroon pa ng oras na i-check kung ano ang latest these days.

"Famous pala ang grupo nila. Bakit hindi mo rin alam?" tanong ko sabay subo ng samgyup.

"Haller? Busy ako sa pag-aaral? At saka puro K-Drama ang nasa newsfeed ko, paano ko malalaman, 'te!"

Mahina na lang akong natawa bago tumango.

"So..." Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. "Ang dati mong crush at 'yong taong may crush sa 'yo—"

"Hindi niya na nga ako gusto," pagtatama ko sa sinabi niya. "At hindi ko na nga 'crush' si Ken."

"Whatever!" Napairap naman siya. "Pero ayon nga. Si Ken at Justin, member pala ng group na under ng company kung saan ka nagtatrabaho."

Tumango ako. "Mm-hmm."

"At mukhang araw-araw mo na silang makikita ngayon. Kung hindi man araw-araw, eh 'di madalas?"

Tumango ulit ako. "Correct."

Napaawang ulit ang mga labi niya at tinakpan niya 'yon gamit ang isang kamay niya. "Good luck na lang talaga sa 'yo, bestie."

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw. Kaya, good luck nga siguro sa akin?

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now