Present Time

HINILA NI TINA ang de-gulong na maletang dala palabas ng Immigration Section sa loob ng NAIA. Tinungo ang madaraanang stall sa tabi na bilihan ng prepaid sim card bago lumabas ng arrival gate, bumili ng isa at pinalitan ang lumang sim sa kaniyang cellphone na gamit niya sa mahigit na sampung taong paninilbihan bilang house helper ng isang may-kayang gay couple sa Italy.

Alas-onse ng gabi ang estimated arrival ng eroplanong sinakyan niya na nadelay ang landing dahil sa unexpected air traffic. Lampas hatinggabi na ngayon at baka namuti na ang mata sa kahihintay ang kaibigang si Raphael sa labas ng exit door sa arrivals area na siyang susundo sa kaniya.

Gustong mainggit ni Tina sa mga nakasabayan niyang pasahero na karamihan OFW na masayang-masaya nang maramdamang dumapo ang gulong ng eroplano sa runway ng airport. At last nakabalik na rin sila ng Pilipinas.

Naisip ni Tina, sila siguro haping-hapi dahil bakasyon ang rason ng pag-uwi. But in her case it’s the exact opposite.

Siya ba namang magtago ng magtago - TNT for short - sa Italy ng mahabang taon at kung kailan malapit ng maayos ang mga papeles para maging legal sana ang status ng kaniyang employment sa mga amo, biglang nakatanggap ng tawag last week mula sa half-sister niyang si Cassandra na may malaki siyang problemang kailangang ayusin. The nature is even immediate and she doesn’t have any leeway for a couple of weeks to delay her return.

Nakakapanghinayang at konti na lang ay pwede na siyang makapag-uwian at hindi ganitong deported case ang kinabagsakan ng naging pag-uwi niya. More than ten years bilang kasambahay ng isang gay couple na naging mabait sa kaniya ang napilitan niyang iwan ng biglaan na parang pamilya na rin ang naging turing sa kaniya.

Isa sa mag-asawa ang kapatid ng dating amo ni Tina nang makapagtrabaho siya as Room Attendant sa isang hotel sa Syria. Nang magbakasyon ang amo sa Italy for a week, isinama siya para tumulong sa kanila using a visiting tourist visa. Eksakto namang nangangailangan ang mag-asawang gay na parehong doktor at parehas kwarenta ang edad that time ng house helper kaya tinanong siya ng amo niya kung gusto niyang magpaiwan for her to fill the needed position.

Why not? Italy is hell lot better than Syria na anytime pwedeng umalsa ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga Jihadist. Isa pa, bukod sa isang aso, isang pusa, ilang isda sa aquarium at konting imisin sa bahay na wala namang nagkakalat na mga bata, most of the time pa-easy-easy lang siya sa buong maghapon.

Hindi muna lumabas si Tina ng gusali. Nagpasyang tumayo malapit sa pintuan na nang bumukas at may lumabas na grupo ng mga OFW, pumasok ang mainit na hangin na dumampi sa kaniyang balat. Hudyat na iyon ng pagpasok ng summer sa Pilipinas kahit unang linggo pa lang ng Marso.

Hinanap niya sa list of contacts ang cellphone number ni Raphael na nakuha niya sa tulong ng amo through searching in the internet a few months back. After several trials, she finally heard his voice. “Hello?” parang naiinis na bungad ng nasa kabilang linya.

Sa tono ng boses ni Raphael mukhang wala sa labas ng gusali at may humahalinghing na naririnig si Tina sa background at tunog ng nagsasalpukang mga pawisang katawan.

“Are you fucking kidding me?” instantly nadagdagan ang kaniyang pagkainis.

Two For Tina - A Desperate Times Novel (SPG - ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!