Chapter 39: Pain Ends

16.5K 305 6
                                    

•GOV'S POV•

Kinumutan ko ang aking mag-ina nang umakyat ako rito para kunin sana si Crize dahil may itatanong si Mars patungkol doon sa mga baril kaso nakita ko na lamang siyang nakahiga sa gitna ng mga anak namin. She was sleeping peacefully. Nakahiga sa braso niya si Zee at nakayakap sa kanya si Zion. In the middle of this danger, sana ganyan sila palagi, sleeping comfortably without thinking any problem.

Crize was too optimistic even though her eyes say otherwise. It always amazed me how she cheered herself up kahit anong problema. Noon una ko siyang nakilala, determinado talaga siyang pakasalan ako para sa pamilya niya para hindi ito maghirap sa kulungan. She chased me to marry her, kahit pinagtabuyan ko siya. She always gave me that alluring smile of her kahit alam kong nahihirapan siya.

Sa trabaho na kanyang pinasukan ay naging daan siguro ito para maging ganito siya katapang. Naalala ko pa noong hinabol niya iyong baril sa akin doon sa gitna ng dagat. Kinain ako ng takot na baka siya naman ang mabaril o ang masawi, pero noong nakita ko siyang buong-buo na walang halong bugbog ay nakahinga ako nang maluwag, pero inisip ko kung bakit ganito ang babaeng ito? Every day I was falling in love with her, every piece of her soul.

Umupo ako sa kama at nakangiting tinitigan ang maamo nitong natutulog na mukha.

"Hindi ako magsasawa sa'yo, Crize. Paano ko magagawa 'yon kung kada minuto ay natatakot akong mawala ka sa akin? I'll quit politics, baby baka nang sa gayon ay wala nang magagalit at magbabanta sa akin," ngayon lang ako nagkakaganito simula nang pumasok ako sa mundo ng politika.

Binalaan na ako ni Mama sa maaari kong maranasan sa mundong ito kaso pinilit ako ni Papa at napagtantong kailangan ako ng mga tao, kailangan ako ng kababayan ko. Araw-araw kung nakikita ang paghihirap ng mga tao, sa TV man o nakikita ko talaga. Marami pang dapat baguhin sa probinsiya na sinasakupan ko, marami pa akong plano pero kung pamilya ko naman ang isasakripisyo ko, maybe, I should give up the thing I love to do.

Ang pamilya ko na ang bago kong priyoridad ngayon. Wala ng iba.

I leaned towards her making sure I will not disturb Zion and kissed her forehead. Hinaplos ang makinis at malambot niyang pisngi, bago ko ginawaran ng halik ang mga anak namin.

"I love you, babies," bulong ko, bago iniwan ang kama at lumabas nang masiguro ang seguridad mg buong kwarto.

Naabutan ko naman sa labas ng kwarto si Gum na may dalang maliit na gadgets na hindi ko alam kung ano ang pangalan. It was their invented gadget anyway. I did not know even a single bit about Crize's world.

"Gov, ikakabit ko lang ito sa damit ng mga bata," paalam niya. Her eyes were evidently red like she was crying beforehand.

"Ano tawag niyo riyan?" kuryoso kong tanong.

"Danger detector, Gov. Naka-install rito ang mga tao na dapat lang humawak kina Zee at Zion, if someone attempts to touch them na hindi naka install sa gadget ay ma-de-detect iyon sa monitor ni Saturn, and the agency automatically. The agency can rescue us and we can know immediately," napatango-tango akong pinagbuksan siya ng pinto.

"Mag-ingat ka lang. Ngayon lang nakatulog ng mahimbing si Crize. Alam kong pagod na pagod siya ngayong araw eh," mahinahon kong habilin sa kaibigan ng asawa ko. She smiled and nodded.

"You love her that dearly?" nahimigan ko ang konting inggit sa kanyang boses.

"Beyond what you think," tinapik ko ang balikat niya. Wala man akong alam sa kanila ni Saturn, but she was too sad if she will look at Saturn.

"Salamat, Gov. You changed her a lot. Huwag mo lang 'yang masaktan-saktan ang kaibigan ko. Buo ang tiwala namin sa'yo, kung gaano ka pinagkakatiwalaan ni Sam ay ganoon din kami."

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now