Chapter 36: Threats

23.2K 476 54
                                    

•EALLA'S POV•

Sa gitna ng mahabang biyahe ay inaantok si Gov kaya ako na ang pumalit sa kanya sa pagmamaneho. Himbing na himbing ang tulog niya samantalang natutulog din ang mga bata sa likod.

Dalawang oras pa ang itatakbo namin. Excited na rin akong makita ang pamilya ko sa loob ba naman ng mahahabang taon.

Dahil sa sobrang nakakabingi ang katahimikan ay pinaandar ko iyong radyo at bumungad sa akin ang balitang boung linggo nang pinag-uusapan sa buong bansa. Ang pagkakahuli ng plantasyon ng shabu sa pag-aari ni Oscar Oh and he was wanted now. Masaya akong kumikilos na ang mga awtoridad at gobyerno pero natatakot ako para sa pamilya ko.

Maraming kaguluhan sa utak ko gaya ng pinagsasabi nilang kontrata na ang tanging alam ko lang doon ay may malaki kaming utang sa pamilya ni Gov and the way to pay off that debt was I will marry him. Pangalawa, wala akong alam sa nangyari sa kanya 'nong na-kidnap ako. Pangatlo, tutol ba talaga ang pamilya ko sa aming dalawa?

Someday, kapag wala ng Oscar, wala ng Oh, makakahinga na kami nang matiwasay. Ang batas at ang kasamahan ko na ang bahala kay Oscar at proprotektahan ko nang maayos ang pamilya ko.

Pagkalipas ng mahabang mahabang oras ay siya ring pag-apaw ng saya ko nang makita ko na ang gate ng bahay namin. I-pi-nark ko sa gilid ng kalsada iyong sasakyan.

"Gov, nandito na tayo," alog ko sa kanya habang tinatanggal ko iyong seatbelt ko. Pagod na pagod iyong gobernador ko. Marami siyang ginawa kasi buong week simula nang makumpiska ang planta ni Oscar.

"Babies, nandito na tayo," tawag ko sa dalawang bata sa likod. Nakahiga sa mga hita ni Zion si Zian. "Zi, pakigising 'yong kapatid mo."

"Gov..." dahan dahan akong lumapit sa kanya, at halik sa pisngi niya. "Darling ko,..." nakangiti akong nakatitig sa kanya. Sh*t overload! Ang gwapo gwapo talaga nitong governor na ito. I never doubt why every ages of ladies were head over heels towards him. Hindi ko nga alam kung maiinis ba ako o magiging masaya sa ideya na iyon.

"Ikaw pa rin at ikaw lamang," nakatulala kong saad. Ikaw ba naman, hindi siya nakakasawang titigan araw araw. Walang nakakasawa kahit kada segundo mo pang titigan, kakaisip na nag-e-exist siya at sa akin bumagsak. Yiee! Ang swerte mo ateng Crize.

"Kikiligin ako niyan, hon," nakangisi niyang komento nang nakapikit.

"Asus! Kinikilig ka na nga," hinila niya ako papayakap sa kanya.

"Ikaw pa rin at ikaw lamang," panggigil niyang halik sa leeg ko.

"'Yong mga bata..." gusto ko mang maglandi sa kanya ngayon ngunit mapapa-rated SPG kaming dalawa. Kapag pinagsama kasi kaming dalawa, nagiging marupok ako.

"Mommy..." kumalas na ako mula kay Gov, saka nilingon ang anak ko. "We're here na raw. Halika na po! Excited na akong makita si Lola mo!"

"Ako rin, Tita Mommy! You have all the time in the world naman po. Sa inyong dalawa ni Daddy," namula ako sa komento ni Zion na umiling iling na lamang.

Natatawa na lang din si Gov na bumaba at pinag-buksan ng pinto ang mga anak namin. Masarap sa ears! Iyong iisipin mong 'anak namin'. Para pa rin akong na-overdose sa saya.

Naunang lumabas si Zion saka inabutan niya ng kamay ang kapatid niya para alalayan itong bumaba. How sweet? Pinalaki siyang talaga ni Peitho nang maayos kahit may sayad ang ugali ng babae na iyon. Hay.

Bumaba na rin ako at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang sobrang dami ng tao sa paligid. Nakita ko iyong mga dati pa naming kapitbahay. Punong puno ng pagkamangha ang mukha nila pati na rin ang pagtataka. Ilang taon din siguro akong hinahanap ng pamilya ko.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now