PAGLABAS NI ZANDRO sa kanilang kwarto sa isa sa mga hilera ng servant's houses sa likuran ng malaking bahay para magsuot ng medyas at sapatos, nadatnan niya sa katamtamang laki ng sala si Lukas na nakaupo sa sofa habang nagtitipa sa laptop na nakapatong sa center table na hinila ng bahagya palapit.

Umupo si Zandro sa isang tabi ng sofa, at sinimulang isuot ang kanang medyas. Kaunting espasyo na lang ang natira sa pagitan nila. Gaya niya, 6'3" din ang height ni Lukas at parehas malaki ang bulto ng katawan, seventy five kilograms of pure muscles kaya halos umingit na ang malambot na sofa sa pagkakaupo nila.

Kita siya ni Lukas pero tutok pa rin ang kaibigan sa ginagawa nang magsalita. "Tinuluyan mo na talaga ang pagresign?"

Tumango si Zandro na mukhang nakita naman ni Lukas sa isang sulok ng mata nito. "Ilang linggo na lang naman siguro ang hihintayin ko at dadating na iyon. Last day ko na kanina sa Kota Coves," tugon niya na ang tinutukoy ay ang sikat na Beach Resort & Hotel na pinag-OJTihan niya bago nakagraduate ng college na tinanggap din ang alok ng may-ari nito na ipagpatuloy na niya ang pamamasukan bilang Assistant Marketing Head ng kumpanya.

Nang makakuha si Zandro ng driver's license pagsapit niya ng disiotso, inalok siya ng lolo ni Raphael na maging family driver ng kaibigan at si Lukas naman bilang hardinero. Naging mabait sa kanila ang pamilya ni Raphael at itinuring silang kapamilya. Pagkaraan ng dalawang taon, pinag-aral sila at sa mga bakanteng oras at sa mga araw na walang pasok na lang nila ginagawa ang role nila sa malaking bahay. Nakatapos siya ng kursong Marketing at si Lukas naman ay Computer Science.

Gusto sana ng lolo ni Raphael na sa Lopez Coves na siya mamasukan, ang hotel at beach resort na pag-aari ng mga ito. Naisip lang ni Zandro na mas maganda kung sa kakumpitensiyang resort siya magtrabaho para may matutunan na maari niyang maibahagi sa pag-unlad ng Lopez Coves. Napaaga lang naman ang pagre-resign niya sa Kota Coves dahil malapit ng dumating iyong hinihintay niya. May balak na rin naman siyang gawin iyon at the end of the year at nahihiya na siyang tumanggi sa lolo ni Raphael na Gobernador na ngayon ng lalawigan ng Batangas na hawakan ang posisyong Marketing Head sa Lopez Coves. Kaya lang mukhang hindi rin mangyayari at sa pagbabago ng plano niya na naintindihan naman ng tatay ni Raphael na siya namang kasalukuyang Mayor ng kanilang bayan.

"Full time driver ka na ngayon?" nakangising tanong ni Lukas na hindi pa rin siya binabalingan ng tingin. Mukhang nagmamadali siyang tapusin ang ginagawang program as a freelance system software developer.

Mas gusto ni Lukas ang ganoong trabaho kumpara sa 8-hour day job na nauna niyang pinasukan after college. Flexible ang oras niya at walang hassle sa pagiging hardinero niya. May sarili itong website kung saan makikita ang work profile niya, mga malalaking company na customer niya at doon na rin ang contacts niya for after sales technical support.

Kung tutuusin sinabihan na sila ni Mayor na hahanapan na sila ng kapalit sa kanilang gawain pero umayaw sila bilang pagtanaw na rin ng utang na loob at nakasanayan na rin naman nilang gawin as routine sa spare time nila. Isa pa mawawala ang bansag sa kanila ng mga babaeng kakilala bilang Hot Driver and Gorgeous Gardener at gustong makaranas ng alternative setup. May mga babae rin kasing pantasya ang makipagtalik sa totoong driver at hardinero.

Kaya naman for the meantime naging kontento na muna sila na mag-share ni Lukas sa isang room sa isang unit ng servant's houses na naging tirahan nila mula nang mag-umpisang mamasukan. Share din naman sila sa mga babaeng nagkakagusto sa kanila kaya normal na sa kanila ang magsama sa iisang kwarto.a Parehas sila ni Lukas na ang mga kinikita ay iniipon sa banko at suportado ang kani-kaniyang ina na nakatira naman malapit lang din sa labasan ng Lopez compound.

Malaki na ang naging development ng Lopez compound na tatlumpung ektaryang seaside lands. For the last fifteen years, napadevelop ng husto ng lolo ni Raphael ang lugar at naging tanyag na seaside hotel and resort na tinawag na Lopez Coves. May dalawang four-story na beach facing hotels, isang luxury at isang standard class. Isang malaking bar and restaurant, health and fitness center at malalaking swimming pools at giant slides na visible sa labas ng main entrance. Nasa bandang dulo ng compound ang old house nina Raphael at nababakuran para ihiwalay sa business area. Mayroon lang itong hiwalay na access gate malapit sa mga sevant's houses papuntang hotel and resort.

Two For Tina - A Desperate Times Novel (SPG - ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!