Chapter Four (Part1)

24.1K 126 3

PAGKALABAS NI Tina at pagsara ng sliding door sa likuran niya, mainit na hulab ng paligid ang naramdaman sa kaniyang mukha. Iba talaga kapag magtatag-init na, maalinsangan kahit ganitong lampas na ng hatinggabi. Walang kagalaw-galaw ang mga dahon ng mga halaman at puno sa paligid sa kawalan ng hangin.

Dumiretso siya ng tawid sa kalsada patungo sa lugar kung saan kadalasang naghihintay ang mga kapamilyang sumusundo. Dahil medyo malamlam ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa paligid at sa dami na rin ng kasabayan niya, tumigil muna sa tabi si Tina ilang metro ang layo sa pedestrian gate at ginalugad ng tingin ang mga taong nakatanghod sa kabila ng gilled fence.

Napailing siya. Wala sa mga naghihintay si Zandro. Nagpasya siyang paunahin muna ang mga kasabayan at baka hindi lang niya napansin dahil sa dami ng mga naghihintay lalo na’t late nang dumating ang eroplano niya. Naisip tuloy ni Tina ang sinabi ni Raphael na baka sa sobrang inip ay naghanap na ng girl-toy si Zandro. Kung gawin man iyon ng kababata kahit may-asawa na ito at kasal kay Mona, balewala na sa kaniya iyon. It’s none of her business to pry. Pero bakit parang naiinis siya just thinking about it?

Nang kumonti na ang naghihintay saka pa lang napansin ni Tina ang isang lalaki na siyang pinakamatangkad sa mga naroroon. Hindi mamukhaan ni Tina gawa ng nakayuko ito ng bahagya sa pagkakatingin sa mukha ng nakangiting babae sa kaliwa na mukhang wiling-wili sa pakikipag-usap, habang may dalawa pa sa kanan na ang isa’y nakahawak sa maskuladong braso nito at pilit kinukuha ang atensiyon.

Hindi masiguro ni Tina kung si Zandro nga ang lalaki gawa ng ibang Zandro ang tanda niya sa isip fifteen years ago. Pero nang mag-angat ito ng mukha at mapatingin sa direksiyon niya, saka napansin ni Tina ang resemblance ng binatilyong Zandro sa kaniyang alaala at sa malaking lalaking nakatingin sa kaniya.

Kahit ilang metro ang layo ng lalaki kay Tina, nang ngumiti ito parang bumuhol ang paghinga sa kaniyang lalamunan. Tumingin ulit ang lalaki sa tatlong kasamahan saka may ibinulong sa tainga ng babaeng sa tingin ni Tina’y pinakamaganda sa tatlo bago lumapit mag-isa sa may nakabukas na gate at nakangiting kumaway sa kaniya.

Susmarya! Si Zandro na nga. Habang naglalakad papalapit si Tina, lalo niyang natiyak na si Zandro nga ang lalaki. Of course mas malaki na ang ipinagbago nito kumpara sa naaalala niya. She was looking at a different man.

“Kanina ka pa?” bungad nito paglapit niya sa malalim na baritonong tinig na mukhang nawili nga ito sa pakikipag-usap base sa tanong sa kaniya. Again the tone is entirely different compared with the youthful voice she remembered making a promise that he’ll wait for her no matter how long.

“Zandro?” paniniyak pa ring sabi ni Tina.

“Yeah,” he said giving her a crooked smile showing a pair of shallow dimples on both cheeks and a set of pearly white teeth.

Susmarya! Ang Zandro na natatandaan niya ay boyish-looking na hinahabol at kinukulit ng mga babae. That was fifteen years ago before Tina decided to leave their place and went to study in Manila. Kinapalan ang mukha at nakitira sa mga Tiyahin niya sa mother side na sa karamihan ng anak ay hindi rin siya kinayang tustusan. Ayaw naman niyang bumalik ng Nasugbu ng bigo sa kaniyang pangarap kaya pinuntahan niya si Raphael na nag-aaral sa isang sikat na Unibersidad at may sariling condo nang mga panahong iyon na hindi naman nagdalawang isip na tulungan siya. Kaya imbes na college course, kumuha na lang ng short course si Tina na natapos niya ng ilang buwan. Iyon ang naging daan niya kaya nakapunta ng Syria at namasukan bilang hotel attendant.

Nakakatawag pa siya paminsan-minsan sa unang tatlong taon niyang pagtatrabaho. Pagdating niya ng Italy at simula ng maging TNT o ilegal na manggagawa, minsan sa isang buwan na lang siyang nakakatawag sa nanay niya at kay Cassandra tuwing makikisuyo siya sa kaniyang amo na magpadala ng pera para tiyakin lang na natanggap ng mga ito. Hindi sila nagbanggit ng kahit ano tungkol sa tatlong kaibigan niya.

Namalagi lang sa loob ng bahay si Tina. Natatakot kasi siyang mahuli o matanong ng pulis at maging rason para ma-deport siya pabalik ng Pilipinas. Kailangan niya ng pera at makaipon ng marami.

Kahit nang mauso ang mga social networking sites hindi siya nagtangkang gumamit at ayaw niyang ma-trace siya ng immigration. Isa pa, wala ng dahilan si Tina para magmukha pa siyang stalker ng isang lalaking may-asawa na.

Kaya matagal na niyang hindi nakikita si Zandro pati na ang dalawang kaibigan niyang si Lukas at Raphael. Mukhang sa paglipas ng mga taon lumevel up na lalo si Zandro sa taglay nitong machismo.

Susmarya, the man is sinfully attractive!

Unconsciously and with a slightly dropped lower jaw, Tina’s eyes gaze at the devastatingly handsome man she has ever seen. He has short, blond hair and with penetrating blue eyes under the faintly dark eyebrows. His face is flawless with maybe two or three-day unshaven stubbles and looks extremely masculine. A chiseled straight nose and defined cheekbones giving him a slight rugged edge.

Lalong tumangkad si Zandro. Tina estimated him to be approximately six and a quarter feet tall, with a large build that complimented his height perfectly. He was wearing a light blue V-neck cotton shirt clinging on every rippled and bulging muscles on his arms and torso like a second skin and a skinny fitting black jeans accentuating his proportioned muscled legs and calves.

Susmarya! Imahinasyon lang ba niya o talagang malaki ang nahagip ng mata niyang nakabukol sa harapan ng pantalon ni Zandro na sa pagpintog ng maong na tela ay nagka-anino sa kabilang bahagi sa pagtama ng liwanag ng natapatan nilang ilaw sa kinatatayuan nila?

Napalunok ng laway si Tina. As she scrutinizes Zandro closely, she realized the man is doing the same to her making her feel uneasy and her stomach flipped repeatedly. 

Kailangan niyang magsalita para matigil ang pagtitig sa kaniya ni Zandro na pakiramdam niya ay tumatagos hanggang kaluluwa. Huminga siya ng malalim hanggang umandar ulit ang utak niya. “I’m sorry to keep you waiting for so long.”

“No worries. I heard about the delays,” sabi nito. His eyes left hers as she heard the three women bid goodbyes to him.

Of course, said a small voice in her head. Flirting with three beautiful women would definitely kill the time. It wouldn’t even matter if I don’t appear which would give you sometime to talk or probably better if I don’t show up so you can take the three of them in your bed.

Tina’s inner thoughts surprises her.

Two For Tina - A Desperate Times Novel (SPG - ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!