28 | Epilogue

2.4K 72 5
                                    

Epilogue:

-

HAILEY
:

Nang mapatay namin si Mayor Suarez ay agad na nagsilabasan ang kanyang mga ilegal na aktibidad. Ilang mga pagawaan ng droga dito sa Voidezzare ang lumantad at tinurong si Victor Suarez daw ang utak ng organisasyon. May mga kaso rin ng human trafficking at illegal casino ang naidawit sa pangalan ng mayor.

Nang mamatay si Victor Suarez ay nagkaroon ng rebolusyon, pinababa sa pwesto ang lahat ng mga tiwaling namumuno na kasabwat ni Mayor Suarez sa pangungurakot. Ipinaayos ang lungsod ng bagong upong alkalde, ipinakulong lahat ng tiwaling mga pulis, at lahat ng may kinalaman sa dating mayor.

Bumalik na ang sigla at ganda ng aming lungsod, wala ng pagitan ang mahihirap at mayayaman, pinag-isa na rin ang dating white division at black division para magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Mas pinaunlad naman ng mga bagong namamahala ang sentro ng lungsod at nagsimulang magsidatingan ang mga dayuhang nais mamuhunan sa aming bayan.

Ngayon ay masasabi kong unti-unti na kaming umuunlad, nakakatuwa lang isipin na naging kabahagi kami sa pagbabagong nakikita namin ngayon sa aming bayan.

"Miss Hailey!" napalingon ako sa kung sinong tumawag sakin. Nahagip ng mga mata ko ang isang batang humahabol sakin. May hawak siyang isang papel at nakaipit sa mga kamay niya ang dalawang pang-kulay.

"Oh? Bakit Seya?" tanong ko sa munting bata, lumuhod ako para maging pantay nalang kami. Pinisil ko ang namumula niyang mga pisngi, habang nakaukit sa labi niya ang isang purong ngiti. Nakikikita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.

"Ito kasing si Seya ma'am eh, sinabi ko nang bukas nalang ipakita yung ginawa niyang art sayo, pero nagpupumilit eh." wika ni manang Teodora, isa sa mga tagapangalaga dito ng mga bata sa ampunan. Nandito ako para bisitahin ang mga bata, malapit na rin kasi sakin ang mga bata dito sa ampunan, at isa rin ako sa mga donator ng ampunan na ito.

"Hayaan niyo na po manang tutal nandito pa naman po ako, ano ba 'yan baby? Patingin nga si Ms. Hailey" wika ko at ngumiti sa kanya. Iniabot niya sakin ang isang papel na may naka-guhit na isang buong pamilya. Agad nalungkot ang puso ko nang makita ang art ni Seya, pero agad ko itong pinawi at pilit na ipinakitang hindi ako apektado, ayoko lang isipin niya na may kulang sa kanya.

"Wow! Ang ganda naman nito, hindi ko alam na magaling ka palang mag-drawing" pagpuri ko sa ginawa niyang artwork. Kahit sa maliit na bagay ay gusto kong maiparamdam sa kanya na mahalaga siya at may nagmamahal pa sa kanya.

"Ito po ako," itinuro niya yung batang nasa gitna ng drawing, "Tapos ito naman po sila nanay at tatay." masaya niyang wika habang itinuturo ang mga iginuhit niyang tao sa papel.

"Gusto mo bang magkaroon ng bagong nanay at tatay?" tanong ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya pero agad din itong napalitan ng lungkot.

"Opo" mahina niyang wika habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala, simula ngayon ako na ang magiging nanay mo." wika ko sa kanya at biglang bumalik ang saya sa mukha niya. Nagulat naman si manang Teodora sa sinabi ko pero agad ko siyang sinagot. "Opo manang, Aampunin ko po si Seya, idadaan ko po ito sa legal na proseso." wika ko sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti.

"Pero ma'am alam niyo naman pong—" wika ni Manang Tedodora na mukhang hindi sang-ayon sa gagawin kong aksyon.

"Kuya Skull!!" biglang tumakbo si Seya papunta sa kadarating lang na si Skull. Naka-suot pa siya ng polo at sa tingin ko ay kakatapos lang ng kanyang hearing. Kinarga niya si Seya at nakipag-kwentuhan dito. Skull is now a lawyer.


GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now