Capítulo 9

35 4 0
                                    

***






Whoever you are, wherever you are. You never fail to make me smile, even only in my dreams, Simong.

Napangiti na lamang ako sa kaniyang sinabi. Ako ngayo'y nakasilay kay Isabella na bahagyang nakangiti habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Ang ekspresyon na nakapalitada sa kaniyang mukha ngayon ay kabaligtaran ng kaniyang ekspresyon kanina. Ang maamo niyang mukha ay siyang sentro ng aking paningin, animo'y siya lamang ang aking nakikita sa kalagitnaan ng dilim.

~

"Simong?" Natatawa niyang tanong sa akin. Tumango na lamang ako at ngumiti ng bahagya habang tiningnan siyang tumatawa.

"Why must it be so far?" Natatawa pa rin niyang tugon. Umiling naman ako habang pinagmamasdan siyang puno ng tawa.

"That was what they gave to me. I can't change that." Bahagya kong tawang sinabi, at napa-iling naman siya. Kami ngayo'y nasa loob ng silid-aklatan, alas tres ng hapon. Wala naman si Señor Valienté kaya malaya kaming nakatatawa dito sa loob habang nananaliksik. "Besides, it is not that far."

"Maximo. Where's the 'Simong' from that?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kaniyang kanang kilay, at pinipigilan ang kaniyang pagtawa.

Umiling na lamang ako at bahagyang ngumiti. "Maksimo. Simo. Simong."

"Still not very convincing, Simong." sabi ni Natalia habang pilit pa ring pinipigilan ang kaniyang pagtawa dahil sa aking kakaibang palayaw.

~

Muli kong tiningnan si Isabella na nakangiti ngayon habang kaharap ang madilim na langit. Dahan-dahan akong lumabas sa tabing na aking tinataguan patungo sa asotea ng kuwarto ni Christian. Diretso akong lumakad at sumandal sa barandilya ng asotea na hindi man lang napapansin ni Isabella. Tiningnan ko siya. Tinitigan ko siya. Ako'y napangiti na lamang sapagkat ang kaniyang maamo at maaliwalas na mukha ay muli ko na namang nasilayan.

"Simong," tawag ni Isabella habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

"Talya,"

Kaagad naman siyang naistatuwa sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingala pa rin. Napawi rin ang kaniyang ngiti sa kaniyang mga labi. Unti-unti naman siyang lumingon sa katapat na asotea kung nasaan ako nakatayo. Gulat siyang napatitig sa akin, gulat na may halong pagtataka.

"Talya," tawag ko muli at ngumiti na nagsasabing mahal kita.

Tumitig lamang siya sa akin na para bang nakakita siya ng isang multo. Animo'y hindi siya makapaniwala na ako'y nandirito.

"Ako ito, si Simong."

Nagtitigan lamang kami sa isa't isa, diretso sa aming mga mata. Walang kahit ni isang maliit na galaw. Ngunit sa pagkakataong iyon, nag-iba muli ang anyo ng kaniyang mukha. Tumatamlay ang kaniyang mukha, at naliligalig ang kaniyang mga mata. Akmang papasok na siya muli sa kaniyang kuwarto ngunit ako'y nagsalita muli.

"Talya, ano bang nangyayari sa iyo?" tanong ko sa kaniya habang siya'y naglalakad papasok. Bigla naman siyang tumigil at lumingon sa akin. "Bakit ka nagkakaganyan?"

"Nagkakaganyan?" tugon niya at kumunot ang kaniyang mga kilay at noo.

"Nagkakaganyan. Hindi mo na ako maalala. Hindi mo na maalala ang ating pinagsamahan sa Madrid. Ang mga umaga't hapon at gabi na tayo'y magkasama at nakaupo sa ating tagpuan."

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now