Capítulo 28

8 3 0
                                    

***







Napahawak na lamang ako sa aking ulo. Mayroong kung anumang kirot na aking nararamdaman dito, at sa aking paa. Dahan-dahan akong umupo, at kinurap-kurap ang aking mga mata. Nasaan ba ako?

Kinurap ko ang aking mga mata sa kagubatan na aking ginisingan. Ito na ba ang purgatoryo? Ang aking huling naalala ay ang mga mata ni Isabella sa akin, at ang balang tumama sa aking dibdib.

Dali-dali kong tinanggal ang pagkakabutones ng aking camisa, at sinuri ang aking dibdib. Wala. Wala ni isang sugat dito. Ngunit ang tama sa aking paa ay naroon pa rin, kung kaya't wala ako sa purgatoryo.

Marahan kong hiniwa ang tela ng aking pantalon. Hiniwa ko rin ang manggas ng aking camisa, at itinali iyon sa aking sugat sa paa.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi iyon kinaya ng aking isang paa, kung kaya't ang timbang ko ay naroon sa isang walang sugat. Mayroon akong narinig na mga tumatakbong yabag ng mga paa, kaya't kaagad kong kinuha ang baril na Glock na nakaipit sa aking likod at nagtago sa isang puno.

Nang mas lumapit pa ang mga yabag ay huminga ako ng malalim, at lumingon sa taong iyon sabay tutok ng baril. Marahas na tumigil ang taong iyon sa aking harapan, bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Maski ako ay gulat din na nakatitig sa kung sino ang taong aking tinutukan ng baril.

"Maximo?"

"Isagani?"

Pareho kaming gulat na nakatitig sa isa't isa. Nakabalik na ako sa aking panahon. Hindi na ito ang Isagani na nagkakulubot na at mayroong mga pilak na hibla ng buhok. Kung hindi ay ang Isagani na nakababata sa akin ng isang buwan, ang pinakaunang Supremo ng Anak ng Katipunan. Ang aking matalik na kaibigan na aking nakasama sa pagtakas sa Espanya.

"P-paano? A-ano--" Nauutal nitong tinig ngunit hindi rin naman nito natapos ang kaniyang sasabihin nang mayroon muli akong narinig na mga yabag ng mga paa sa di kalayuan.

"Putang mga Kastila!" Agad nitong sinunggaban ang aking kuwelyo sa likod, at hinatak ako palayo. Comparar kay Isagani, mahina ang aking pagtakbo. Inalalayan naman ako nito at nagtago kami sa isang malaking bato, malayo sa puno na aking tinaguan.

Tahimik kaming nakatago roon hanggang sa lumagpas sa aming pinagtataguan ang mga Kastilang humahabol kay Isagani.

Huminga ako ng malalim, at binalingan ng tingin ang aking kaibigan na labis na pinagpapawisan sa kakatakbo. "Kahit kailan, habulin ka pa rin. Ngunit ngayon ay mga guardia na ang humahabol sa iyo, hindi na mga babae." tawa ko rito habang hinahabol ang aking hininga.

Lumingon naman ito sa akin, at kumunot ang kaniyang noo. "Maximo?"

Tumango lamang ako, at huminga muli ng malalim.

Kaagad itong lumundag sa aking harapan, at sinunggaban ang aking kuwelyo. "Tonto, saan ka ba nanggaling?! Anong nangyari sa iyo, ha?!"

Bahagya lamang akong tumawa, ngunit isang malakas na sampal ang natanggap ko mula rito. Hinipo ko ang aking pisngi, at kunot-noong tinitigan si Isagani. Nagbuntong-hininga na lamang ito at napailing-iling, bago ako nito yinakap ng mahigpit. Napangiti lamang ako, at yinakap din siya pabalik. Tinapik-tapik ko ang likod nito, at dahan-dahan itong humiwalay sa akin.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now