Chapter 29: Peitho

19.9K 397 6
                                    

•EALLA'S POV•

Mula sa akong pag-iisip, tinatahak namin nang mabilis ang daan papuntang Northern part ng probinsiya. Mga ilang minuto na rin kaming ganito ang sitwasyon, mabilis at hinahabol pa rin ng mga tauhan ni Oscar.

"Kailan ba tayo titigilan ng mga asungot na 'yan, ha?!" nanggigil na sigaw ni Peitho, habang ako ay iniinda ko iyong kirot sa tiyan ko. Gusto kong sumigaw pero baka maabala ko pa itong si Peitho na natataranta na rin.

"Hanggang mahuli nila tayo. Magdrive ka lang. Mga three kilometers ay makaabot na tayo sa isang municipality. Ang mga awtoridad dito ay hindi na sakop ni Oscar," nanghihina kong sabi.

"Oh, anong nangyayari sa'yo?" pailing
-iling ako sa nagpapanik niyang boses.

"Okay lang ako. Kumalma ka."

"Sh*t!" naalarma kami nang gumewang bigla ang ang sasakyan. Na-ko-kontrol pa niya ang manebela pero ang sasakyan hindi na. Dalawang gulong ata ang natamaan ng bala.

"You need to jump! Mahuhulog na tayo sa bangin, Crize. Buntis ka kaya kailangan mong iligtas sarili mo."

"Eh, paano ka?"

"Ako na bahala! Tumalon ka na! I can't control this anymore!"

"Pero..."

"Go now, Flores! Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang anak ko!" kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Maybe noon, she was too blind for love. Inaaway niya ako. Kontrabida siyang talaga but I can't deny, we have unique kindness within us na lumalabas lang sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Eh, tumalon na lang kaya tayong dalawa."

"Gagawin ko 'yon! Pero mauna ka na!," dahil sumalampak na ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nasira na ang mga nakaharang na mga kahoy sa daan ay walang dalawang isip akong tumalon mula sasakyan. Kaya mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko nang malakas akong tumama sa lupa.

Gumapang ako nang gumapang papalayo kasi naririnig ko pa ang mga sasakyan na humahabol sa amin kahit na nakita ko ang pagkahulog ng sasakyan sa bangin.

Nanlamig ako.

Tumulo ang luha sa nasaksikan.

Sobrang sobra ang panghihina ko. Not because I was in pain, but because iyong taong tumulong sa akin ay hindi ko alam kung nakatalon ba o hindi.

Nakokonsensiya ako. Alam ko na maldita talaga siya, ahas man kong tawagin ko, pero niligtas niya ako ngayon. Utang ko sa kanya ang buhay ko. In that last minute, she was concern about my pregnancy.

Diyos ko!

Habol habol ko ang hininga kasi iyak ako nang iyak. Napatago ako sa mga nagkukumpulang ligaw na halaman, tinatakpan ang ang bibig nang kitang kita ang pagliwanag ng paligid dahil sa pagsabog ng sasakyan.

Napaupo ako dahil hindi ko na nakayanan ang panghihina ng tuhod. Lahat ng lakas ko ay hinigop sa isipan na hindi nakaligtas si Peitho. No, she can't. Kailangan siya ni Zion. Kailangan siya ng anak niya. Mas kailangan siya ng anak niya.

Nasasaktan nang labis na hindi ko alam kung mababaliw ba ako sa pisikal na sakit o mawawalan ng buhay sa emosyonal na sakit.

Paika-ika akong napagdesisyonan na bumaba kung saan nahulog iyong sasakyan. Kailangan kong malaman kung nakaligtas siya. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko siya kasama. Kaming dalawa ang lumaban, magsasama kami hanggang matapos ang gabi.

Pero natigil ako nang may huminto na sasakyan ilang metro mula sa akin. Nagtago ulit ako sa mga ligaw na damo. Matataas naman kaya nakakapagtago ako. Malamig ang gabi dahil nasa pinakaibabaw kami ng Cebu. Pinakamataas na  bahagi ng probinsiya. Iyong mga fog ay singkapal ng mukha ni Oscar.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now