Capítulo 23

10 3 0
                                    

***







Nagtatago na nga kami ng aking kapatid sa kabundukan noong ako'y nasa aking panahon pa, pati ba naman sa panahong ito ay kailangan ko na ring magtago. Isali pa kung paano ako napunta ko rito sa makabagong panahong ito, at ang mga taong aking iniwan sa aking panahon.

"Maximo?"

Lumingon ako sa aking pintuan, at aking nakita si Isabella na nakatayo roon, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Isabella," senyas ko sa kaniya papasok sa kuwarto ni Christian. Inaasahan kong maupo siya sa higaan o hindi kaya't tumayo sa aking harapan, ngunit sa halip ay kaagad siyang lumakad palapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

Kakauwi lamang namin galing sa Casa, at kaagad akong dumiretso rito sa silid sapagkat tila nawalan ako nang ganang makipagsalamuha pagkatapos nang aking nakita't narinig kanina. Yinakap ko pabalik si Isabella, at kaniyang isinubsob pa ang kaniyang mukha sa aking dibdib.

"Wala kang kasalanan, Simong. Isa ka lamang dayo rito." salita nito sa aking dibdib. Hinipo ko naman ang kaniyang buhok, at marahan itong hinalikan.

"Alam ko, Isabella. Kahit kailan ay magiging kaaway pa rin natin ang salinlahi ng iyong ama." Tumingala naman siya sa akin, at kumunot ang kaniyang ulo.

"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito sa akin.

"Sigurado akong galing sa salinlahi ni Gobernador-Heneral Romano Porqueres Vizcaíno ang bagong gobernador-heneral. Iyo bang nakalimutan na ikaw ay isang Vizcaíno rin?" Mas kumunot pa ang kaniyang noo dahil doon, at humiwalay na si Isabella sa aking pagkakayakap.

"Bago ka naging si Isabella Alfonso, ikaw ay si Natalia Vizcaíno. Dayo lamang tayong dalawa rito." wika ko sa kaniya na nagpaluwag unti-unti sa pagkakunot ng kaniyang noo.

Madiin ko itong tinitigan, at bahagyang ngumiti. Nakasuot muli ito ng kaniyang dilaw na pantalon na sumasayad sa kaniyang mga paa, at camisa na masyadong maluwag para sa kaniyang katawan.

"Tungkol diyan, Maximo. Hindi talaga ako si Natalia. Naaalala ko man ang mga nangyari sa inyong dalawa ngunit hindi ako siya."

Hindi ko binigyan ng pansin ang kaniyang sinabi, sa halip ay agad kong idinampi ang aking labi sa kaniya. Pinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang baywang, at mahigpit siyang kumapit sa aking braso. Mas diniin ko pa ang aking paghalik, sanhi nang bahagyang pagtulak niya sa akin.

Muli ko siyang sinunggaban ng halik, habang pilit pa rin niya akong tinutulak palayo. Hindi naman ako natinag ni Isabella sa kaniyang mga suntok at tulak. Hinatak ko siya papunta sa kama, at dinaganan doon.

"Maximo!" sigaw ni Isabella nang muli ko itong siniil ng halik.

"M-Maximo!"

"M-Maximo, tumigil ka na, pakiusap."

Napatigil na lamang ako nang marahas akong tinulak ni Isabella nang aking hinipo ang tiyan nito. Bumigat naman ang aking paghinga nang mamataan ko itong hindi mapigil sa paghikbi't pag-iyak.

Nang nagtama ang aming mata ay isang malutong na sampal ang aking natamo galing sa kaniya. Sinusuntok nito ang aking dibdib habang pilit pa rin akong tinutulak. Isang sampal muli ang sumalubong sa akin, at isang pagkamuhing tingin galing kay Isabella. Inalis ko ang aking sarili galing sa kaniya, at kaagad itong tumakbo palabas ng silid.

Napabuntong-hinga na lamang ako habang tinititignan pinto na marahas niyang isinara.

Muli akong napabuntong-hinga, at napahilamos sa aking mukha nang aking mapagtanto ang aking nagawa kay Isabella. Umupo ako sa higaan, at sinabunot ang sariling kong buhok. Hindi ko inaakalang magagawa ko iyon. Nasaktan ko si Isabella.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now