Chapter 16 (Part 1)

14.6K 79 6

NAPABUNGHALIT NG tawa si Tina sa narinig. “You just made my day, Raph. Gusto ko ang joke mo.” Umisod siya para makasandal sa headboard ng kama.

“So, you really think I’m just kidding you?”

Serious? “Bakit hindi ba?”

“Nope.”

Susmarya, sino pa kaya ang susunod na mag-aalok sa kaniya ng kasal? Si Lukas? Kung si Zandro sana, ora mismo pakakasalan niya. Pero imposible na iyong mangyari dahil kasal na si Zandro kay Mona. Oftentimes, life is one great assfucker for giving what we don’t want in life and taking from us what we think we needed.

“Bakit ka naman magpapakasal sa babae tapos sa akin pa when we clearly knew your sexual preference.”

Bumuntong-hininga si Raphael sa kabilang linya. “Last term na ito ni Dad as Mayor at siya naman ang tatakbong Governor next election. Si Lolo naman na incumbent Gorvernor ngayon na last term na rin decided to take a break from politics and travel the world. So being the only Lopez na nandito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa naman ang mga kapatid ko at wala yatang balak bumalik, my father is pushing me to take his place and run for Mayor. Matagal na niya itong plano T, now he was already fed up and making his move. Actually may nakausap na siya to be my wife but…”

“But?”

“Wala akong tiwala sa babaeng nakausap niya. What if magdemand siya sa pagiging mag-asawa namin? What if she’ll stop me from seeing men? Paano kung i-blackmail niya ako at pag-interesan ang kayamanan namin?”

Hindi makapagsalita si Tina. Hindi siya makahagilap ng sasabihin kaya hinayaan niyang magpatuloy si Raphael.

“At least sa ‘yo T, kampante ako sa magiging setup natin.”

“That is kung papayag akong-”

Raphael cut her off immediately. “Nangako ka T na hindi mo ako bibiguin kapag ako naman ang nangailangan ng tulong mo. At ngayon ko na kailangan.”

Napailing si Tina. “Yes, I did but marrying you is a different story, Raph. Nang sabihin ko sa iyo iyon, I was thinking about other things but not like this, ang pakasalan ka and be your wife for the rest of our lives.”

“Ouch. Ouch. Ouch.” Medyo seryosong sabi ni Raph. “Hindi naman dahil nagpakasal ka sa akin T, we will assume the normal scenario between husband and wife. Kaya nga ikaw ang gusto kong pakasalan so I can freely do my thing and do your own affairs also as long as we keep it out of the open. We can have our own dirty little secrets, you know.”

Is this really happening to her? Is it real? Open-minded naman siya at matagal na namang exposed sa mga liberated na mag-asawa na nagiging bisita ng mga amo niyang gay couple sa mga swinging parties at group sex kaya wala namang problema sa kaniya di ba? Pero bakit ngayong sa kaniya na mismong mangyayari, parang nakakailang especially this is no longer Italy. Nasa Pilipinas na siya kung saan mataas ang pagtingin sa moralidad ng karamihan. Pero pakikiapid pa rin bang maituturing kung ganitong may basbas ang asawa sa gagawin ng isa much more siya pa ang nag-e-encourage to get into such illicit relationship? Definitely yes. That is the reason why her previous gay employers and their friends considered it as an alternative lifestyle.

“Isa pa, T, I can openly help you with your land if you will be my wife.”

“Pwede mo naman akong tulungan Raph, kahit hindi ako magpakasal sa iyo.”

“Yes, I can help you with a fraction of that amount but not the full sum you needed. Dahil kailangan ko ng pirma ni Daddy at that withdrawal range sa banko. Just think about this, it will be a win-win situation for both of us. You can have your land back. Gaganda ang imahe ko sa publiko. I can continue with my affairs and you are free to do yours also.”

Two For Tina - A Desperate Times Novel (SPG - ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!