30 Days of Hell (own version/revised)

Start from the beginning
                                    

Hindi ako kumibo. Wala din naman akong magagawa kung hindi pakinggan ang mga sama ng loob nila at hintayin ang maaari nilang gawin sa akin.

“Your sister. She made my brothersʼ life miserable. She toyed them. She flirted with Red while she's in a relationship with Black. Matapos niyang magawa na mapamahal sa kaniya ang mga kapatid ko ay iniwan niya ito sa ere. After she left them? They always fight every day. Imagine that, huh? Parang may nagpapatayan sa bahay namin araw-araw dahil lang sa babaeng malandi at walang kwenta. Nang hindi nila nakayanan na makita ang ate mo na may kasamang iba, nagpakamatay sila. At doon ko nalaman na kaya pala ginawa ng ate mo iyon ay dahil may ipinaghiganti siya. May nilagay siyang drugs sa bawat iinumin ng mga kapatid ko which is bawal sa kanila dahil may sakit sila! Namatay sila kahit hindi pa nila oras dahil sa pinagsabay-sabay na sakit! Napaka-walanghiya ng pamilya ninyo!” nagitla ako sa pagkakasabi ni Gray noʼn dahil sa lakas ng boses niya na nag-echo sa bawat sulok ng bahay. Ganoon kalandi ang ate ko?

Lumapit si Miguel sa isang cabinet at may kinuha siyang dalawang lubid doon. Nagulat ako nang itali niya ang kamay at paa ko at habang ginagawa niya iyon ay nagsasalita siya, “'Yong kuya mo.. Ikinama niya ang kapatid ko. Paulit-ulit binaboy, pinasukan ng kung ano-ano, niloko, at kinuhanan ng litrato ang kapatid ko at pinost sa social media. Hindi magawang magreklamo ng kapatid ko dahil sa pumapatay din pala ng tao ang kuya mo. Dahil doon, nagpatiwakal ang kapatid ko, pati na rin ang magulang ko dahil ako ang sinisisi nila dahil sa ginawa niyang pagkuha ng fingerprint ko at pag set-up sa akin. Walanghiya kayo! Dapat sa inyo, isa-isang namamatay!” napapikit na lang ako. May isa pa, isa na lang ang papakinggan mo, Claire, baka sakaling makalaya ka na at makahingi ng tawad sa kanila. May thirty days ka pa para pagbayaran ang mga ginawa ng pamilya mo sa kanila. Baka sakaling mapatawad ka nila at matahimik sila kapag natapos na iyon.

Sunod na umupo si Chad sa harapan ko. Nag-indian sit siya ay ngumiti. Iyong ngiting genuine at hindi plastik. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at yumuko, hinihintay ang sasabihin niya sa akin.

“Nangutang ka sa akin ng pera, limampung libo. Pumayag ako noon dahil sabi mo ay babayaran mo pagkatapos ng dalawang araw. Nangako ka. Naghintay ako, naghintay ako na maibabalik mo sa akin iyon ng buo, walang labis, walang kulang. Pero noʼng pumunta ka sa meeting place, sabi mo hindi mo muna mababayaran. Nagalit ako noʼn ng sobra. Pero pinigilan ko, dahil binigyan ako ng isang linggong palugit ng doktor, at sinabi ko sa iyo iyon. Pero wala pa rin talaga, eh. Hindi mo binigay. Alam mo ba kung ano ang nangyari, huh?! Namatay si Mama dahil sa kapabayaan mo! Pang-treatment niya iyon sa sakit niya! Pero hindi mo naibalik! Nangako ka, Claire, nangako! Pero putangina hindi mo man lang natupad!” it feels like I am a demon like them and I am just like my family. Dahil sa kagagahan ko, nakapatay rin ako. Napakasama ko naman palang tao. Akala ko sila iyon, ako rin pala, ganoon.

Napahagulgol ako dahil sa nagawa namin ng pamilya ko sa kanila. Sinira namin ang buhay nila. At lahat ng nagawa naming iyon, pagbabayaran ko, kung gaano man kahirap, gagawin ko, dahil kung ikakamatay ko man iyon, walang-wala pa rin iyon sa naranasan nila noong mga panahong pinatay namin ang pamilya nila at sinira namin ang mga buhay nila.

Ikinalma ko ang sarili ko at pinalis ang luha sa pisngi ko. Tumingala ako ay nginitian sila. “You... You can do everything you want to do with me until youʼre satisfied. Kahit ano.. tatanggapin ko, b-basta, mapatawad niyo ako.. at ang pamilya ko.” ngumisi sila sa isaʼt-isa. Naglakad si Gray sa isang cabinet sa gilid ng pinto at may inilabas na dumbbells..?

Dalawang malalaking dumbbells iyon. Isinara ni Gray ang cabinet at saka lumapit sa akin. Namilipt ako sa sakit nang ibagsak niya iyon ng sabay sa katawan ko. Putangina, ano bang balak nilang gawin sa akin? Bakit hindi na lang nila ako patayin ng diretso!?

“Wala nang bawian iyan, Claire. Let the games begin!” sigaw ni Chad at sabay-sabay silang pumalakpak. Damn, advance RIP to myself.

THIRD PERSON ;

One Shots AnthologyWhere stories live. Discover now