Chapter 14: Agent Sam

30.6K 628 40
                                    

•EALLA'S POV•

Nakatulala sa may bintana nakangiting parang baliw habang iniisip ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Ito ang ginawa ko rito sa gilid ng classroom.

Napaka-ulap sa pakiramdam ang mga labi ni Gov, hindi nakakasawang tikman. I just can't believe that all of these happen to me!

~FLASHBACK~

Six years earlier

Naglalakad ako sa canteen habang lumilingon sa paligid dahil naghahanap ako ng bakanteng upuan. Lunchbreak kasi at halos puno na ang lugar. Marami kasing college students pati mga SHS.

Saka hinahanap ko rin ang kaibigan kong iniwan ako kanina. I'm still new in this university, Grade seven.

Dahil nga hindi ako nakatingin sa dinadaan ay may biglang bumangga sa akin dahilan para matapon iyong pagkain kong dala. Nakanganga akong nakatingin sa pagkain kong nasa sahig. Nasasayangan sa masarap na spaghetti at menudo na may unli ricez

Humarap ako sa salarin.

"Sorry, baby girl. 'Di ko sinasadya, may hinahanap kasi ako," maganda si Ate. Isang tingin ko pa lang ay nasa fourth year na siya dahil sa uniform na suot niya.

Ako rin Ate, may hinahanap. Tss!

"Okay lang po," pinulot ko iyong pinggan, nang biglang may nakita akong kamay na pumulot din sa kutsara at tinidor.

"Sorry, Miss, ako na hihingi ng tawad sa katangahan nitong girlfriend ko," nakatulala akong kinuha ko iyong kutsara at tinidor mula sa sumulpot saka ngumiti nang pilit nang ngumiti siya sa akin.

Ang gwapo naman ni Kuya. Matangkad siya, matangos ang ilong, maganda kong ngumiti, at halatang malambot ang mga labi. Saka si Ate naman, maganda rin, halatang-halatang bagay talaga sila. Halatang may pag-aalaga sa sariling kagandahan.

Anyways, si Kuyang tumulong na ata ang nakikita kong nakakakuha ng atensyon ang kagwapuhan. Maraming gwapo sa school namin, lalong-lalo na iyong mga taga engineering ngunit ang isang ito ay nakakatulala ang pagmumukha.

"Ang sama mo, babyhon. Baby girl, bilhan na lang kita ng bago," umiling-iling ako kay Ate. Kahit thirteen years old lang ako, I can sense the spark and love between them.

Magkaka-heart attack ako sa bilis ng tibok ng puso ko nang ngumiti ulit si Kuya sa akin.

"Bilhan ka na lang namin, Miss."

"Ay okay lang po, Kuya. Sige po," kaagad ko silang iniwan kasi napaka-weird ng feeling ko kay Kuya. Ngumiti lang naman siya, ha.

Pumunta ako sa may lababonat nilagay doon ang pinggan. Sayang talaga iyong pagkain eh! Huhuhu. The love of my life.

Doon ako dumaan sa kabila dahil nakaupo na silang dalawa at masinsinang nag-uusap, nang biglang may humila sa akin.

"Bes, para kang nakakita ng multo? Are you ayos lang?" napakamot ako sa ulo ko saka tumango. Nasa isang stall lang pala ang kaibigan kong isang taon kong hinanap at nakalinya pa. Tagal tagal makabili nito!

"Ang tagal mo naman. May nakita ka na bang upuan?," this is Renielle Jhayne, my new friend here. Kasama ko na siya since first day.

"Oo, and I reserved one for you. Oy, ayos ka lang ba talaga?, parang namumutla ka."

"Kasi bes," bumulong ako. "Kita mo 'yong Kuya, 'yong naka-college uniform, 'yong kaharap sa aircon ang upuan na may kausap na babae. Ang gwapo, 'di ba? Ngumiti siya sa akin at nakakabilis ng tibok ng puso."

Tumaas taas ang leeg ng kaibigan ko para makita lang niya ang sinasabi ko at napahinto siya siguro nang nakita niya na at umiling-iling.

"Seriously? 'Yong totoo," parang nagdududa pa siya.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now