Capítulo 36

11 3 0
                                    

***



Oras na ng siyesta nang napagdesisyunan namin ni Maximo na magtungo ulit sa tuktok ng bundok habang natutulog ang karamihan. Pumayag ako kaya't narito kami ngayon, nakaupo sa silong ng narra.

Tinatanaw namin ang mga tao abalang-abala sa lungsod. May mga iilan pa ring mga tao na kumakayod kahit na oras na ng pahinga.

Nilingon ko si Maximo na tahimik at komportableng nakasandal sa puno ng narra. Nakapikit ang mga mata niya, at may bahagyang ngiti sa labi. Humahaba na ang buhok nito, at sumasanggi na sa tainga niya. Ang matangos niyang ilong. Maninipis niyang mga labi. Ang entonado nitong pagmumukha. Di hamak maraming nagkakagusto at humahanga sa kaniya noon, bago si Natalia.

Bago ako.

"Isabella,"

Natauhan na lang ako nang tinawag ako ni Maximo. Nakangiti lang ito habang nakatitig sa akin. Kanina pa yata siya ganoon.

Tinaasan ko siya ng kilay, at natawa lang ito. "Pinagnanasaan mo na rin ba ang aking pagmumukha, mahal?" ngisi nito sa'kin.

Kinunutan ko lang ito ng noo, at inirapan. Bumalik na ako sa dati kong kinalalagyan, at tinanaw ko muli ang lungsod sa ibaba.

"Patawad," tawa niya sa'kin.

Nagbuntong-hininga at umiling-iling na lang ako sa kaniya. Tumikhim ito, at tiningnan ako ng madiin. Nang tinaasan ko ito ng kilay ay ngumiti na lang siya sa'kin.

"Bakit?"

"Ang dami niyong pagkakapareho, ang dami niyo ring pagkakaiba. Matagal ko nang napansin, ngunit ngayon ko lamang nalaman kung ano." Mahinahon niyang ani sa akin. Kahit na hindi niya banggitin, alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

Nagbuntong-hininga muna ako bago ko tanungin sa kaniya ang bumabagabag sa sarili ko. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga sa aming dalawa.

"Maximo," Tumingin siya sa'kin, at ngumiti. Pilit kong ngumiti pabalik sa kaniya. "Ako o si Natalia?"

Napatikhim siya sa tanong ko, pero unti-unti rin naman itong ngumiti. "Wala akong pipiliin sa inyong dalawa, Isabella. Kahit itanggi mo man na ikaw si Natalia ay iisa pa rin kayo. Mahal ko siya, at mahal din kita."

Pilit kong ngumiti kahit na halos nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ako nag-iisa sa puso ng mahal ko. Sino ba namang binibiro ko, hindi ako ang nauna.

"Walang hangganan ang pagmamahal. Maaaring magmahal ako ng iba't ibang babae. Iba't ibang babae na may iba't ibang uri ng pagmamahal. Pagmamahal sa kaibigan, pamilya, kaalaman, kakayahan o kung ano pa man." Nanatili itong nakatitig sa'kin habang nagsasalita, napalunok tuloy ako nang bahagya itong ngumiti.

"Ngunit ang pagmamahal na aking nararamdaman sa iyo ay ibang-iba sa uri ng pagmamahal ko kay Selya. Ang pagmamahal ko sa inyo ni Natalia ay ang uri na gusto kong makasama habangbuhay, hanggang kamatayan. Ang pagkakaiba lang ay wala na siya, kaya lahat ng pagmamahal kong iyon ay nakatuon na sa iyo." Nagawa kong ngumiti sa kaniya. Mas mabuting tatanggapin ko na lang siguro 'to. Sasaya ang lahat, sasaya ako sa piling ng minamahal ko.

"Mahal ko kayong dalawa, ngunit mas mahal kita ngayon." ngiti niya sa'kin, at umusog papalapit sa kinauupuan ko. Naramdaman ko ang mainit niyang labi sa noo ko bago niya dinampi ang mga ito sa labi ko.

Pumikit lang ako habang hinahalikan niya ako. Napangiti na lang din ako nang naramdaman ko siyang ngumiti habang humahalik. Nang idilat ko ang mga mata ko ay mapungay itong nakatitig sa'kin, bahagyang ngiti sa kaniyang labi.

"Mahal kita, Simong." Marahan kong hinipo ang pisngi niya nang sinabi ko 'yon. "Mahal na mahal." Ngumiti siya sa'kin, at muling nagdampi ng halik sa noo ko.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now