Chapter 1: Naked Encounter

45.3K 983 60
                                    

•EALLA'S POV•

Sa buhay ko, tatlong bagay lang ang minitmithi kong makamit, kung baga umiikot lang ang puso at kaluluwa ko, sa pamilya, paninindigan bilang isang secret agent at pag-aaral. Kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko na magpakasal. In my age of nineteen? No way! I have so many dreams that I should work on.

Louivon Thomas Monteverde, twenty five years old, living in the large city of Cebu, graduated from San Jose College of the course Political Science. He was the son of the former governor Don Patricio Monteverde and the newly elected mayor Doña Mercedes Monteverde.

He was the youngest politician who governed a province. People saw him as a strict leader but a generous one. Critiques on articles positively viewed him as a great leader.

Wala pang naging balita na nadadawit siya sa mga masasamang bagay. Punong-puno lang ng appreciation ang mga news media sa kanya. Tiwalang-tiwala siguro talaga ang mga tao kay Governor dahil sa pangalan na nakakabit sa pagkatao niya. Monteverde. That name speaks of power, excellent leadership, goodness, luxury, and richness. Siguro na rin ay matagumpay na namuno noon ang ama ni Governor at hindi sila pinagdududahan ng mga tao maliban na lang sa mga taga-suporta ng kabilang partido.

Ako? I will never say my opinion about him. Ang mahalaga umupo siya diyan sa posisyon na iyan at siguraduhin lang niyang walang katiwalian sa kanyang pamumuno at baka ako ang unang magbabanta sa buhay niya.

Iyon na lang muna. Tinurn-off ko iyong cellphone ko at humarap na sa pinakamataas na gate ng malaking mansyon ng mga Monteverde. Mabuti na nga lang nakapasok ako sa subdivision dahil sa tulong na rin ng may-ari nito na si Boss Crexion.

Kaya mo ito, Crize! Kailangan mong iligtas ang pamilya mo. Bahala na.

Kahit ano, gagawin ko basta makalabas lang kulungan ang pamilya ko. Kahit pangalan ko, itataya ko! Kahit madugtungan iyan ng Monteverde ay ayos lang basta para sa pamilya! Aja! Laban! Fighting! Kaya natin ito Pilipinas!

I cheered myself up while gaining some self confidence and energy to face the guards.

"Kuya," tawag ko sa isang personal security guard na nagbabantay sa gate. Anim po lahat na guards ang nagbabantay na parang bang binabantayan nila ang rebulto ni Rizal.

"Bakit, bata?" anang isa. I eyed myself from my feet to my chest. Inaamin ko nakulangan ako sa height ngunit hindi naman ako ganoon kapandak para tawagin niyang bata. Waah! "Di pa tumatanggap ng panauhin si Señorito, bata. Kung kailangan mo ng scholarship sa pag aaral mo. Pumunta ka sa opisina niya sa Kapitulyo."

Sa tinugon ni manong guard ay iniisip ko kung gaano kalayo ang Kapitulyo sa subdivision nila. Masyado pang mahaba ang traffic ngayon sa Fuente. I did not want to stress myself.

"Hindi ko po kailangan ng scholarahip, kailangan ko po si Governor?" magalang kong sagot kay Kuya guard at sinikap na may paawa effect ang boses. Lahat naman sila ay napatingin sa akin dahil doon sa sinabi ko.

"Aba ang agresibo mo bata, ha," may halakhak na komento ng kausap. Anong tingin niya sa 'kailangan' ay madumi ang ibig sabihin?! Hmp! Masyadong dirty minded si Kuya!

"Hala, 'di po yan ang ibig kong sabihin. May ipapakiusap lang po sana ako sa kanya. Sabihin mo po, nandito po ang apo ni Mr. Benjamin Flores. Please po Kuya," I just thought that my grandfather's name will be a kind of magical password to enter the Monterverde's palace.

"Mahigpit pong pinag-uutos ni Governor, na kapag sa oras na alas syete hanggang alas otso ng umaga ay 'di pa siya tumatanggap ng bisita."

"Pero Kuya, kailangan ko po siyang makausap. Please, kailangan ko po siya," hinawakan ko na sa braso si Kuya, at lumuhod pa sa harapan niya. Sige lang, Crize. Kaya mo ito! "Kuya...huhuhu"

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now