Capítulo 16

Mulai dari awal
                                    

Tinikman na ni Isabella ang siomai, at ako'y naghihintay sa kaniyang reaksyon. Napatigil naman si Isabella sa pagnguya, at tiningnan ako.

"Delicioso?"

Nakatitig lamang si Isabella sa akin habang marahang nginunguya ang pagkain na nasa kaniyang bibig. Inilahad niya sa akin ang nag-iisang siomai na nasa platito, kinuha ko iyon at kinain. Napatango na lang ako sapagkat kasing-sarap pa rin iyon ng siomai na aking natikman sa aming panahon. Tiningnan ko naman si Isabella na bahagyang nakangiti sa akin. Nginitian ko siya, at kinuha ang kaniyang kamay.

"Delicioso" tanging sambit ko, at hinila si Isabella sa iba pang nakahilerang mga pamilihan ng pagkain. Tumawa naman siya na aking labis na ikinatuwa.

Kumain kami ng samu't-saring mga kakanin na binibenta ng mga pamilihang nakahilera rito. Bumili rin kami ng mga kakain para sa kanila ni Tía Claudia, Ginoong Lorenzo, Christian, at Hannah. Marami akong natikman na mga pamilyar na mga pagkain, at marami ring mga makabagong kakanin na ubod din ng sarap. Kasalukuyan akong hila-hila ni Isabella sa gitna ng mga tao patungo sa iba pang mga pamilihan ng pagkain. Tumigil kami sa isang lamesa na puno na mga itlog. Nagtataka naman akong tumingin kay Isabella na nakangising nakatitig sa mga itlog. Tumingin siya sa akin, at ngumisi na para bang mayroon siyang planong hindi maganda para sa akin. Lumingon siya muli sa tindero na nasa aming harapan.

"Dos, por favor." sabi niya roon sa tindero ng pamilihan.

"Cuarenta pesos" tugon ng tindero, sabay abot kay Isabella ng dalawang itlog.

Kinuha ko ang limampung piso na sukli kanina sa binili namin na puto bumbong, at ibinigay iyon sa tindero na kaniyang sinuklian ng sampung piso. Kinuha ko iyon, at naglakad patungo kay Isabella na nakaupo na sa isang bangkito ng maliit na mesa na nasa gilid ng pamilihan ng itlog.

Umupo ako sa kaniyang tapat, at ibinigay niya sa akin ang isang itlog. Ngumisi lamang siya nang nakita niya akong walang-muwang nakatitig lamang sa itlog na kaniyang binigay.

"Abralo" (Buksan mo na) sambit sa akin ni Isabella, sabay turo sa itlog na aking hawak. Tiningnan ko lamang iyon, at tumingin muli kay Isabella na binubuksan na ang kaniyang itlog. Tumingin naman siya sa akin, at ngumisi na naman. Kinuha niya ang itlog na nasa aking kamay, at inilagay roon ang itlog na kaniyang bahagyang binuksan. Napakunot na lamang ang aking noo nang aking makita kung ano ang nasa loob ng itlog. Aking tiningnan si Isabella na nakangising binubuksan ang isang itlog.

"La llamada aquí es balut. Es más delicioso si lo comes, no solo miras."

Ang tawag dito ay balut. Mas masarap ito kung kakainin, kaysa titigan.

Nakangising tugon ni Isabella sa akin, at itinapat ang bahagyang nakabukas na itlog sa kaniyang bibig. Napangiwi lamang ako kay Isabella na kasalukuyang sinisipsip ang similiya ng manok sa loob ng punglo ng itlog.

Tiningnan niya ako, napangisi muli. Kinuha niya yung asin at lalagyan ng suka na sa gilid ng mesa, at inilagay ang mga iyon sa gitna.

"Sígueme."

Sundin mo ako.

Wika ni Isabella, at kumuha ng mga butil ng asin mula sa lalagyan nito at binudbod sa loob ng punglo. Sinunod ko naman siya, at nagbudbod din ng asin sa similiya ng manok. Nilagyan niya iyon ng kaunting suka, sinunod ko din iyon.

"Luego, chupa y come ese semilla."

Tapos, sipsipin at kainin mo na ang similiya.

Mi Querido, EspérameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang