Chapter 35: First Strike

24.8K 485 23
                                    

•EALLA'S POV•

Nakatulala akong hindi naka-get over sa nangyari kani kanina lang. Sinusuot ko na ngayon ang uniporme ko dahil pursigido pa rin akong pumasok ngayon. Sayang ang babayaran ko, eh. Damang dama ko pa rin ang maiinit na halik ni Gov sa aking katawan, parang ramdam ko pa rin sa sistema ko ang bawat galaw niya. Tila nabuhay ang mga dugo kong namamatay. Kahit pagod ay parang mas na-energize pa ang katawan ko. Ang namatay kong pagkatao ay napunan ang mga kulang.

The way he claimed my body spoke of an intensity and longingness. I can't blame him dahil ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya. I longed for his body. I longed for his touch. I missed everything about him. At ngayon, imbis na kilig at galit ang nararamdaman ko, maligaya pa akong naiiyak.

Para akong tanga. Para akong tangang nagagalak na nakipagtalik sa asawa ko.

"Hon, are you listening? You okay?" napakurap akong nakatunganga na kay Gov ngayon. He was in front of me, fixing his tie. Mukhang magtratrabaho rin siya. Known happiness and pleasure were evident in his glorious eyes.

"I'm okay, Gov," ngumiti ako. Ngumiti ako kahit hindi ko inaasahan na mangyayari iyon sa amin ngayong umaga. "It's just that--nevermind. Magmadali ka na. I guess you have a lot of works to do."

Taimtim lang siyang tumingin sa akin kaya tumayo na lang ako saka inayos ko iyong nagusot na bahagi ng damit niya.

"Be safe. Always be safe, Gov," seryoso na malambing kong sabi. Hinawakan niya ang mga pulsuhan ko dahilan na mapalapit ako sa katawan niya. His intense glares were bringing me shivers in my body. My heart was pounding so fast.

"I will, hon. Ikaw ang dapat mag-ingat."

"I can handle myself. It's just that, mas nag-aalala ako sa'yo. Nag-aalala ako sa buhay mo. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon pero kailangan mong malaman na, 'wag kang magpapaniwala sa Silver na 'yon. Stay away from her not because I'm jealous of her, but because she is dangerous. Alam mo, I may not accomplished my mission last four years ago, ngayon, sisiguraduhin kong mapro-protektahan na kita," namamasa ang mga mata habang sinasabi ko iyon.

Ang nangyari kanina ay nagdulot ng matinding realisasyon na mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito. Ang mga nangyari sa kanya noon ay kasalanan ko dahil palpak akong tagaprotekta sa kanya.

Hindi ko nagampanan nang maayos ang trabaho ko.

"Oh, baby," niyakap niya ako nang mahigpit. Damang dama ko ang bawat pagpintig ng aming mga puso. Ang mga yakap lang niya talaga ang nakapagsasabi sa akin na 'ligtas ka sa mga kamay ko'. Maybe, I may not appear a fearsome lady pero kapag nakipagbakbakan ako ay natatakot ako para sa buhay ko.

Kay Gov lang ako nakakahinga nang maayos, na normal ang buhay ko, na nabubuhay ako.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari. I don't need your protection because I rather protect you than you doing it to me," kinapa niya ang dalawa kong pisngi sabay titig ng buong pagmamahal sa aking mga mata. "I hate being protected by you because it means danger to you. Please, stop doing my tasks. Kahit ngayon lang, ako naman ang gagawa 'non. Ako na, Crize."

Alam ko ang ibig niyang sabihin, gusto niya akong paalisin sa agency. Gusto niyang bitawan ko ang pagiging agent ko.

"Gov, doon na ako nabubuhay. Simula namatay ang Lolo ko, ganoon na ako."

"I hope you understand. Ngayon lang ako natakot ng sobra na baka mawawala ka na naman sa akin. Intindihin mo sana ako. Ganoon kita kamahal, Crize. Ako lang naman ang misyon mo. I don't need you to do that job for me, I want you to be wife, not an agent."

"We both want to protect each other. I don't want to lose you either. Kaya ang masasabi ko, just let me do what I want and I let you do what you want. I am your wife, this day and onwards. Don't worry, I wholeheartedly devote my life to you."

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon