KAHIT FIFTEEN YEARS ng nawala si Tina sa lugar nila at marami ng nagbago na parang hindi na nga niya makilala ang lugar, pagbaba pa lang ng kotse at makaapak sa mabuhanging daan, Tina felt a sense of belongingness, an instant connection of herself with this seafront land that will soon be taken out of her ownership in the worst scenario four days from now.

She walks towards the sea stopping a few meters away as a breeze of air smelling fresh seaweeds and saltness of sea water touched her face. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Pansin niya ang bakod sa may kaliwa na naghihiwalay ng lupa nila sa lupang pag-aari ng Lopez Coves. Maganda at maputi ang buhangin pero madumi ang baybayin, halatang matagal nang napabayaan. Tambak ang natuyong seaweeds at mga shells at kung ano-ano pang basurang inianod ng dagat at umipon sa naaabot ng alon.

She became nostalgic just looking at the waves, hearing the sounds as it hits the shore and the deflecting reflection of the light from the rising sun. Maraming pumasok sa isip niya na biglang nagpasaya at nagpalungkot ng kaniyang damdamin.

“Okay ka lang?” narinig niyang tanong ni Zandro mula sa kaniyang likuran.

She turned around and found herself staring at those deep blue eyes, penetrating her soul. The blond of his hair becoming more prominent with the strike of the sun’s rays. “Sana pwede kong sabihing okay lang ako.”

Natawa siya ng pilit at may kaunting bitterness. “Matagal kong inasam ang ganito, matagal kong inimagine sa isip ko ang pag-uwi ng masaya, hindi ganito na may problema. But don’t worry Z. I’ll be okay. I have to be okay.”

Zandro just nodded with her assurance.

Tina walked her way to the house, Zandro next to him. Nalungkot lalo siya nang makita ang hitsura ng kanilang bahay. Ang nasa isip niyang dadatnan ay fully renovated na bungalow at mas maayos kumpara nang umalis siya. Hindi ganitong sa malayo pa lang kita na ang bubong na kinain na ng kalawang ang ibang parte na siguradong sasahuran na ng timba at palanggana sa loob ng bahay kapag umulan.

Nangupas at nangitim na ang dating pinturang kulay krema at tuklap na ang ibang bahagi. Basag at tanggal ang ilang jalousies na bintana, nakalaylay ang door knob ng front door na nanlilimahid sa dumi ang gawa sa narrang pinto. Puno ng buhangin ang sementadong sahig ng beranda at may mga basurang plastic na natibong sa pagitan ng balustre na malamang nilipad ng hangin.

Nanlumo si Tina. Ito ang bahay na kinalakihan niya. Ang bahay na pinagsikapan niyang mapaayos. Ang bahay na naiwan sa kaniya ng tatay niya. Naitanong niya sa sarili kung ano bang naging pagkukulang pa niya sa kaniyang ina at half-sister na si Cassandra para mangyari ang ganito.

“Okay ka lang?”

Pangalawang tanong na iyon sa kaniya ni Zandro pero ngayon mas nahirapan na siyang sagutin. Napailing si Tina at lumakad papuntang pintuan. Itinulak niya pabukas ang bahagyang nakaawang na pinto at tuluyan na siyang nahirapang labanan ang lungkot na bumalot sa kaniyang dibdib sa tumambad sa kaniyang harapan.

Parang pinasukan ng mga galit na magnanakaw ang loob ng bahay. Puro nagkalat ang lahat ng gamit, basag ang salamin sa dingding. Nakatumba ang sofa at iba pang furnitures. Naglabasan ang mga laman ng cabinet. Basag ang bubog ng nalaglag na mga photo-frames na dating nakasabit sa dingding.

Kinuha niya ang frame na sa tagal ng panahon hindi nawala sa kaniyang isipan. Silang dalawa ng kaniyang tatay ang nasa larawan na magkatabing nakatayo, nakatalikod sa maalong dagat. Tinuklap niya ang manipis ng tabla sa likod at dinukot ang larawan, tiningnan saglit saka naninikip ang dibdib na niyakap.

Napaluha si Tina habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Fifteen years niyang pinaghirapan, hindi niya alam kung saan napunta at ang estado ng dinatnan mas malala pa noong iniwan.

Two For Tina - A Desperate Times Novel (SPG - ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!