Capítulo 33

5 3 0
                                    

5th of October 1896
San Juan del Monte, Manila, Captaincy General of the Philippines

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na pumapasok galing sa bintana. Kahit na inaantok pa ako ay pinilit ko pa ring bumangon. Sa kabilang papag ay nakita ko si Selya na inaayos ang mga higaan.

"Magandang umaga, Selya." bati ko rito, at ngumiti. Ngumiti naman siya sa'kin, at bumati rin.

"Si Maximo?" tanong ko rito pagkatapos kong inayos ang higaan ko.

Tumingin siya sa'kin, at pilit na ngumiti. "Kanina pa siya nagising, Isabella. Pupunta sana siya rito, ngunit hindi ko hinayaan. Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa, ngunit kapusukan pa rin iyon." Tumango lang ako, at umiwas sa titig niya. Lumabas na rin ako para makaiwas sa pagkailang. Natandaan ko ulit 'yung kararating lang namin dito sa kampo, at hinawakan ko si Maximo. Paulit-ulit akong sinermonan ni Aling Diday sa ginawa kong iyon, maski si Selya ay sinesermunan pa rin ako hanggang ngayon.

Alam ko na may nararamdaman siya kay Maximo. Ngunit hindi ko alam kung may pinagsamahan ba sila noong hindi pa nakilala ni Maximo sí Natalia. Maganda si Selya, lahing Kastila kasi. Imposibleng hindi rin humanga si Maximo sa kaniya, kahit minsan man lang. Napangiwi na lang ako sa isipan ko, pero natawa na lang din nang makilala ang taong humila sa'kin patungo sa gilid ng kubo.

"Dito lang pala kita makikita, e." Malumanay na tinig ni Maximo, at yinakap ako nang mahigpit. Ganito ang palagi naming gawi. Si Maximo, nahawa na sa makabagong panahon, unti-unti nang di matandaan ang hindi puwede sa kanila rito.

"Ano ba, Maximo? Nariyan na naman 'yang kapusukan mo, e!" sumbat ko sa kaniya, pero yinakap din siya pabalik. Ibinaon niya ang ulo niya sa leeg ko, hinalikan ang balikat ko, tapos ibinaon ulit.

"Ano ba ang aking magagawa? Nakakahawa ang mga lalaki sa iyong panahon, Isabella." ngisi nito, at muling hinalikan ang balikat ko. Inirapan ko na lang siya, at pilit na kumalas sa yakap niya. Sa halip na pakawalan niya ako ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap. Napipiga na ako rito. Hindi niya man lang ako iniisip.

"Hindi ako makahinga, Maximo."

Kaagad naman itong humiwalay, at tiningnan ako ng madiin. Tinaasan ko siya ng kilay, at napakamot na lang ito sa ulo niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang bisig, at pinatalikod siya sa akin.

"Ano iyang ginagawa mo, Isabella?" tanong niya, pero hindi ko ito sinagot. Narinig ko naman ang loko-loko nitong tono. Kahit kailan, Maximo. "Sinong mapusok sa ating dalawa ngayon, Isabella? Kung iniisip mo na madali mo lamang akong makukuha, nagkakamali ka." ngisi nito kaya't sinapak ko na ang balikat niya. Napadaing naman siya sa sakit dahil sa ginawa ko.

"Isabella?!"

"Ano, ha? Titingnan ko lang naman ang mga sugat mo, pero mukhang magaling na yata." ani ko, at tinapik nang malakas ang likod niya. Ngumisi naman ako nang mas dumaing ito. Tinitigan niya ako ng masama, ngunit pinandilatan ko lang ito.

Nagbuntong-hininga na lang ito, at napakamot muli sa ulo niya. Tinaasan ko siya ng kilay, napakamot ulit siya at napabuntong-hininga.

"Isabella," panunuyo nito. Gusto ko na lang matawa sa ekpresyon ng mukha niya. Masyado kasing nakakaawa. Parang bata na inagawan ng laruan.

Tinaasan ko ulit ito ng kilay, at kinamot niya ulit ang ulo niya. "Kung wala ka nang ibang sasabihin, mag-aalmusal na ako." sabi ko at tumalikod sa kaniya.

Ngunit bago ako nakapaglakad palayo ay naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit nito sa braso ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya, at yinakap nang mahigpit. Hindi gaanong kahigpit kanina sapagkat nakakahinga pa ako. At dahil maliit lang ako kumpara sa tangkad niya, yumuko siya at ibinaon na naman ang mukha niya sa leeg ko habang binibigkas ang pangalan ko gamit ang nakakasuyo niyang tono.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now