Chapter 16: The Unofficial Rights

30.3K 649 54
                                    


•EALLA'S POV•

"Ayos ka lang ba diyan, hija? Mukhang nahihirapan ka kasi," narinig kong malambing na sabi ng kusinera sa mansion nina Don Patricio. Nagluluto kasi ako ng chicken soup para kay Gov. Mabuti kagabi ay nakita kami ni Lexander sa bar counter at tinulungan akong i-akyat si Gov sa kwarto niya.

"Ayos lang po, Nay. Malapit na po namang maluto. Gising na po ba si Gov? Anong oras po ba 'yan gumigising?"

"Kapag lasing 'yang si Gov ay mga tanghali na po 'yan gumigising. Noon ngang iniwan niyan ng nobya niya...sino nga 'yon, 'yong Pitho, ay...Peitho pala, gabi gabi nga 'yang umuuwing lasing or sa bar nila 'yan naglalasing. Mag-iisang buwan din po. Ganoon ata niya kamahal ang walang hiyang babae na 'yon."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Nanay dahil halata naman iyon sa picture frame na nasa opisina ni Gov na nakita ko. Alam kong hindi pa nakakalimutan ni Gov ang lahat.

"First love never dies kasi, Nay."

"Pero mukhang may pagtingin naman ata sa'yo si Gov, hija. Masaya nga akong may kinahuhumalingan na siyang babae ngayon," natawa ako nang konti.

"Wala naman po siguro," ayaw kong mag-assume. Wala talaga akong alam kung ano kami. Naghahalikan kami and everything pero hindi ko naman alam kung bakit kami naghahalikan like parang normal lang na mangyari iyon sa aming dalawa, at isa pa, siya ang nanghahalik sa akin bigla bigla.

We don't have label. We just kissed and kissed. Wala namang nagtatanong sa aming dalawa at nagrereklamo sa bagay na iyon. Should I ask him then?

No, hindi ko gagawin dahil baka mawala sa akin ang pakikitungo niya sa akin. Unti-unti nang naging maayos ang ugali ni Gov patungkol sa akin.

Alam kong paasa lang talaga itong si Gov. Alam ko naman walang ibig sabihin lahat ng mga sweet gestures niya sa akin kasi bigla bigla lang iyang nagsusungit.

"Nakikita naman 'yon, hija. Ang mga kabataan kasi ngayon ay kapag nasaktan na sa pag-ibig ay natatakot nang sumugal at ipakita ang nararamdaman nila. Ganoon kayong dalawa."

"Ay hindi po. Wala naman talagang nararamdaman si Gov sa akin."

"Maraming dahilan para sabihin mo 'yan, pero mas maraming dahilan na hindi totoo 'yan," kinuha niya sa akin iyong sandok. "Sige na, umupo ka na lang muna doon. Baka kapag nalaman ni governor na nagtrabaho ka, baka pagalitan kami. Hindi ka raw pwedeng kumilos sa kalagayan mo at dahil diyan, hindi niyo ako madadala sa patago-tago niyo ng nararamdaman."

"Pero Nay..."

"Sige na or maglakad-lakad ka muna sa labas para masinagan ka ng araw ang putla putla mo."

Napakamot na lang ako sa ulo ko, saka napilitang umupo sa may silya.

"Sabihin niyo lang po kapag tapos na po, ako na lang magdadala kay Gov."

"Kung 'yan ang gusto mo," ngumiti ng matamis sa akin si Nanay. Habang walang nakatingin ay kumuha ako ng mansanas saka nilantakan na. Kahit pinainom ako ng gatas at tinapay ng mayordoma ay nakakagutom pa rin. Hindi kasi ako kumain kagabi.

Maya-maya pa ay nagulat ako sa biglang may sumigaw.

"Good morning, Nanay and my beautiful future sister in-law!" sigaw ni Lexander.

"Ay Diyos ko! Maria!..." gulat na sambit ni Nanay.

Ako naman masamang nakatingin sa kay Lex at hawak-hawak ang dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"Habit mo talaga ang magsisigaw ano," pagsusungit ko. Mawawalan ata ako nang matinong kaisipan dahil kay Lexander.

"Masanay ka na, bayaw. Titira ka pa naman dito pagkatapos ng kasal ninyo ni Kuya. Alam kong excited ka pero 'wag muna kasi walang forever at baka maghiwalay din kayo kapag nagtataguan pa rin kayo ng feelings."

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now