Alas-tres na ng hapon nagising si Tina. Pagkatapos magsuot ng black jeans at medyo maluwang na light yellow na tshirt, bumaba siya at nagtungo sa malaking Bar and Resto. She took out with her a club house sandwich and orange-juice. Nagpasya kasi siyang babalik sa kanilang bahay para ayusin ang mga gamit sa loob habang nag-iisip kung ano ang pwede niyang gawing solusyon sa kaniyang malaking problema.

Natatakpan ng makapal na ulap ang araw kaya hindi mainit. Binaybay ni Tina ang dalampasigan mula sa harapan ng hotel habang kumakain. Nadaanan niya ang mga kumpol-kumpol na mga mga naliligo sa dagat na pakaunti ng pakaunti habang naglalakad siya palayo. Nakalampas siya sa boundary ng Lopez Coves at nakita niya from a distance ang kanilang bahay na niluma na ng panahon sa ginawang kapabayaan ng kaniyang ina.

Buti na lang at nagtatago na kasama ang kabit na si Romano dahil kung naabutan niya, heaven forgive her kung anoman ang magawa niya sa panloloko ng mga ito sa kaniya for fifteen years.

Naging nostalgic na naman si Tina habang inililibot ang paningin sa paligid. Nang mapadako ang mga mata niya sa buhanging naabot ng alon, parang sa imagination niya, muling nakita ni Tina ang kaniyang tatay na nakatayo paharap sa dagat habang nakahawak sa kaliwang kamay nito ang 14-year old na version ng kaniyang sarili.

“Hindi na natin dapat isinangla ang lupang ito, Tina,” pinawalan ng tatay niya ang isang mabigat na buntong-hininga.

Kita na ang cheek bones nito, prominente ang panga at malalim na rin ang mga collarbones sa laki ng ipinayat sa sakit na lung cancer. Parang nakahanger na lang ang suot nitong kupas na itim na tshirt at gray na jogging pants. Kinabukasan nakatakdang mag-umpisa ng chemotheraphy session nito.

“Okay lang iyon ‘Tay. Hindi naman pwedeng tingnan ka na lang namin habang inaatake ka ng sakit mo.”

Wala silang choice kundi gawin iyon. Dalawa sila ni Cassandra ang nag-aaral at ang kanilang ina nama’y namamasukan sa mga Lopez na ang kinikita’y kulang pang pambili ng gamot at pangkain nila sa araw-araw. Dating mangingisda ang kaniyang ama na napatigil simula nang ma-diagnose ang sakit anim na buwan na ang nakalilipas.

“Naiisip lang kita anak. Itong lupa na lang na ito ang maiiwan ko sanang pamana sa iyo pero ngayon mukhang malabo ng mangyari.” Ramdam ni Tina ang pangangatal ng katawan nito sa pagkakatayo. Pinilit lang kasi siya ng ama na ipasyal niya sa tabing dagat at mas nare-relax raw ito kapag nakikita ang alon, naririnig ang paghampas sa dalampasigan at ang amoy-alat na sariwang hangin.

“Huwag ninyong isipin ang lupa at ang pera. Ang mahalaga gumaling kayo at pag magaling na kayo pwede na kayo ulit mag-trabaho,” lakas loob na sabi ni Tina na pinipilit pa rin ang sariling magiging maayos rin ang lahat.

Tinapat na sila ng Doktor kahapon na ang chemotheraphy pwedeng maging epektib at pwedeng hindi base na rin sa pagtanggap ng katawan ng pasyente sa mga gamot. May mga pasyenteng gumagaling at nagiging cancer-free pero may mga pasyenteng hindi kinakaya ang mga sessions at bumibigay kaagad ang katawan.

Nakatingin lang sa kaniya ang ama, parang minememorya ang mukha niya.

“Tsaka huwag kayong mag-alala, hindi ko pababayaang mawala sa pag-aari natin ang lupang ito. Pangako ko iyan ‘Tay.”

Nginangatngat man ng negativity ang damdamin ni Tina, pilit niyang itinatago. Hindi siya maaaring makitaan ng panghihina ng loob ng kaniyang ama dahil sa kaniya dapat humugot ito ng pag-asa. Pag-asa para lumaban sa sakit at para tuluyang gumaling.

“May sasabihin ako sa iyo,” mahinang sabi nito.

“Ano po iyon?”

Matagal nag-isip ang kaniyang ama at sa tingin ni Tina, biglang binago ang dapat sanang sasabihin nito. “Bukas huwag kang aalis sa tabi ko. Kung anoman ang mangyari gusto kong ikaw ang kasama ko.”

Two For Tina - A Desperate Times Novel (SPG - ON HOLD)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!