Chapter 4: Protect Him

37K 787 56
                                    

•EALLA'S POV•

Hawak-hawak ko ang aking mga labi habang nakatunganga sa kisame. Kapang-kapa ang dibdib kung saan iyong puso ko ay sobrang lakas ng tibok. The thuds and beats of it should't be here.

Hindi pa ako naka-recover doon sa halik ni Gov. Pinigilan kong kiligin pero hindi ko mapigilan. Kulang na lang maiyak ako sa kilig. Hindi maisip ang rason kung bakit sa kabila ng ganoong trato niya ay nakakaramdaman ako ng ganitong kasiyahan.

Bumangon ako at sinampal sampal ang sarili.

"Crize! Umayos ayos ka nga muna! May misyon kang protektahan si Governor at mapalabas ang pamilya mo sa kulungan! Doon lang iyon! Bawal! Bawal 'yang pagtibok ng puso mo! Nag-aaral ka pa!," humiga ulit. Dumapa at parang kiti-kiting sinapak-sapak ang kama. "Puso ko, maghunus dili ka. Parang Kuya mo na si Gov. Ang pagpayag mo sa kasal ay bayad lang sa utang. Okay ba tayo doon? Hmmm. Malinaw na 'yon, ha," patuloy na pangaral ko sa sarili.

Fighting! Malinaw pa sa sikat ng araw! Misyon lamang ito at kabayaran sa utang. Doon lang. Wala ng iba.

Sinuntok ko ang dibdib ko at saka huminga nang malalim.

"Huwag kang tumibok sa kanya, puso ko. Nagmamakaawa ako."

Takot akong magmahal at umibig. Hindi ko kaya ang sakit na dala ng pag-ibig. Ayaw ko. Ayaw na ayaw ko. Masarap magmahal, oo, pero alam ko na ang kaakibat ng isang pagmamahal ay walang katumbas na sakit at pagsasakripisyo.

I forbade myself to fall in love while I'm studying. Iyan ang prinsipyo ko bilang estudyante. I don't want distractions while achieving my academic goals. Isa pa, nakakabuang kayang umibig. Tss!

Ito ang mga napapansin ko sa mga classmates at mga kaibigan ko doon sa Maynila kapag nabo-broken sila.

Una, kapag nasaktan ka sa pag-ibig o niloko ka ng boyfriend mo o girlfriend mo ay ang paraan lang para makalimutan mo daw siya ay uminom ng alak. Nakasampung bote ka na ng beer diyan ngunit pagkagising mo ay wala kang napala. Sumasaksak pa rin ang panloloko niya sa kukuti mo. In the end, you risk your liver!

Pangalawa, kapag nabigo sa pag-ibig, ilan sa mga ginagawa ng mga babae para makalimot ay kumain nang kumain. Pwes! Tataba ka lang ng husto dahil doon! Kakain ako dahil food is life at hindi para makalimot. Wala sa mga kinakain mo ang gamot para makalimutan mo ang panloloko niya!

Pangatlo, kapag nasaktan ka sa pag-ibig ay hindi ka na makakatulog nang maayos, nag-aaksaya ka lang ng mga luha, at makakaani ka lang ng eyebags pagdating ng umaga. Daig mo pa ang naka-hithit ng pinagbabawal na medicine. Then, in the end, wala pala sa mga inilabas mong luha ang pagpapalimot mo sa lahat ng mga ala-ala ninyo!

Therefore, love is a threat to human's health!

Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang alarm clock ng cellphone ko. Muntikan na! Si gobernador kasi, mind intruder!

Dapat bibisitahin ko pala sila Lola sa presinto bago pumasok ngayong araw. Alas diyes pa naman iyong first subject ko. Mabuting saktong-sakto lang para sa akin ang schedule.

Naghanda ako ng pagkain para sa pamilya ko, nagbihis ng black jeans, black shoes, black sando with black female leather jacket.

Pinoni-tail ko iyong mahaba kong buhok at nag-suot ng black mask. Mas komportable akong hindi ipakita ang mukha ko kapag maraming tao ang pupuntahan.

Dinala ko iyong mga safety and emergency equipment ko sa aking maliit na backpack. These are the usual things I bring when on mission.

Then I went on after readying myself.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon