Happiness Isn't Allowed

Start from the beginning
                                    



Kinabukasan ay maaga akong pumasok, well ayoko naman talagang pumasok pero number one rule bilang isang SC President, bawal umabsent ng walang sapat na rason. Ayoko namang magsinungaling dahil halos lahat ng tungkol sa buhay ko ay alam ng halos lahat dito. Kaya for sure, may magpupunta sa bahay para icheck kung totoo ang rason ng pagliban ko.

Habang naglalakad papunta sa gate ay hinanap ko na kaagad ang ID sa bag ko. Hindi ko kasi isinusuot iyon kapag wala pa ako sa school dahil baka biglang malaglag at mawala.

“Aray!” daing ko nang may makabanggaan ako, napaupo ako sa lupa at nagasgasan ang kanang braso ko. Tumayo ako at pinagpagan ang skirt ko. Buti na lang at dark blue ang kulay nito kaya hindi masyadong halata.

Tumingala naman ako ng bahagya para makita kung sino ang nakabanggaan ko. Matangkad kasi ito at pagkatingala ko, nagsisi ako na tiningnan ko pa kung sino siya.

“Ikaw?!” sigaw ko. Kapag minamalas ka naman talaga oh.

“Yeah. I'm sorry, are you alright?” medyo nanibago pa ako dahil hindi na mababakas ang kakulitan at kasiyahan sa boses niya. Parang matamlay, gaya ng lahat ng nandito.

I cleared my throat before speaking, “Yes. I'm sorry too about yesterday. Just please, don't smile nor be happy. Thanks.” pagkatapos ay pumasok na ako sa loob, leaving him with a big question mark on his face.



Kinabukasan ay naging kakaiba. Walang katao-tao sa school. Tiningnan ko ang wristwatch ko at 10:30 AM na. Dapat ay may mga estudyante na ng ganitong oras pero bakit ganoon? Wala akong nakikita ni isa.


Then I saw Liam at the stage, singing a song. And that song made me teary eyed because that is my favorite song.

But I have walked alone,
With the stars in the moonlit night,
I have walked alone,
No one by my side,
Now I walk with you,
With my head held high,
In the darkest sky,
I feel so alive..

His voice is so damn good, and the emotions, saktong-sakto sa mensaheng ipinapadala ng bawat lyrics ng kanta. Then he saw me, I expected him to smile but he didn't. Instead, he grab the bouquet behind him and walked towards me.

Hindi ko magawang umatras, ewan ko, para bang naka-glue 'yong paa ko sa semento.

“So, nalaman ko sa mga tao dito 'yong favorite song mo. And.. I also asked them kung ano 'yong reason kung bakit ayaw mo akong pangitiin that time. And now, I understand. I won't judge you, okay? But, can we be bestfriends, Thalia?” hindi ko alam pero automatic na tumango ang ulo ko at pagkatango ko ay agad niya akong niyakap kaya hindi ako nakagalaw. Hindi ko kasi alam kung yayakapin ko siya pabalik o mananatli lang ako na nakatayo.

Well, at least I have my first bestfriend in my life even though I am sick.



Araw-araw kaming magkasama pagkatapos no'n. Napapagkamalan na nga kaming mag-jowa pero wala kaming paki. Until now, hindi pa rin masaya ang lahat between us. Sino ba namang sasaya kung 'yong kaibigan mo ay may AHD hindi ba?


Happiness isn't allowed to enter my body.

Araw-araw din kaming kumakain ng street foods at MWF, kumakain kami sa labas. Siyempre ako ang nanlilibre sa street foods at siya sa labas.

And para mapigilan ang kasiyahan na dumadaloy sa sistema ko every time na magkasama kami, I will signal him to tell some sad stories para maiyak ako at dibdibin ko iyon. Minsan ay iniisip ko ang pagkamatay ng pamilya ko para bumigat ang pakiramdam ko. At ganoon kami araw-araw.

One Shots AnthologyWhere stories live. Discover now