Chapter 10: The Suggestion

29.5K 655 40
                                    

[EDITED. Pero kapag may nakita pa rin kayong typos and grammatical errors ay ewan ko na talaga kung gaano katanga ang author. HAHAHA PASENSIYA IN ADVANCE.]

•EALLA'S POV•

Kasama na naming dalawa ni Gov iyong ibang kasapi ng aming pamilya habang naglibot-libot kami sa malaking baybayin ng Sitio Baybay.

Marami kasing palaro ngayon. Pambata. Pang-couple. Pangmatatanda.

"Oy boys! Sali kayo sa tug of war oh! At iyong habulan ng baboy para may maalagaan tayo sa birthday ni Lola Isay," sabi ng isa kong Tita sa mga lalaki naming kasama. Kung sino kasi ang makakakuha ng baboy ay maibibigay sa kanya na iyon bilang premyo.

"First time mo bang nakapunta rito Gov?" tanong ko kay Gov na sayang-saya sa mga nakikita. Kinakawayan siya ng mga taong may ibang galak sa mukha. He warmly and genuinely smiled to every people he passed.

Para ata siyang artista dahil kung sino mang makakita sa kanya ay nagpapa-picture at pinipicturan siya. Tss. Kami ngang dalawa at walang picture.

"Hindi, pero ngayon lang ako nakabalik. Masaya talaga ang pista rito kaya 'di na ako magtataka kung bakit ang daming donation ni Papa sa lungsod."

"Ngayon nga lang ako nakabalik eh. Nasa Maynila kasi ako nagtratrabaho...este nag-aaral noon. Gusto mo?" alok ko ulit sa kanya ng lansones tinanggihan niyang kainin kanina.

Umiling siya ulit at kinawayan iyong mga dalagang bumati sa kanya. Nilingon ko ang mga babaeng kinikilig na nakatingin pa rin sa papalayong bulto ni Gov. Sinimaan ko sila ng tingin nang mapabaling ang tingin nila.

Back off, ladies!

"Alam mo, nakakalito ang ugali mo. Ewan ko, basta nakakalito," iling-iling niyang komento bigla at ibinigay sa kanya iyong binalatan kong lansones.

"Astang lalaki kasi ako since bata
kaya minsan nakakalito talaga ako, pero 'di ako tomboy ha. Cool lang kasi ang makipaglaban at magprotekta ng tao."

He shrugged his shoulders and thought for an answer.

"It's not. Ikakamatay mo 'yan. Minsan, you need to think deeply. Marami pa namang nagmamahal sayo," ngumiti ako sabay sulyap niya sa akin pero umiwas din ng tingin kaagad.

"Kahit ikamatay ko pa, ma-protektahan ko lang siya. Malaking bagay na 'yon," maprotektahan lang kita Gov ay okay lang, kahit mapahamak pa ako.

"Sino?" sobrang taka niyang tanong.

"Ahm...pamilya ko," I lied.

Tinititigan lang niya akong nagkibit-balikat pagkatapos.

"Governor Monteverde!," napalingon kaming sabay nang may tumawag kay Gov na isang lalaking boses at doon namin nakita si Mayor Hernando.

"Mayor," ngiti ni Gov at nakipag kamay kaagad dito. Galak na galak ang dalawa. "Good morning. Happy fiesta. Hanggang ngayon ay sobrang saya pa rin ng kapistahan niyo."

"Isang malaking karangalan na dumalo ka sa pista ng lungsod namin. Huli kang nakapunta rito ay kasama mo pa iyong ama mo at iyong nobya mo."

Parang natamaan ng kung anong matulis na bagay ang puso ko sa mga salitang "nobya mo".

Napatingin sa akin si Gov. Umiwas ako ng tingin at nilalaro na lang ang buhangin na nasa paa ko.

Kaya pala. Iyong gintong kabibe na hindi niya pinaniniwalaan. I assumed he gave that to his girlfriend way back then.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon