Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit sa dibdib ko. Napabuga na lang ako ng hangin. I clicked Ken's name and I was directed to his profile. Kaagad kong cinlick ang unfriend button bago ako bumalik sa Home tab at nirefresh ang newsfeed.

May nabasa akong ang first step sa pagmo-move on ay i-unfriend or i-block ang tao sa kahit anong social media platforms, then delete your conversations kung meron man.

Well, I already did it. Sana naman epektibo na 'to this time.

Tinawag ako ni Mama sa baba at initusang bumili sa groceries ng pang-hapunan namin mamaya. Since wala naman akong ginagawa, pumayag na ako.

While walking towards the grocery store, nakayuko lang ako sa cellphone ko dahil ka-chat ko si Justin. He seemed to have a lot of time dahil nakuha pang mag-online sa facebook.

Kahit nabili ko na ang inuutos ni Mama at pauwi na, nakayuko pa rin ako sa cellphone ko. Natatagalan ako sa paglalakad at minsan ay tumitigil pa para lang reply-an si Justin.

I was smiling from ear to ear while reading his reply nang may biglang humablot sa cellphone ko. Napasinghap ako nang na-realize kong isang mandurukot ang humablot sa phone ko at tumatakbo na siya ngayon!

“Hoy! Cellphone ko 'yan!” Kaagad akong tumakbo para mahabol siya. “Ibalik mo sa 'kin 'yan! Cellphone ko 'yan!”

I continued chasing the thief. Hinihingal na ako pero hindi pa rin ako tumitigil. May nababangga na ako pero wala pa rin akong pakialam. Ang mas importante sa akin ngayon ay ang makuha ang cellphone ko!

The thief looked back at me and suddenly pulled the trash bin dahilan para matalisod ako ro'n at napasubsob sa semento. I felt the burning sensation in my knees but I ignored it. Tumayo ako at mas binilisan ang pagtakbo para mahabol siya.

Damn! Kahit makuha ko lang ang memory card no'n at sim, sa kaniya na ang cellphone!

Natigilan ako nang makita si Ken na humarang sa dinadaanan no'ng magnanakaw. He was wearing a black hoodie at nakapamulsa. Nabangga siya ng magnanakaw sa balikat pero nagpatuloy pa rin ito sa pagtakbo.

“Ken!” I quickly shouted dahilan para mapatingin siya sa akin. “Help me! Dinukot no'n ang cellphone ko at hinahabol ko siya para makuha ko!” I kept on shouting while still running.

Namilog ang mga mata niya bago tumakbo na rin para habulin ang magnanakaw. He was faster than me kaya sobrang layo niya na agad.

Nanghihina na ako at parang susuko na ang mga paa at tuhod ko, nanginginig pa. When I looked down at my knees, napabuga ako ng hangin nang makitang dumudugo ang mga tuhod ko dahil sa pilas.

I ignored my wounds and started to run again. Nawala na sa paningin ko ang dalawa kaya tumigil ako para ilibot ang paningin ko at hanapin sila. I was catching my breathe.

“Trisha! Trisha, dito!”

Napalingon kaagad ako sa eskinita kung saan nanggaling ang boses. Napasinghap ako nang makita si Ken na hawak na sa kwelyo ang magnanakaw. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila.

“Heto na ang cellphone mo.” Inabot sa akin ni Ken ang cellphone na kinuha ko naman agad.

“S-salamat,” hinihingal kong sabi. Bumaling ako ng tingin sa magnanakaw. “Ikaw... marami pa namang magandang gawin bukod sa magnakaw. Pwede kang mag-apply ng trabaho kung gusto mo ng pera o cellphone. Kung 'di ka man graduate ng college or high school, may mga trabaho namang hindi required ang educational background. Hindi kasali ro'n ang magnakaw!”

“P-pasensya na po. H-hindi na po mauulit. Pakawalan n'yo na po ako!” pagmamakaawa niya.

“Anong pakawalan ka, ha? Alam mo bang—” Inambahan ni Ken na susuntukin ang lalaki pero kaagad ko siyang inawat.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now