Capítulo 13

9 3 0
                                    

Universidad de Santo Tomas,
Intramuros, Filipinas
13:07

Kakatapos lang naming kumain na Isabella sa cafetería ng Unibersidad, at ngayon ay naglalakad kami papunta sa silid-aklatan na nasa ikaapat na palapag. Si Isabella ngayo'y nakasuot muli ng kaniyang uniporme, at muling nakapusod ang kaniyang buhok. Mayroon namang mga hibla na nalaglag sa kaniyang pagkakapusod kung kaya't lumalagaylay ito sa kaniyang batok. Napangiti na lamang ako subalit nanaig na naman ang kaniyang pagkawalang-alintana.

"¿Qué estás sonriendo?"

What are you smiling at?

Tanong ni Isabella na ngayon ay nakaharap sa akin mula sa itaas na baitang ng hagdan. Nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya, at ngumiti. Ngumiti din sa akin pabalik si Isabella, bago tumalikod at naglakad muli.

Alas dos y medya pa lamang ang klase nila ni Isabella kung kaya't sa silid-aklatan muna kami magpapalipas ng oras. Dala-dala din ni Isabella ang libro ni Tolstoy na aking ibinigay sa kaniya kahapon.

Pagkarating namin sa silid-aklatan ay kaagad na naupo si Isabella sa pinakasulok na mesa, at naupo rin ako sa kaniyang tapat. Walang masyadong estudyante ang nandirito sa silid-aklatan sapagkat mayroon silang kani-kanilang mga pasok, puwera lamang sa ilan na nagsasaliksik.

Inilapag ni Isabella ang libro na kaniyang dala sa mesa, at tumingin sa akin. Tiningnan ko naman siya, at ngumiti.

"¿Quieres que lo lea de nuevo?"

Want me to read it to you again?

Kumunot naman ang kaniyang noo, at bahagya akong napatawa sa kaniya. Kinuha ko ang libro, at binuksan ito sa unang pahina.

"War and Peace. Author, Leo Tolstoy. Translation. Ann Dunnigan. 1968." basa ko, at binuksan ang kasunod na pahina kung saan nakalagay ang paunang salita. Tiningnan ko naman si Isabella na nakakunot pa rin ang noo.

"¿Cuándo he leído este libro?"

When did I ever read this book?

Bahagya na lamang akong natawa kay Isabella. Nakakunot lang ang kaniyang noo habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na ngumiti dahil sa kaniyang mga nakatutuwang alindog.

"No me creerás cuando digo, pero leemos este libro hace mucho tiempo desde este día."

You won't believe me when I say, but we have read this book a very long time ago from this day.

Unti-unti namang umaliwas ang kaniyang noo habang nakatitig pa rin sa akin, at bahagyang nakangiti. "Iluminame entonces."

Enlighten me then.

"Cada vez que hago, me cerrarás."

Every time I do, you will shut me out.

Tugon ko sa kaniya, at inilapag sa mesa ang aking siko. Tinitigan ko na din siya pabalik, at kumunot ang kaniyang mga kilay.

"¿Cuándo te quisiste?"

When did I ever shut you out?

Napahawak naman ako sa aking baba, animo'y nag-iisip nang sa katunayan ay hindi mawala-wala sa aking isipan ang mga araw na nagalit siya sa akin dahil lamang tinawag ko siyang Natalia.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now