Chapter 40: The Gentle Governor

27.6K 538 68
                                    

©Jennie Jem
[The whole story is an unedited version. Expect loopholes and errors. Printed version will be edited.]

•EALLA'S POV•

"For this moment, I have protected you, my protector, and that is the greatest achievement in my life," hindi matigil ang kabang pagtibok nang puso ko sa nangyari pagtama ng baril kay Gov. Isa lang ang naging reaksyon ko sa nangyari at iyon ay naiputok ko iyong baril na hawak ko sa braso ni Oscar.

Nang dahil sa gulat at galit ay sinundan ko pa ng isa.

"Ilabas niyo 'yan..."

Kasabay nang pagbagsak niya sa akin ay ganoon din ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Gov," nanginginig ang aking mga kamay na may mga bahid ng dugo niya sa pagtama ng bala sa kanyang likod. Punong-puno pa siya ng bugbog. Nagpapanik ang utak ko kung ano ang gagawin.

"Tulong! Daff! Saturn!" hindi ko siya kayang buhatin.

Akala ko ay nanalo na ako. Hindi pa pala. Napaluhod ako kasabay niya. I let him rest on my arm, unconcious. Nagraragasa ang mga luha kong hindi ko mapigilan.

"Gov, baby, darling ko..." tapik ko sa mukha niyang punong-puno ng pasa sa gitna nang mga nag-iingayan na sasakyan sa labas, putok ng baril, at mga naglalabanan. Alam kong nakaligtas na sila Daff dahil pinabalik ko iyong tatlo doon sa loob para pakawalan.

"Daff!!" napapaos kong sigaw.

"Gov naman eh..." niyakap ko siya nang mahigpit. Hinalikan ko siya sa noo niya, because I did not know what to do. Ginagawa ko ito, umaasa na baka may healing power ito at mapunan ang mga lakas ng asawa ko. "Gov, mabubuhay ka para sa akin, sa mga anak mo, sa pamilya mo at para sa probinsiya. You don't just give up like this, okay. Mabubuhay ka! Daffodil! Ano ba?! Tulungan mo kami!"

Hindi ko na mapangalanan lahat ng sakit na dumaan sa puso't kaluluwa ko.

"What the f*ck?," napatingala ako nang may nagsambit 'non bigla nang makapasok siya. Sa gulat ko rin ay napapamura ako sa akin isipan.

Vice Governor? The f*ck! Mapapasabak pa ata ako sa isang labanan nito. Diyos ko! Agaran niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay ang asawa ko.

"Ano ang gagawin mo?" puno nang panghuhusga kong saad. I did not trust him. Kapatid siya ni Oscar Oh.

"Nangangailangan ka ng tulong, 'di ba? Ipaubaya mo na sa akin ang asawa mo," malamig na malamig niyang tugon na hindi ko alam kung sincere ba siya o napipilitan lang. "Babae, mauubusan ng dugo ang asawa mo. Pwede ba?! Mapapatay ako ni Crex kapag may nangyaring masama rito. Bitawan mo na!"

Nang mabanggit niya ang pangalan ni Boss ay nabitawan ko ang asawa ko na dali-dali niyang binuhat, at isinampa sa balikat niya.

"Nasa ikalawang kwarto mula rito ang mga anak mo. Puntahan mo muna. The whole place is clean already from Oscar's men. Nakaabot pa kami, thanks to your kids," at kaagad akong tumayong pinapahid ang mga luha nang tumalikod siya. Sumunod ako sa kanya papalabas saka may sumalubong ditong kasamahan namin sa trabaho.

"Ipahanda mo 'yong pesteng ambulansya na 'yan ha! F*ck! Hindi pa ako natakot para sa buhay ko. Crexion will kill me," may pag-aalala nitong sambit sa sarili kaya tinugunan kaagad iyon ng agent na kasama namin. Kabang kaba ako para sa asawa ko, at dinagdagan pa ng pagtataka kung kaano-ano ni Boss at Gov si Jonathan Oh, the Vice Governor.

Napa-sign of the cross akong tinititigan lang ang papatakbo nang paglalakad ni Vice sa mahabang hallway. Walang dalawang isip ko ring tinahak ang sinabi ni Jonathan na kwarto, at marahas na binuksan iyon.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now