Capítulo 14

10 3 0
                                    

7th of September 2019
Residencia de Alfonso,
Calle de San Francisco, Cubao,
Ciudad de Salcedo, Filipinas

Alas singko nang umaga ay nagsimula na kaming maghanda ng mga pagkain na aming dadalhin para sa mga bata. Maagang umalis si Tía Claudia sapagkat may bibilhin daw siya sa pamilihan. Si Ginoong Lorenzo naman ay nagtungo sa kabisera sapagkat mayroon daw silang pagpupulong ngayong araw, at didiretso na lamang daw siya sa bahay-ampunan pagkatapos ng pagpupulong. Kasalukuyan na nagluluto ngayon ng empanada sina Isabella at Hannah sa loob ng kusina. Samantalang kami ni Christian ay nag-iihaw ng karne rito sa kanilang bakuran. Mga alas kuwatro nang madaling araw na rin nakabalik si Christian sa aming silid. Nangpanggap naman ako muli na ako'y natutulog nang siya'y pumasok, na sa katunayan ay hindi talaga ako nakatulog. Napaidlip ako sandali ngunit ginising naman ako ni Tía Claudia sapagkat maghahanda na raw kami. Kaya't ngayon ako'y naririto sa kanilang bakuran, nag-iihaw habang pilit na pinipigilan ang aking paghikab.

"Natulog ka ba kagabi?" wika ni Christian sabay salang ng karne sa nagbabagang uling na aking pinapaypayan.

Umiling lamang ako, at tinakpan ang aking bibig nang ako'y muling napahikab. "Ano ba kasing ginawa mo kagabi?" tanong niya sa akin, at muling nagsulong ng karne. Tumigil naman ako sa pagpaypay, at napaatras nang lumiyab ang apoy dahil sa mantika na tumulo galing sa karne.

Umupo naman ako sa munting bangkito na nasa likuran ni Christian, at muling napahikab. "Ikaw kaya ang mayroong ginawa kagabi." Hindi ko alintanang naitugon sa kaniya. Nagulat naman ako, at tinakpan ang aking bibig na nagsimula nang magdaldal. Gulat ding napalingon sa akin si Christian, lumaki pa ang kaniyang mga mata.

"Paumanhin." Dali-dali kong tugon sa kaniya, at bahagyang iniyuko ang aking ulo.

"Alam mo?" kabadong tanong niya sa akin.

Bahagya naman akong tumango. "Ako'y gising pa nang lumabas ka sa silid. Nagtaka naman ako kung saan ka nagpunta sapagkat matagal kang hindi bumalik, kung kaya't pinagnilayan ko kung hahanapin ba kita o hindi. Bigla naman akong nauhaw, kaya ako'y nagtungo sa kusina. Hindi ko inasahang marinig k-kayo." Nakayuko kong paliwanag kay Christian.

Napahinga naman ng malalim si Christian, at napalunok sa kaba. Bahagya naman siyang tumango-tango, at umupo sa isa pang bangkito sa aking tabi. Nagbuntong-hinga naman si Christian, at bahagyang ngumiti na aking ipinagtaka. "Bago pa man naging kami ni Florencia ay magkaibigan na kami ni Hannah. Labing-limang taong gulang ako noong una ko siyang nakilala, samantalang siya naman ay walong taon pa lang." panimulang sabi ni Christian, at tinanaw ang unti-unting nagliliwanag na kalangitan.

"Nagkakilala kami noong isinama ako ni Mama sa pinakaunang beses sa bahay-ampunan. Nagbibinata pa lang ako noon, at ayaw kong sumama kay Mama. Ngunit hindi ko naman siya matatanggihan dahil siya pa rin ang masusunod."

Tumango lang ako, at pinakinggan ang kaniyang mga sinasabi. Tumayo naman si Christian at kinuha ang pamaypay galing sa akin, at pinaypayan ang aming iniihaw. Ako nama'y tumayo din, at pinagmasdan ang kaniyang likod. Isang matipunong lalaki si Christian, subalit hindi naman siya gaanong katangkad sapagkat magkasing-taas lamang kaming dalawa. Isang mestiza si Tía Claudia, at nakuha iyon nila Isabella at Christian. Samantalang nakuha naman ng dalawang magkapatid ang itim na buhok ni Ginoong Lorenzo. Hindi na rin ako magtataka kahit pa isa lamang dayo rito si Isabella subalit itim din ang kulay ng buhok ni Gobernador-Heneral Vizcaíno.

"Umiiyak noon si Hannah dahil nabunggo siya, at tumilapon ang kaniyang miryenda na ibinigay ni Mama. Tumawa pa ako noon sa kaniya, at kinurot ako ni Mama dahil masama raw ang tumatawa sa mga pangyayaring ganoon. Inutusan naman ako ni Mama na ibigay kay Hannah ang pagkaing pamalit sa kaniyang tumilapon na pagkain." Bigla namang natawa si Christian habang nagkukuwento sa akin. "Pero may isang bata na tumakbo sa harapan ko, natalisod ako at tumilapon din ang plato na hawak ko. Ang nakatatawa pa ay tumilapon sa ulo ni Hannah ang pansit na niluto ni Mama na siyang hinahain niya para sa mga bata. Kaya yun, mas umiyak pa siya." tawa ni Christian habang inaalala ang kanilang unang pagkikita ni Hannah.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now