Chapter 13: The Payments

29.3K 688 37
                                    

•EALLA'S POV•

Sa pagdilat ko sa panibagong umaga ay iba ang naamoy kong bahay. The rooms smells manly and strong. Hindi ito ang kwarto na palagi kong tinutulugan. Kinukusot ko ang aking mga mata sabay unat at bangon.

Ano ba ang nangyari kagabi? Naka-uniform pa ako, eh. Saka ang naalala ko ay doon ako nakatulog sa desk ni Gov kagabi. Nakatulog ako sa pagsusulat ng assignment at sa paghihintay kay Gov na ang tagal tagal bumalik. It took me hours to wait for him. Nakakabagot.

Napababa ako sa kama dahil sa gulat nang mapansing nasa kwarto ako nang inakyat bahay ko noon. Sa ibang salita ay nasa kwarto ako ni Gov...natulog?

Oh God! Anong nangyari? Ang malas naman ng sarili ko, sa sobrang himbing ng tulog ko ay hindi na nakita pa si Gov at naramdaman ang pagkarga niya sa akin papunta sa kama na ito. Kung siya man ang nagkarga sa akin.

Ehem. Kaya kaming natulog? Sh*t! Umagang-umaga pa nakangiti na ako. Ang gandang balita naman ang bumungad as akin.

Sigurado kayang si Gov ang bumuhat aa akin?

Malamang Crize, alangan namang lumipad ka papunta sa sasakyan papauwi sa bahay na ito.

Tss! Isip-isip din minsan.

Pero, huwag assuming Crize, ha, kaya ka nasasaktan dahil sobrang assuming mo. Diyan nagsisimula ang lahat ng sakit sa pagiging assumera.

Dali-dali kong inayos iyong bedsheets ng kama ni Gov habang dinaramdam ang kakaibang kilig. Paano ba naman? Nakahiga ako sa kama ng darling ko.

Kinuha ko iyong phone ko na nasa bulsa ko the whole night at tiningnan kung may message ba galing kay Saturn. Pero himalang hindi nag text ang planeta na iyon pagkatapos ang asarin kagabi.

"Nasaan kaya ang darling ko sa ngayon? Umagang-umaga..." nakangiti kong bulong habang nakatanaw sa sliding door na nakahati sa loob ng kwarto at balkonahe. Iniisip na baka nag-wo-work out o nag-almusal.

"Excited akong makita ka darling..." tingin ko sa wallpaper ng phone ko, who is Gov na nakatayo noong naglalaro siya ng habulang biik noong piyesta.

Napaigtad ako ng biglang sumara ang pinto na may dabog buhat nang binuksan iyon ng kung sino. Pagharap ko ay si Gov pala na emotionless na naman ang mukha at sobrang nagdidilim ang tingin niya sa akin.

Kung magaan ang umaga ko at nakangiti, siya naman ay parang pinagsuklaban ng langit.

Galit pa talaga sa akin si Gov? Eh kung galit siya, bakit ako nandito? Bakit niya ako pinatulog sa kama niya? Bakit niya pa ako tinutulungan?

Hindi na sana siya nag-aksaya ng oras!

"Good morning po, Gov," gumagalang kong bati sa kabila ng inis na naramdaman dahil sa malalamig na tingin ni Gov sa akin.

"Likewise," walang pakialam niyang sagot habang naglalakad papunta sa closet niya. I don't know if he is really aware that I am here, dahil na witness ko ang paghubad niya ng t-shirt na para bang wala siyang kasamang babae sa loob.

Kumurap-kurap akong napalunok saka nag-sign of the cross. Magkakasala ako ng kahalayan sa umaga. Save me from temptation.

Kagagaling lang kasi siguro niya sa exercise dahil pawisan siya. May malaking work out gym kasi sa rooftop ng  malaking mansion nila.

"Ahm, Gov, salamat pala at pinatulog mo ako sa kama mo," napanakaw lunok ako ng lumabas siyang topless at nakasuot lang ng jersey shorts. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kaba na nararamdaman ko.

"Bakit ka ba pumunta sa opisina ko?," umupo siya sa kama habang hinuhubad iyong sapatos niya.

Tss! Bakit ang sungit ni Gov? Oo nga pala, galit nga siya sa akin dahil sa nangyari.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora