Chapter 30: Lying

21.7K 421 8
                                    

•THIRD PERSON'S POV•

Hinihingal si Crex kasama si Daff habang papasok ng ospital kung saan dinala ni Rydean si Crize kani-kanina lang.

"Ahm, excuse me, Miss. Si Ealla Crize Flores po," kabang-kabang saad ng kasama niya na si Daff dito sa nurse station.

"Wait lang po," hinaguran siya ng tingin ng iba pang nurse, ngumiti lamang sila nang ngumiti sa kanya kahit hindi na maipinta ang mukha ni Daff.

"Magandang gabi, Senator," magalang na bati ng isa sa mga nurse.

"Sa'yo rin," napailing siyang nang makitang namula pa ang babae.

"Nasa emergency room pa po. Tinitingnan pa ang lagay ng pasyente," kaagad namang tumango si Daff at tumakbo kung saan ba iyang emergency room na iyan. Kakatawag lang ni Rydean kanina na nakarating na ito sa ospital na pinagdalhan ni Gov.

"Daff, maghintay na lang tayo," nakita niya ang paglingon ng mga tao sa kanya kapag dumadaan ang mga ito. Kahit hindi pa niya alam kung paano ngumiti ay ngumingiti na lang siya. He can't smile and act to be okay especially na nag-aagaw buhay ang kaibigan niya at ang asawa nito.

"Boss, hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Sam," kahit hindi niya kasalanan kung bakit napahamak si Crize ay nakokonsensiya pa rin siya.

"Walang mangyayaring masama sa kanya, Daff. She's a fighter and all we need to do is to trust her," nangingilid ang luha ng agent niya. He was not use to be attached to his agents pero mukhang kailangan ni Daff ngayon ng yakap. Kaya niyakap niya na lang ang babae.

Baka nga siya ang may kasalanan. Alam niyang masyadong mapanganib na protektahan si Gov pero pinagpatuloy pa rin niya. However, he trusted Crize so much. Malaki ang tiwala niya sa galing at katapangan ng babae kaya wala siyang masyadong problema.

But she was not on a mission today. Nakarinig pa siya ng balita galing sa agency na nawawala si Saturn.

Natigil ang pag-iyak ni Daff nang tumunog ang cellphone niya na kaagad niyang sinagot. Lumayo siya ng konti sa kasama para makipag-usap sa tumawag.

"Mars on call, Sir."

"Oh, anong atin Mars?"

"May natanggap kaming balita na may grupo ng mga kalalakihan na nakakita sa isang katawan na itinapon sa may gubat, Sir. Si Saturn po iyon. Ni-recover na po ng team ko ang katawan niya mula sa isang pampublikong ospital. Bugbog sarado po siya, bali-bali ang mga buto sa paa at likod ng kanyang katawan. May tama ng bala rin siya sa ulo, Sir which is inaatupag na ngayon ni Doctor Calla. Sabi po ni Madame ay kailangan ng operasyon ni Saturn para makuha ang bala sa ulo niya and she requested me to tell you na dadalhin niya sa Italy si Saturn dahil nandoon daw ang mga high tech niyang medical tools. Pinapaalam po niya sa inyo na agaran po ang operasyon dahil baka mag blood clot po ang utak ni Saturn. Wala po kasi kayo, Boss..." halos hindi na siya makahinga sa sunod sunod na narinig.

"Do whatever you want to do, Mars. Alam na ni Calla ang dapat niyang gawin sa ganyang mga sitwasyon. And please, papuntahin mo ang team mo sa Ching Hwa Hospital. Bantayan niyong mabuti ang kwarto ni Gov doon."

"Masusunod po, Sir!"

Saturn always excell in hiding his identity. Bakit napahamak pa rin ito? He always secured na ang lahat ng agents niya ay nakapagtago para iwas peligro ng mga buhay nito.

Mukhang dalawa pa sa mga agents niya ang nag-aagaw buhay. Sht!

What really happen to him? Kaninang alas sais ng hapon ay may inaatupag pang misyon si Saturn. Hindi siya lumalabas ng agency kapag walang emergency.

Desiring My Unwanted Wife (Under Major Editing)Where stories live. Discover now