Capítulo 25

6 3 0
                                    

***






Attention! This is the Spanish Special Forces. We've come for Maximo Valencia, and the Alfonsos, as per said by an informant, a part of the rebellion.

Kaagad kaming tumakbo ni Isagani sa loob ng kusina, kung saan gulat na gulat din si Ginoong Lorenzo habang si Tía Claudia'y halos hindi na mapakali.

"P-paano?" Nauutal na tinig ni Tía Claudia habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Nagkatitigan naman sina Ginoong Lorenzo at Isagani, animo nagpapalitan ng salita gamit ang kanilang mga isip.

"Maximo, si Claudia." wika ni Ginoong Lorenzo. Tumango naman ako, at nilapitan si Tía Claudia. Nakita ko naman na dali-dali siyang umakyat sa hagdan, at sumunod si Isagani.

"M-Maximo, si Isabella." Nanginginig na salita nito. Kitang-kita sa mga mata ni Tía Claudia ang takot at pag-aalala.

"Ligtas po si Isabella, Tía Claudia. Kasama niya po si Gabriella." Pagpapahinahon ko rito, ngunit umiling-iling lamang si Tía Claudia kung kaya't kumunot ang aking noo.

"Si Isabella,"

"H-hindi. H-hindi ito magagawa ni I-Isabella."

"Ano pong ibig niyong sabihin, Tía Claudia?" kunot-noo kong tanong dito, ngunit umiling-iling lamang siya.

Bahagya naman akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang malakas na pagkalabog ng pinto. Patuloy pa ring nanginginig ang katawan ni Tía Claudia habang binibigkas ang pangalan ni Isabella, animo isang encantamiento.

"Maximo!" rinig kong sigaw ni Ginoong Lorenzo. "Baba!"

Yinuko ko na lamang ang aking ulo at kay Tía Claudia nang simulang putukan nina Ginoong Lorenzo at Isagani ang pinto ng kusina na kanina pa patuloy na kinakalabog ng hukbo. Ilang segundo ang lumipas ay kaagad na tumakbo papalapit sa amin ang dalawa. Inalalayan ni Ginoong Lorenzo si Tía Claudia habang tinulungan naman ako ni Isagani na makatayo. Naglahad siya sa akin ng isang rebolber na aking kinuha. Minataan ko naman ang dala niyang riple na bago sa aking mata.

"Lorenzo! Kailangan nating makatakas dito! Papaulanan nila tayo ng bala galing sa itaas!" sigaw ni Isagani sa nakakabinging tunog na animo nanggaling sa itaas ng bubong.

"May lagusan sa ilalim ng hagdan!" pabalik na sigaw ni Ginoong Lorenzo habang nakayukong inaalalayan si Tía Claudia papunta sa hagdan.

Nakayuko kaming naglakad ni Isagani patungo sa ilalim ng hagdanan. Sa pagkakataong ito ay ang mga hukbo naman ang nagpuputukan ng mga bala sa amin, kung kaya't patuloy lamang kaming nakayuko. Narinig ko ang marahas na pagkatumba ng pinto sa harapan ng bahay, at ang sunod-sunod na mga yabag ng mga paa na pumapasok sa mansyon. Dali-daling binuksan ni Ginoong Lorenzo ang pinto na nakakubli sa ilalim ng hagdan, at inudyok kami sa loob.

Halos wala na akong makita nang isinara na ni Ginoong Lorenzo ang nakakubling pinto. Tanging kadiliman lamang ang nakapaligid sa amin, kung kaya't dahan-dahan lamang kaming lumakad. Kaagad kaming huminto kung saan bahagya kong nabangga ang aking katawan sa likod ni Isagani.

May ilang kakaibang tunog na naman akong narinig galing sa unahan. At ilan na galing sa labas. Umalingaw-ngaw sa aking tainga ang isang pitik na nanggagaling sa unahan, at nagsimula na muli kaming maglakad. Nang marinig ko muli ang pitik ay wala na akong iba pang marinig kung hindi ang mga yabag ng aming mga paa... sa lupa. Maski ang mga hukbo na nasa labas ay hindi ko na naririnig.

Napatakip na lamang ako sa aking mata nang may apoy na dahan-dahang lumiliyab galing sa unahan. Nang makakakita nang maayos ang aking mga mata ay napagtanto ko na lamang na nasa ilalim kami ng lupa. At si Ginoong Lorenzo ang may hawak ng sulo.

Mi Querido, EspérameDove le storie prendono vita. Scoprilo ora