Capítulo 39

10 3 0
                                    

***



Bukas na bukas, dadalhin kita sa altar.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumang-ayon. Kaya ngayon, narito na kami ni Isagani sa altar.

Naramdaman ko ang matatalim niyang mga titig sa'kin habang naglalakad ako patungong altar, maski ngayong nandito na ako. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang nasa tabi niya, alam ko na ito. Ang asawa niya, si Natalia Valencia. Mukha nga itong masaya, mas masaya pa sa dapat ikasal sa araw na ito.

Madali lang natapos ang kasal namin ni Isagani. Maraming nagtatanong kung bakit madalian, si Isagani naman ang palaging sumasagot sa iba't ibang mga tanong kung kaya't palagi na lang akong nakabuntot sa kaniya. Ngumingiti at bumabati kung kailangan, kapag hindi tahimik lang akong nakasunod sa lalaking ni minsan ay di ko inaasahang darating kami rito.

Kahit na ngayong nasa hapag na kami, kumakain ng pananghalian, ramdam na ramdam ko pa rin ang kaniyang mga titig sa'kin. Di ko nga alam kung ni isang segundo ay nilubayan ako ng mga mata niya. Di naman ako makatingin sa kaniya, natatakot akong tumingin dahil sigurado akong kahit isang sulyap lang sa kaniya ay maiiyak na naman ako.

Di niya alam na dinadala ko ang anak niya sa sinapupunan ko. Sa katunayan, walang nakakaalam kundi ako, si Isagani, at si Aling Diday lang. Hindi naman iyon ang isinasagot na dahilan ni Isagani sa tuwing tinatanong siya kung bakit naging madalian ang kasal namin, kaya mas mainam na siguro iyon.

Madaling lumipas ang araw na iyon, hindi kami nagkausap ni Maximo pero hindi rin ako nilubayan ng mga titig niya hanggang sa isinara ni Isagani ang pinto ng munti naming kubo. At dahil kasal na kami, dito na kami matutulog sa iisang bubong, iisang papag.

Namungay ang mga mata ni Isagani nang naglakad ito palapit sa akin. Bahagya akong natigilan nang pinulupot nito ang mga kamay niya sa baywang ko, at hinila para sa isang yakap. Nanigas ako sa una, pero di kalaunan ay yinakap ko na rin ito pabalik. Nakita kong sumilay ang ngiti niya, at hinalikan ang buhok ko.

"Salamat, Isabella." bulong nito sa tainga ko, at nagdampi ng halik doon.

Medyo nailang ako nang ginawa niya 'yon dahil si Maximo lang naman ang tanging nakagagawa noon, pero hindi naman yata naalintana iyon ni Isagani. Patuloy lang siya sa paghalik sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang itong hinahalikan ang aking leeg.

"Isagani,"

Tinulak ko siya, at kaagad naman siyang tumigil sa kaniyang ginagawa. Kitang-kita ang pagkabigo nito sa kaniyang mga mata habang tinitingnan ako. Umiling-iling na lang ako, at bahagya siyang tumango at nagbuntong-hininga.

"Patawad, Isagani. Hindi pa ako handa sa mga gusto mong gawin." Bigo itong tumango, at hindi na makatingin sa mga mata ko.

"Naiintindihan kita, Isabella. Maghihintay ako." wika nito, at bahagyang ngumiti. "Matulog na lamang tayo." Tumango na lamang ako, at umakyat na sa papag.

Sa katunayan, hindi ko alam kung kailan ko ipapaubaya sa asawa ko ang aking katawan. Posibleng hindi. Isa pa, ayaw ko.

Nakatalikod ako kay Isagani, pero pinulupot pa rin nito ang kamay niya sa baywang ko. Hinayaan ko na lamang ito.

Nakatulog kami sa ganoong posisyon. Nagising din sa ganoong posisyon. Di ko nga alam kung gumalaw ba kami o hindi.

Nang hinarap ko si Isagani, ay dumilat na rin ito at ngumiti. Nagdampi ito ng halik sa noo ko, at hinila pa ako palapit sa kaniya.

"Magandang umaga." Maamong tinig nito pagkatapos nagdampi ulit ng halik sa noo ko.

"Magandang umaga," wika ko, at pilit na ngumiti sa kaniya.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now