Chapter 37: The Heiress

21.3K 370 11
                                    

[I edited the story. Pinutol ko ang mahahabang chapters kaya nakaabot siya ng 40 chapters. The content is still the same. Muwah!]

EALLA'S POV•

Nilamon ako ng panlalamig habang tinitipa ang mga numero ni Daff dahil sa natanggap kong panyo na nakasulat ang pagbabanta. I knew it was Oscar, but I wanted to make sure of it. It will be a kind of evidence kapag nahuli siya. Mabisa itong ebidensiya para mapalakas ang kaso.

"Daff, sagutin mo please," habang nasa baba pa si Gov na nag-e-enjoy sa pagtitimbang nang nahuli nilang isda. Tatlong balde kasi lahat at punong puno pa. Gumana rin sa mga isda ang charms ni Gov. Kakaiba talaga iyong asawa ko. Kahit isda! Tss!

Nilapag ko muna sa kama ang panyo habang hinihintay na sumagot si Daff at kumuha muna ng tuwalya sa closet nang hinila ko sa sabitanan ang tuwalaya ay nahulog ang trousers ng asawa ko sabay ng pagkahulog ng isang nakalukot na papel.

Walang dalawang isip kong pinulot ang papel dahil iba na naman ang nararamdaman ko sa mga ganito. It was not an unusual paper. It was an old-fashioned quality of paper. Iyong mga ginagamit sa mga pagsusulat ng liham noon.

Nang binuklat ko iyong nakalukot na papel ay bumungad sa akin ang pagbabantang kapatid lang nang natanggap ko.

'Kung gusto mo ng kaligtasan, bumaba ka sa posiyon mo, Monteverde'

Iyon ang mga katagang nagpasakit sa ulo ko. Pakana na naman lahat ito ni Oscar. Wala na talagang magawang matino ang isang iyon. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mapositibo sa droga ang isang iyon. He was illegally addicted to drugs and desperate for governance. Hindi matanggap na natalo siya ni Gov. Corrupt people did not have place in the government and that remained a dream. Laganap ang problemang iyan. Bilang lang ang mga taong matitino ngayon and that included my husband, I assured that.

Ano ba ang makukuha nila kung mangongompanya sila at maglalaan ng milyon milyon kung nanalo na ay hindi naman magseserbisyo nang maayos? Money. For money and fame. Makahithit ng pera sa mga taxes ng tao? People were the cause of all this country's sh*ts! From poverty to drug addiction. Kung may magandang namamahala sa bansa ay sana matagal ng maunlad ang Pilipinas ngayon.

Matatapos na naman ang ikaanim na termino ng mga pinuno ng mga matataas sa gobyerno. Malapit na ang eleksyon. Sa susunod na taon na. Naririnig ko na tatakbo bilang governor si Tita Mayor, papalitan niya ang anak niya. If Gov effortlessly win the battle, ano pa kaya si Ninang? Siya ang may mataas na people's choice sa poll ng isang sikat na Politics Magazine. I just hoped Gov will never leave politics just for these death threats.

Makapangyarihan talaga ang pangalan nila sa politika at ibig sabihin 'non ay marami silang kalaban. Enemies were growing in rate including that Saavedra. Akala talaga ng walang hiyang Silver na iyon ay hindi siya maamoy. Kinukuha niya ang loob ng pamilya Monteverde para mapalakas ang pwersa ng ama niyang tatakbo sa hindi pa alam na posisyon. Usap-usapan pa ang mga tatakbo sa susunod ng halalanan at wala pang opisyal na posisyon kung ano ang tatakbuhan.

I wondered kung ano ang tatakbuhan ni Gov? Sayang naman ang pagkabukal ng puso niya kung iiwanan niya ang politika. Kailangan ng mga tao ang kagaya ni Gov. Kahit anong desisyon niya ay ipaglalaban ko ang kapangyarihan niya. Marami na siyang natulungan at alam kong libo libo pa ang matutulungan niya.

Alam ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga taong hindi nabigyan ng hustisya dahil sa korupsyon. If he will be entering into the Senate, mapapasaka sa batas ang gusto niya para sa mga tao para sa ikakabuti ng mga tao.

Oh my God! Sana huwag siyang madismaya. People needed him, a pure hearted man like him who was willing to help kahit wala siyang matatanggap na kapalit.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now