Chapter 8: Golden Seashell

31.3K 600 23
                                    

•EALLA'S POV•

Sumalubong sa akin ang isang napakagandang umaga mula sa ulan kagabi. Nagising ang diwa dahil sa emergency na tunog.

Emergency tone? Iyong cellphone ko ang naggising sa akin na siyang umalingawngaw sa tahimik na bahay.

Kapag may ganyang tunog ay galing iyon kay Boss dahil wala namang mag-a-update sa akin. This mission must be very important for him to call almost everyday.

Argh. Umagang-umaga pa, Boss! Cellphone na agad inatupag mo!

Hindi ko alintana iyong ingay dahil ang mahalaga sa akin sa oras na ito ay nakatingin ako sa isang gwapong mukha na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog.

Parang anghel na nagkikislapan ang mga mata ko at kulang na lang maghugis puso ang mga ito dahil sa pagkakamangha. Maamo ang kanyang mukha at mapayapa siyang natutulog.

Nakakatuksong halikan ang gobernador pero hindi ko gagawin dahil magkakasala tayo ng pagnanakaw. You shall not steal, as God said.

Kahit maginaw ay pulang-pula ang labi niya na ang lambot tingnan kaya nakakatukso.

Isang malaking yummy na tukso si Gov! Rawr!

Dahan-dahan kong inilapit ang daliri ko upang damhin iyong lambot ng kanyang labi at namangha ako sa kung gaano iyon nakakapanghina.

Kalma, Crize! Kalma.

Matangos pa iyong ilong niya, sakto lang ang taba ng pisngi niya at iyong jaw line niya parang pinagawa pero alam kong naturally made ito. Kung umigting iyan ay mas nakakapanghina.

Iyong mga pilikmata niya ay ang taas-taas. Dinadama ko iyong aking pilikmata pero wala itong panama sa kung gaano kaatas iyong kay Gov. His eyebrows are thick and attractive.

Ang kinis pa ng mukha niya. Mas makinis pa sa akin. May mini-maintain kaya siyang facial routine?

"I will protect you no matter what happen. Hmm pogi mo," gigil kong sabi sabay bangon. Papatakbo doon sa walang tigil na pagtunog ng aking cellphone na muntik ko nang makalimutan.

"Good morning, Boss," masigla kong bati dahil kailangan.

"Congrats again, Crize. Last night, nakatanggap ng another death threat si Gov. Pinabantayan namin iyong bahay nila at doon namin nalaman na may kahina-hinalang tao na umaaligid sa premises. And hearing from Saturn na nandiyan daw sa puder mo si Gov kagabi, kaya nakaligtas siya sa panibagong bala na nagbabanta sa kanya. Keep up the good work, Agent Sam," nagulat man sa narinig ay napatango na lang akong namamangha.

Sure? Ang ganda sa pakiramdam na pinupuri ng Boss mo patungkol sa trabaho. The reputation as an agent should be taken care of, of course.

"Maraming salamat, Boss. Pinag-iigihan ko lang ang trababo ko," kahit hindi ko naman alam na ganoon pala. It's a miracle that I let him sleep in my house.

Binaba ko iyong tawag at umupo sa kama.

Kahit nakatanggap siya ng death threat ay binalikan pa niya ako dahil iyon ang utos ng Papa niya na ihatid ako. Paano kung nabaril siya habang papabiyahe?

Hindi ko talaga iyon matatanggap kung papalpak ako sa misyon na ito. Kinabahan ako na sobrang nag-aalala para sa kanya at para sa misyon ko. I will breach the Code of Conduct.

"Kung kaya ko lang talaga na alamin kung sino nagpapatay sa kanya. His sufferings will end already," bulong ko sa aking sarili na tila ba ay kaya akong tulungan ni Gov kung mangyayari iyon.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now