Capítulo 17

9 1 0
                                    

9th of September 2019
Universidad de Santo Tomas,
Intramuros, Filipinas
09:12

Naglalakad kami ngayon ni Isabella patungo sa kanilang pasok sa Kasaysayan, sa aralin ni Maestro Trujillo. Baligtad naman ang panahon ngayon sa kahapon, tila ilang segundo mula ngayon ay babagsak na ang ulan. Nagsimula ng mag-ambon kung kaya't dali-dali kaming nagtungo sa gusali ng kanilang silid-aralan. Lumakad kami papunta roon, at aming natanaw si Maestro Trujillo na nagmamadaling naglalakad din, bitbit ang kaniyang mga libro.

"Señorita Alfonso y Señorito Valencia, entra."

Miss Alfonso and Mr. Valencia, get inside.

Mahinahong saad ni Maestro Trujillo sa amin, nagbigay-galang naman ako sa kaniya bago sinundan si Isabella papasok ng silid. Pagkaupo ko sa aking upuan sa tabi ni Isabella ay inilapag ni Maestro Trujillo ang kaniyang mga libro, at binalingan kami ng tingin.

Sumandal siya sa harapan ng mesa na nasa gitna, at inihalukipkip ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib.

"En cuanto a hoy, hablaremos sobre la política de Filipinas durante la década de 1890. ¿Alguien quiere abrir una discusión?"

As for today, we will talk about the politics of the Philippines during the 1890s. Anyone wants to open a discussion?

Pagsimula ni Maestro Trujillo, at isa-isang binalingan ng tingin ang kaniyang mga estudyante. Tahimik lamang ang mga estudyante, ang iba naman ay tumitingin kung saan habang ang iba ay nagkunwaring abala. Walang sinuman ang sumagot sa tanong ng maestro, kung kaya't siya'y umayos ng pagkakatayo at lumakad sa likod ng mesa. Mayroon siyang kinuha mula roon, at muling binalingan kami ng tingin.

"De acuerdo, ya que nadie quiere abrir una discusión. Juguemos un juego."

All right, since no one wants to open a discussion. Let's play a game.

Nakangiti nitong saad habang iniitsa ang munting bola na yari sa goma sa kaniyang kamay. Napagmasdan ko naman na napalunok ang ilan sa mga estudyante, habang ang ilan ay kabadong nakatingin sa harap.

"Entonces, sillas al lado. Reúna en un círculo."

So, chairs to the side. Gather around in a circle.

Nakangisi nitong tugon sa mga estudyante. Rinig ko naman ang mga pagbuntong-hinga ng mga estudyante habang inilalagay nila ang kanilang mga upuan sa gilid ng silid. Gumawa sila ng bilog sa gitna, at narito lamang ako sa likod ng silid, nakatingin kay Isabella na naroon na sa bilog.

Ngumisi lamang si Maestro Trujillo, at ipinaliwanag ang mga patakaran ng laro.

"Cuando brugo esta pelota a un estudiante, debe decir algo sobre las Filipinas durante la década de 1890, o de otra manera."

When I toss this ball to a student, he must say something about the Philippines during the 1890s, or else.

"¿O qué lo que, Maestro Trujillo?"

Or else what, Mr. Trujillo?

Saad ng isang lalaking estudyante na mayroong kulay tsokolateng buhok.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now