Chapter 23: Craving For Love

23.1K 435 24
                                    

•EALLA'S POV•

Walang kahiya-hiya akong lumamon dito sa isang magarang restaurant ng resort na tinutulayan ng mga kasamahan ko. Imbis na magsaya ay parang naging problemado pa ang outing na ito. Nang malaman ko ring nandoon si Peitho ay nagpaalam muna ako kay Gov na sumama muna kina Daff para imbestigahan iyong nahuli kong hinayupak kanina. Pinababantayan na rin siya ng mga dagdag na security na pinapunta ni Boss sa resthouse.

Wala ibang laman ang isip ko kundi ang katotohanang magkasama sina Gov at ang asawa niya. Masakit mang isipin ngunit sila ang legal talagang magsasama.

Ayos lang, kabit lang naman ako. Ganito na ang pagtingin ko sa sarili ko simula nang mapagtanto kong kailangan kong ipaglaban ang tunay kong nararamdaman, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na lumaban.

How can I? Kung ako iyong mali. Kung ako iyong mali sa mata ng batas at sa mata ng Diyos. Ayon pa nga sa Sampung Utos ng Diyos, "you shall not covet your neighbor's wife." Isang baliw na lintik lang ang hindi nakakaintindi sa kautusan na iyan. May takot ako sa Diyos. Kapag nalaman ito ni Lola ay siguradong ilalayo nila ako kay Gov pati na ang pamilya ko. Lahat sila ay maka-Diyos na mga tao. Hindi sila pumapasok sa mga bagay na madudungisan ang kanilang paniniwala at pagkatao.

Pero kailan pa naging kadungis-dungis ang umibig at magmahal? Kailan pa?

Bakit ba ako nagmahal ng may asawa na? Kung alam ko lang, sana siguro ay napigilan ko pa.

Kaya pala noong kahahabol ko kay Gov noon ay pilit niya akong pinapalayo sa kanya at parati niyang sinasabing 'hindi pwede o hindi maaari' kaming ikasal kasi kasal pala talaga siya.

"Nabalian ng buto 'yong nahuli mo, Sam. Makakabayad pa ata tayo sa operasyon ng g*go dahil sa pambugbog mo. Hindi ko alam umanib ka pala kay Berna," pagbibiro ni Daff na nasa harapan kong pinagmamasdan lang siyang kumakain. Ang birong iyon ay may halong sarkastikong tuno at sabay irap pa.

"Ikaw...kung magkaka-boyfriend ka tapos babarilin ko. Ano gagawin mo, ha?" bakas pa rin sa boses at sistema ko iyong inis at galit dahil tinakot siya sa nakita niyang pagbaril kanina kay Gov. Halos lumugwa na ang kakuluwa ko sa takot at kaba kung alam lang ni Daff.

Kulang na nga lang ay himatayin ako doon sa dagat.

"Wala," napanganga ako sa tinugon ng kaibigan. "Kasi hindi naman mangyayaring magkakajowa ako. Hala sige, mag-ilusyon ka riyan. T*ng*na, ipamukha mo talaga akong walang boyfriend, ha. Sige, iwan niyo ako ni Gum na lumalandi na rin sa planeta niya. Mga kaibigan ko ba talaga kayo, ha? Iniwanan niyo ako sa ere."

"Ay, ewan ko sa'yo. Kung nga lang...kung magkaka-boyfriend. Hindi ka namin iniwan sa ere, sadyang wala pa talaga sigurong binigay na misyon sa'yo," nilantakan ko na ang dessert na nakahain, which was mango float with a taste of strawberry and rocky road ice cream.

Food was life, pero mas masarap si Gov. Joke!

Nandilim bigla ang aking paningin at nakabusangot na inisip kung ano ang ginagawa ngayon ng talanding Peitho na iyon sa boyfriend ko, sa Gov ko, sa darling Gov ko. Huhuhu. Ipapalamon ko talaga siya sa mga kaibigan kong pating sa dagat kapag nagkataon. Lintik lang ang walang ganti!

"Nandoon na naman si malanding higad na 'yon. Ano lalabanan na ba natin, Sam? Sabihin mo lang kung sinasaktan ka niya at ako ang tatali sa kakatihan niya 'don sa puno ng niyog," biglang nanggigil na saad niya nang may maalala pala siya kanina. "Pero..." napabuntong-hininga siya nang may maalala na naman ulit.

"Mag-asawa kasi sila mas siya ang may karapatan kay Govie," parang nalungkot pa siya para sa akin. "Hays, bakit kasi may asawa si Gov? Nanggigil ako sa kanya...sinasaktan ka niya ng palihim. Sana ay pinalayo ka na lang niya kung hindi pa niya nahihiwalayan ang asawa niya. Diyos ko, sino ba naman ang hindi mababaliw sa kakaisip sa sitwasyon ninyong dalawa?"

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now