Chapter 12: Darling Ko

27.4K 1.1K 48
                                    

•EALLA'S POV•

Inuunat ko iyong mga braso ko at hinarap ang bintana sabay bukas nito. Hays. Ang ganda ng hangin and I smiled, mezmerizing the amazing coldness of the morning kahit maiingay na sasakyan ang naging alarm clock ko ngayong umaga.

Nakarating ako nang matiwasay kahapon kasama si Don Patricio. Nagpasalamat pa siya sa akin dahil daw gumawa ako ng paraan para matuloy ang kasal namin ni Gov. Kung alam lang ng matanda kung gaano ako nakokonsensiya.

Ako pa talaga ang makokonsensiya, ano? Ibang klase.

Kung alam lang nila kung gaano na ako naguguluhan sa problemang kinakaharap ko.

Hindi talaga ito madali. Marami naman akong choices. I can choose his offer, an offer na tutulungan na niya ako. I know hindi naman imposible na makagawa ng paraan si Gov na palayain ang pamilya ko. By his power and authority, sino nga bang hihindi sa kanya. Kahit siya pa ang pinakabatang governor, his too powerful and influental kaya nga maraming gustong pumatay sa kanya.

Kung tutulungan niya na hindi kasal ang daan ay makakalaban naman niya ang kanyang ama.

Pero choice ko pa rin na e-pursue ang kasal na ito.

Bakit nga ba? Sa ano ba talagang dahilan, Crize. Dahil ba sa pamilya, sa isang mission...o dahil...sa isang nararamdaman na ni minsan ay hindi naman napansin.

I will not tell you the story because it's too long and nonsense.

Minutes passed ay naligo na ako, pagkatapos ay nagluto para sa pagdalaw ko mamaya kina Lola.

Don Patricio promised na makakalabas na sina Lola kapag maikasal na kami ni Gov.

Salamat naman. Makakaalis na sila sa kulungan. They don't deserve that place.

May nararamdaman ako kay Don Patricio kung bakit gustong-gusto niya akong ipakasal sa anak niya. It's a weird intuition that something is the reason. A reason that you can't just guest why he is pushing this marriage.

Ay ewan ko! Sumasakit ang ulo ko dahil sa dagdag na iisipin na iyan.

Nang ready to go na ako at akmang lalabas na ng bahay nang biglang tumunog ang cellphone kong nagpapahiwatig na may tumatawag.

Saturn's calling...

"What's up, brad?," pabarako ko ng boses. "Kumusta?"

"Read the newspaper's headline..." binaliwala niya ang bati ko at kumunot ang noo sa sinabi niya.

"Papalabas na ako ng bahay, eh. Saka wala kaming newspaper. Bakit? Ano ba ang nasa balita? May nangyari ba kay Gov nang nasa Manila siya? Sorry, alangan naman kasing sumunod ako sa kanya sa Manila, eh, ang layo-layo 'non."

"Hindi ako ang dapat magsabi sa'yo nito, dapat 'yang mata mo ang makakabasa,
bilisan mo, bumili ka ng newspaper sa may stoplight."

Naguluhan na talaga ako sa sinasabi ni Saturn kaya pinilit ko na lang siya.

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang magsabi sa akin? Ano ba ang pagkakaiba 'non? Eh, pareho ko lang namang malalaman.."

"Ah basta! Sikat ka na. I'm hanging up, bro. Marami pa akong gagawin sa school," awang ang labi akong umiling na nababaliwan sa kaibigan.

Magsasalita pa sana ako nang binabaan naman niya ako ng telepono.

Tss!

Anong sikat na ako?

Dali-dali naman akong nagpara ng jeep na hinintuan ako kaagad dahil hindi pa puno at lahat ng pasahero ay nakatingin sa akin nang makasakay ako.

May mali ba sa mukha ko?

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now