Chapter 20: She Who Has The Rights

29.9K 544 28
                                    

•GOV'S POV•

Nakatitig lang ako sa maamo at mala-anghel na mukha ni Crize. Mag-iisang oras ko na ata siyang binabantayan. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa pag-aalala sa kanya. Buong gabi ako nakatanaw sa kanya kasi sobrang taas ng lagnat niya.

Hinipo ko iyong kanyang noo at mababa na naman ang init.

"Hon, alam ko na ang mga pinanggagawa mo. Galit ako nang malaman ko 'yon pero bakit ang bilis humupa nang galit ko kapag ikaw. I'm not like this before. I won't forgive easily kapag niloloko ako. Crize, you are my gem. Wake up now, please. Kanina pa ako nag aalala eh," bulong ko sa kanya habang hinalikan siya ng matagal sa noo niya. "Lagnat pa nga lang ay parang namamatay na ako sa pag-aalala sayo. Paan pa kaya kung bala na ang tumama sa'yo na ako ang dahilan. Hindi ko na kakayanin 'yon."

"Gov, ito na po 'yong pinadala niyo," kinuha ko iyong inabot ni Manang na palanggananita na may lamang maligamgam na tubig. Piniga ko muna iyong bimpo saka nilagay sa noo ni Crize.

"Hindi ko akalain na magiging ganyan ka kaalaga, hijo. Akala nga namin na magiging manhid ka na habang buhay. Masaya ako para sa'yo, hijo," ngumiti ako sa komento ni Manang.

"Akala ko nga po eh. Mabuti na lang dumating siya para isalba ang puso kong nababato," pabiro kong tugon na ikinatawa ng matanda.

"Nahanap mo lang ang tamang babae, anak, kaya ka ganyan," napatayo ako nang marinig ko ang boses ni Mama.

"Good morning, Ma," I hugged her and give her a good morning kiss in her cheek.

"Natulog ka ba? Mukhang pagod na pagod iyang mata mo. Marami ka pang dadaluhang conference ngayon. Magpahinga ka muna kahit ilang oras lang. Kami na bahala kay Ealla."

"Pero, Ma, gusto kong makita ang paggising niya. Hindi ko siya nasikaso kahapon kasi sobrang busy ko. Bumabawi lang ako."

"Bawing-bawi ka na. Kung gising lang 'yang girlfriend mo ay ganyan din ang sasabihin. Tingnan mo nga, nagkaka-eye bags na 'yang gwapo mong mukha. Halatang wala kang tulog. Buong araw kang pagod kahapon, sige na. Magpahinga ka na muna."

"Tama ang Mama mo, hijo. Baka ikaw naman magkasakit dahil sa ginagawa mo," napabuntong -hininga akong napatitig kay Crize.

Soon, Crize, you will not suffer because of me. Someday, maibibigay ko na lahat sa'yo na hindi mo kailangang masaktan. Someday, hon, someday.

"Nandiyan na naman iyang negative mong pag-iisip, Thomas," saway ni Mama sa akin na para bang nababasa niya ang mga iniisip ko. "You can't just let her go without considering her feelings."

"Eh, ano ba dapat kong gawin? Wala akong ibang maisip, Ma. Hindi ko akalain na may isang babae nagpapabaliw sa akin ng ganito. She's just there everyday, kinukulit ako sa kasal na 'yon. Wala naman siyang ginagawa, pero nakakahibang siya," natawa sila pareho.

"I, myself, can't also imagine your craziness," tapik ni Mama sa akin saka nilapitan niya si Crize para hapuin ang leeg.

Hindi rin ako ganito kay Peitho noon.

"She's fine now. Pwede ka nang umalis, son. Nilalanggam kami ni Manang sa ka-corny-han mo."

"Tawagan niyo ako, Ma, kapag gising na siya."

"Siya ang papatawagin ko para 'di ka aligaga riyan."

"Thank you, Ma," hinalikan ko ulit si Mama, pati si Crize sa kanyang noo.

Magiging busy na naman ako buong araw dahil may mga sessions akong dadaluhan tapos may conference pa.

"Mauna na po ako, Manang," tinapik ko ng paalam si Manang at lumabas.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now