Prologue

75.4K 987 61
                                    

Plagiarism is a crime and is strictly prohibited.
__________________________________
Forbidden Bed Series 1: Governor Louivon Thomas Monteverde

•EALLA'S POV• 

Papasok na ako sa ika-third period kong subject nang biglang tumunog ang cellphone ko. An emergency alert tone signaling me to stop in the middle of the corridor. It always means one thing, a very important matter that I should attend to. Kaagad ko itong sinagot kahit malapit na naman ang classroom ko.
.
"Salute, Boss!," iyan ang ibinungad ko sa tumawag.

"I know you're busy in your studies but this is an emergency mission. You're the only available agent for this matter," tama kayo nang narinig, ako ay isang agent ng isang legal protector non-governmental agency, pero sinusuportahan din kami ng gobyerno though not financially, but moral support kung baga.

Ealla Crize Flores, that is my name, nineteen years in existence and no word can define my personality kahit ako nga, hindi ko masabi sabi kung ano ang ugali ko. Identifying my personality is the hardest thing to do for me.

Nag-aaral ako sa Maynila pero nakatira talaga ako sa Cebu, specifically La Isla Trinidad, Cebu. Napunta lang ako sa Maynila dahil may scholarship grant ako sa isang prehisteryosong paaralan dito na nakuha ko nang sumabak ako sa isang Math Quiz Bowl at hinarangan bilang first ranked. Programa iyon ni Crexion Nehemiah Sanchez, isa sa mga pumapayagpag na pangalan sa larangan ng negosyo. Siya rin ang Boss na tinutukoy ko ngayon.

Kapalit ng scholarship na iyon ay ang pagiging agent ko, protecting innocent people from bad guys. Simple as one plus one.

"What mission, Boss?" may voice became interested all of the sudden.

"Kailangan mo lang mag-transfer next week, kami na ang bahala sa transfer papers. You need to be ready. Mag-aaral ka sa isa sa mga malaking universities dito sa atin," sumigla ang pakiramdam ko sa nabanggit ni Boss na may halong lungkot ding nararamdaman. Paano ang kaibigan ko rito?

Simula Grade eleven ay dito na ako nag-aaral kaya malalim na ang relasyon ng pagkakaibigan namin ni Ivory. She is my bestfriend, the closest one. Ngayong Grade twelve na ako saka pa ako tatransfer?

Gayunpaman, masaya ako sa kadahalinang makikita ko na naman ang pamilya ko.

"I understood, Boss. May I know po if ano ang mission ko."

"This is a Red Level Mission, you need to protect a very very very important person in Cebu."

"Understood, Boss," sagot ko ulit.

Kahit kailan, wala akong tinatanggihang misyon. Nakakatanggap pa nga ako ng mga awards kapag efficient ang pagkakagawa ko.

"Study Mr. Louivon Thomas Monteverde. We will email you the information and his life's background."

Natuod akong nawalan ng salita sa apelyidong narinig.

Monteverde? Ang pamilyang gusto kong ibaon sa hukay ang pangalan. Gustong-gusto kong silang pabagsakin dahil pinatay ni Don Ignacio Monteverde ang lolo kong nakaupo sa pagka-mayor noong kapanahunan nila. I know they were behind of that crime. With or without evidence, galit ako sa pamilyang iyan!

"Masusunod po, Boss," kahit kating-kati na ako dahil sa inis. Though, the case has been dismissed because of lack of evidences, my feeling is still the same.

"He is the newly elected governor of that province. Siya ang pinakabatang nakaupo sa politika sa probinsiya na iyon, dahil doon, he has received death threats since noong na-elect siya. You will be protecting him."

Of course, sinong hindi makaka-alala sa balitang iyan? Siya ang pinakabatang gobernador na nakaupo na sa ganyang posisyon! Cebuanos freaking love him!

Pero wait teyka hintay! Magbabantay ako ng isang Monteverde?

Is this a bangungot?!

"Sige po, Boss. Babantayan ko po ba siya sa malayuan o sa malapitan. Maging kabilang po ba ako sa PSGs niya?," pakalma kong tugon kay Boss.

Magbabantay ako ng kaaway. This is not happening.

"No, Agent Sampaguita, you need to babysit that young governor."

"Po?"

Oh f*ck! Ayaw ko pa namang mapalapit sa mga politiko lalong-lalo na kapag Monteverde ang apelyido.

Ang mas malala pa diyan, babysitting the young governor? Paano ko gagawin iyon? Bantay sarado masyado ang village ng mga Monteverde!

But anyways, lahat nang pinakamahigpit na security system ay napasok ko na sa tulong na rin ng hacker department namin. Wala naman ata akong magagawa kasi si Boss na ang nagbigay sa akin ng mission. It means one thing, walang tanggihan.

•••

At night, nakatihaya ako sa kama habang pinagkatitigan ang kisame. Hindi pa rin ako makapaniwala sa new mission na natanggap ko. Babalik ako sa Cebu. Paano ang magagandang karanasan ko rito sa Maynila?

Hays.

Napabangon ako ulit nang may tumawag na kaagad ko namang sinagot.

"Hello," walang gana kong sagot.

"Crize! Umuwi ka na anak!" Si lola na nagpapanik na kaya kinakabahan na rin ako kasi naririnig ko ang pag-iyak niya.
.
"Lola, bakit po?"

"Nasa presinto kami ng mama at Kuya mo. Apo, iligatas mo kami rito. Pinakulong kami ni Don Patrico Monteverde dahil 'di pa nakapag bayad ng utang na inutang pa noon ng Lolo at Papa mo."

"Ho?! Bakit di na lang siya maningil nang maayos?," napatulo na rin ako luha ko. Don Patricio is the son of Don Ignacio, and the father of Governor Monteverde. "Sige Lola, manghihiram ako ng pera pangpansiya at pambayad sa utang. Magkano po ba ang utang ni Lolo at Papa sa kanila?"

"Fifty milyon."

"Ano? Saan tayo kukuha ng fifty million?" Napasabot ako sa buhok ko dahil sa frustration. Saan ako kukuha ng fifty million? Isa rin ito sa dahilan kaya ayaw ko pang umuwi sa Cebu kasi maghahanap ako ng pera para sa utang na iyan!

"Lola, maghahanap ako ng isang milyon para paunang bayad, okay. Bahala ---"

"Apo, ngayon lang namin nalaman na may kontrata pala silang pinirmahan. Kapag 'di nakapag-bayad ang Lolo mo. Iyong apo niyang babae ay ipapakasal sa apo ng Don. Ikaw 'yon apo."

"Ano?! Ipapakasal?! Kaninong apo? Dalawa naman ang anak ni Don Patricio."

F*ck! Can this be worse?!

Wah! Ang isa ay babantayan ko at siguro ang isa ay papakasalan ko. Sh*t! My life is really interesting.

"Kay Governor," sagot ni Lola na nagpawala sa hininga ko.

"Ano? Kay governor?"

Siya? Kanina pa ako nakakatihan sa inis sa pangalan na iyan ha?!

The freaking fate! Protecting and marrying that young governor?

Argh! This is not happening to my peaceful life!

©Jennie Jem
[This is an unedited version. Printed version will be edited. Expect loopholes and errors.]

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt