Chapter 34: Breakfast In Bed

24.3K 437 17
                                    

•THIRD PERSON'S POV•

Itinuon niya ang mahabang oras sa pagse-set up ng mga monitoring gadgets sa ilang sulok ng bahay. Hinihintay niya kasi si Gov. Mag-a-alas onse na ng gabi, hindi na siya mapakali kung napano na ang asawa niya roon sa kompanya nito. Kahit may dala pa iyong bodygaurd, she can't grant full security to him and to herself.

"Ano naman ang gagawin mo?," tanong niyang sa kausap na si Daff habang siya ay may nilalagay na chip sa ilalim ng center table. Nag-uusap silang dalawa sa video call gamit ang laptop niya. "For sure, baka magiging suicidal ka na naman diyan sa mga sakit sakit mo na 'yan, ha."

Nai-kwento ng kaibigan niya ang totoong nararamdaman nito patungkol kay Mars. Daff has this personality na kapag ay nasasaktan emotionally nagiging suicidal. Her friend can take a lot of physical pain but not mental and emotional. Hindi iyon normal pero iyon talaga ang kaibigan niya nang hindi naman sinasadya. Daff did not want to hurt her own self pero parang dinidiktahan ang kaibigan niya na gawin iyon o gawin ito. Isang sakit ata ang nararamdaman ni Daff. A disorder or something that they were still guessing, dahil hindi nagpapa-ospital ang kaibigan niya.

"I'm trying to, Sam. I'm trying really hard. Nilalayo ko na ang sarili ko sa mga baril, sa kutsilyon at nilalayo ko na ang sarili ko sa mga matutulis na bagay pero kinokontrol na naman ako ng utak ko. Nagpatulong na ako kay Gum na aliwin ako but music and movies can't heal my thoughts. Mas lalo lang ako nasasaktan."

"Umuwi ka na nga muna sa bahay niyo. Matutulungan ka ng Mama mo," malambing niyang sagot sa kaibigan habang binabagsak ang sarili papaupo sa sofa.

"Ayaw kong mag-aalala si Mama. Baka ipatingin niya naman ako sa mga doctor, dagdag gastusin lang 'yon. Mahirap ang buhay, Sam, nagtitipid ako," well, hindi niya masisisi si Daff dahil pinapaaral nito ang dalawa nitong kapatid, both highschool at ang sarili nito sa kolehiyo.

"I can help you," suhesyon niya na ikinailing nito.

"I can't. I hate hospitals. I hate those white things. I hate medicines. Huwag na. I can manage myself."

Napabuntong-hininga na lamang siya at umiling na lang din.

"Masyado mo lang kasing ina-attach ang sarili mo kay Mars in this past years kaya nagkakaganyan ka."

"Iniiwasan ko na siya, Sam, dahil alam ko kung ano ang mangyayari kapag puso ko na ang masaktan. Pero bakit? Bakit mo pa rin ako iniwan na imbis tayo ang magkapareha ay tinulak mo pa ako sa planeta na 'yon," natawa siya dahil kahit papaano ay na-i-da-divert niya ang pag-iisip ni Daff.

"I have matters to do with my family. Sana maintindihan mo 'yon, Daff. Anyways, I know you're strong. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng pag-iisip mo," ngumiti na lungkot na lungkot ang kaibigan.

"Sana nga. Hays, sa dami ng tao sa mundo, sa may nobya talaga, Daff," nakita niya ang paghiga ng kaibigan sa kama nito sabay tabon ng unan sa mukha.

"I can't imagine a very sassy girl, so maarte, so choosy and so bitter, falling in love. Kahit kailan hindi nasagi sa isip ko na iibig ka. Hahaha," nakikita kasi kay Daff ang kakaibang perception sa buhay kaya nasasabi niya iyon.

"Ngayon, alam mo na," sabi pa rin nito habang nakahiga pa rin.

Maya maya pa ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan na ikinatuwa niya ng sobra.

"Wait lang, Daff," paalam niya sa kaibigan at patakbong binuksan iyong main door. Nakita niya ang pagpasok ng kotse ni Gov sa malaking garahe doon sa gilid. Naglakad siya papunta doon at gayon na lang ang pagkagulat niya nang lumabas sa front seat iyong driver at iyong Silver ang pangalan.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя