Epilogue

27.9K 587 84
                                    


©Jennie Jem
[The whole story is an unedited version. Expect loopholes and errors.]

EALLA'S POV•

"Mommy, we're going now!," naririnig kong sigaw ni Zian kaya napalingon ako mula rito sa may veranda na naglalakad pabalik-balik na ginagawa ko na sa loob ng siyam na buwan. Ginawaran ako ng halik ng dalawa kong anak na mukhang handang handa para pumasok sa eskwela.

"Mag-iingat kayo, babies," ngiti ko.

"We will, Tita Mommy," pinag-aral ko na si Zian dahil nakapag-advance na naman siya ng isang year sa nursery kaya tinanggap na rin siya ng school.

"Yiie, I'm so excited. Malapit na raw lalabas si baby Thorize," inayos ko ang nakatabinging ribbon tie ng anak ko pati na kay Zion. That was right. Lalaki ang pinagbubuntis ko ngayon at nasa huling buwan na ako ng pagdadalantao.

"I'm excited also, Zee. Sige na, baka ma-late na kayo ng Kuya mo."

"Goodbye, baby Thor, be good to Tita Mommy. They said, masakit daw manganak eh," bulong ni Zion sa nakaumbok kong malaking tiyan, napangiti ako sa ka-sweetan ng anak kong ito. Niyakap niya ako, pati na si Zian.

"Behave, baby Thor, baka sipain mo ulit si Mommy natin eh," komento ng babae kong anak saka narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagtawag ng Yaya nila na handa na ang kotse.

Nang makalabas na silang dalawa ay patuloy na rin ako sa ginagawa kong pag-e-ehersisyong naglalakad lakad lang. Kagabi pa kasi sumasakit ang tiyan ko eh. Nauna nga lang akong nagising kay Gov. He was still sleeping due to his many works at the government hall. Marami-rami rin siyang binisita kahapon doon sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinisinghap ko ang sariwang hangin na umiihip. Papataas na rin ang sikat ng araw, at dinig-dinig ko ang paglalaban ng ingay ng mga huni ng ibon at ng mga ugong sasakyan doon sa highway.

Tahimik ang buong village kahit sobrang laki nito, maraming bahay at halos lahat ay may nakatira na rin. Si Mars at Daff nga na ikakasal pa lang ay nakabili na ng isang bahay na nasa loob din ng village na ito. Hindi na ako magtataka kasi mayaman na mayaman pala iyang si planetang Mars. Tss.

Iyong buhay naman ni Gum at Saturn, ay still going strong pa rin. Pati ang kanilang relasyon na marami ring humahadlang. Naglakas loob kasi si Ateng Gum na lumabas sa fixed marriage na sinunod niya lang sa mga magulang niya. Basta iyon na iyon. They were in a relationship for almost six months na rin.

Si Peitho na pinapahanap ko ay wala pa rin akong nakalap. Naawa lang ako kay Zion dahil kahit hindi sinasabi ng bata ay alam kong nangungulila iyon. Nangako pa naman akong hahanapin ko ang Mommy niya. Noong naaksidente kasi kaming dalawa ay walang na report na mga awtoridad na may katawan ng babae na nasunog, doon pa lang, alam ko ng buhay si Peitho. Wala lang akong alam kung bakit hindi pa rin siya nagpapakita, malapit na maglilimang taon. Gusto ko sanang ibigay ang kaya kong ibigay kay Zion kahit ito lang, mapasaya ko siya. Mahal ko ang batang iyon kahit hindi man kami magkadugo.

Si Silver naman ay iyon na nagbagong buhay na. She focused now on her modeling career.
Hindi naman siya sinangkot ni Oscar at ng Papa niya sa mga kasong isinampa. Oo, Florencio Saavedra was also trapped in a cell. Sinangkot siya ni Oscar sa lahat lahat. Wala namang kawala ang matanda dahil may mga ebidensiya.

Ako, masayang namumuhay kasama ang buo kong pamilya. Palaging nakasuporta sa akin si Gov sa pagiging agent ko na pinabayaan ko muna ngayon dahil sa pagbubuntis ko.

Maya maya pa ay nagpasya muna akong umakyat sa kwarto para silipin kong gising na ba ang asawa ko. Ganoon na lamang ay hindi pa. Nakadapa pa siyang mukhang himbing na himbing pa na kahit siguro ay magtatambol ako ay hindi matitinag.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt