Fifteen years ago…

“Bottoms up! Bottoms up! Bottoms up!”

Sabay-sabay na sigawan nina Zandro, Lukas at Raphael habang hawak ni Tina ang ibinigay sa kaniya na pang-ilang tagay na ng Lambanog at akmang iinumin. Kagaya ng mga naunang tagay, pinisil ni Tina ang ilong saka mabilis na tinungga ang lambanog at kinuha ang inabot na tubig sa kaniya ni Raphael bilang chaser at isinunod sa gumuguhit na alcohol sa kaniyang lalamunan.

Ayaw niya talaga ang tumikim ng lambanog dahil sa edad niyang disisais, mahigpit pa siyang pinagbabawalan ng kaniyang ina. Baka daw matulad doon sa isang kapitbahay nila na na-gang rape nang malasing at hindi alam kung sino-sinong tumira at nang mabuntis hindi alam kung sino ang ama.

Ibinaba ni Tina ang baso sa nakalatag na kwadradong mantel sa buhangin katabi ng dalawang boteng long neck na Lambanog at pulutang chitchirya. Ubos na ang laman ng isa at wala na sa kalahati ang pangalawa. Gumuhit ng itim na anino ang baso sa pagitan nila ni Raphael, mula sa nagniningas na patayong bunton ng kahoy na sinilaban nila para lumiwanag ang paligid, ilang metro ang layo sa naabot ng humahampas na alon ng dagat sa ilalim ng kabilugan ng buwan.

Birthday kasi ni Raphael at nang matapos ang maghapong pagdiriwang sa malaking bahay, nagyaya si Raphael na maligo sila sa dagat. Ipinagpaalam pa nga siya ni Raphael sa kaniyang ina na hindi naman makatanggi kahit lampas alas-otso na iyon ng gabi. Sa hiya na rin nito marahil sa paninilbihan sa Beach Resort ng lolo ni Raphael na siya ding Mayor ng lugar nila, ang bayan ng Nasugbu, Batangas. May tiwala naman din kasi ang kaniyang ina sa mga makakasamang mga kaibigan sa paliligo na mga kababata na niya at kasabay ng lumaki.

Palakpakan ang tatlong kaibigan ni Tina kahit halos mangaligkig ang katawan niya sa after taste ng bubblegum na flavor ng tinaguriang Coconut Vodka ng Lalawigan ng Batangas. Ramdam niyang lalong nadagdagan ang init sa kaniyang katawan na pansin talaga sa namumula niyang pisngi sa kabila ng kayumangging kutis niya.

Pare-parehas na silang basa ang mga katawan sa katatapos lang na paglusong sa mainit-init at maalat na tubig dagat. Dikit na sa mga hita niyang nakakipit sa pagkakaupo sa pinong buhangin ang manipis na cotton shorts na isinuot niya on top of the floral bathing suit na regalo ni Raphael at ipinilit ipasuot sa kaniya sa kauna-unahang pagkakataon. Buti na lang at gabi na at wala ng ibang tao sa paligid kaya nabawasan ang inhibisyon niya.

Si Zandro na nakaupo rin sa buhangin sa kaniyang kaliwa ang sumunod na tinagayan ni Raphael. Matanda sa kaniya ng dalawang taon si Zandro. Nabuntis ang nanay nito ng isang turistang Aleman at pinangakuang dadalhin silang mag-ina sa Germany, isang pangakong napako. Kaya naman matangkad sa karaniwan si Zandro at talagang marami na ang mga babaeng tagahanga at game sa lahat ng bagay makasama lang siya.

Pagkabalik ni Zandro ng baso kay Raphael, umisod ito palapit sa kaniya. Inihilig ang pisngi nito sa kaniyang kaliwang balikat. “Lasing na yata ako Tina,” sabi sa kaniya.

Napadaiti ang hubad barong katawan ni Zandro na nakasuot lang ng maiksing shorts na asul sa kaniyang siko. Ramdam niya ang katigasan ng muscles sa bahaging iyon ng tiyan at ang init ng maputi na mamula-mulang balat nito. Ang amoy-dagat na basang at maiksing blond hair ni Zandro ang pumuno sa kaniyang baga, na ang ilang strands ay kumikiliti sa kaniyang leeg at nakapagpatindig ng balahibo niya sa batok. Hindi alam ni Tina kung ang epekto pa rin ng alak o ang pagdikit ni Zandro ang nakapagpa-spike sa temperatura ng katawan niya. Mukhang iba ang tama ng alcohol sa kaniya dahil parang gusto niyang hawakan sa pisngi si Zandro.

Magkaibigan lang sila ni Zandro, iyon ang nilinaw niya dati pa. Kagaya ng karamihang nakatira malapit sa dagat, may pangarap si Tina, maraming plano sa future at ang isa doon ay ang makaalis sa bayang ito. Kaya kahit alam niya sa sariling may konting atraksiyon siyang nararamdaman kay Zandro, mabilis niya itong pinapalis. Pwera lang ngayon at mukhang mahihirapan siyang gawin iyon.

Two For Tina - A Desperate Times Novel (SPG - ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!