009 | Abduction

1.9K 78 2
                                    

Chapter 9: Abduction
HAILEY

• • •

Agad akong tumayo habang pinagmamasdan ko silang dalawa na nakikipaglaban sa mga magnanakaw. Hindi ko namalayan na mangha-manghang na pala ako sa kanila.




Ang galing kasi nila makipaglaban, kahit kasi hindi pa sila gumagamit ng mga ability nila nakaya nilang patumbahin ang mga nakaharap nila, paano pa kaya kapag ginamit na ni Skull ang hypnotism niya at si Wyatt ay mag-telekinesis dito. Edi talo na agad ang mga kalaban nila.





Nadako ang tingin ko sa lalaking nagpapaputok ng baril kanina, nilapitan ako nito at tinutukan ako ng baril sa ulo. Oh my god! Oras ko na ba? Lord ayoko pang mamatay!





Sinakal ako nito at hindi hinayaang makapalag, sinubukan kong kumawala pero sadyang malakas siya kaya hindi ako nagtagumpay. Napapikit nalang ako dahil sa takot.






Napansin ni Wyatt na hawak-hawak na ako ng lalaki. "Sige! Subukan mong lumapit at papasabugin ko ang bungo nito!" pagbabanta niya kay Wyatt dahil napansin niya na ubos na ang mga kakampi niya at siya nalang ang natitira.







Natigilan si Wyatt at Skull sa sinabi no'ng lalaki. Napataas sila ng kamay para ipakita na hindi sila lalaban. "Ok. Easy lang, kunin mo na ang pera! Huwag mo lang siyang sasaktan!" sigaw ni Skull habang nakataas ang mga kamay niya at paunti-unting lumalapit samin.







"Sinabing huwag kayong lalapit eh!" muling nagpaputok yung lalaki sa ere na halos bumingi sa dalawang pandinig ko. Hindi na ako makagalaw, nanigas na yata ako dahil sa sobrang takot ko. Kung may sakit lang ako sa puso ay baka kanina pa ako namatay.






Hinila ako ng lalaki palabas ng department store, sakal-sakal niya parin ako habang naka-tutok sa ulo ko ang baril niya, ang dami nang taong nakakakita. Pero kahit isa ay walang nagtangkang tumulong sa 'kin dahil na rin siguro sa takot.







Maya-maya ay may dumating na itim na van, bumukas ito sa tapat namin at tinulak ako ng lalaki papasok sa loob nito. Mabilis ding sumunod yung lalaki sa loob at pinilit na sinarado ang pinto pero hindi niya ito nagawa, parang may hindi nakikitang pwersang pumipigil sa pinto para hindi tuluyang maisara.






Nahagip ng mga mata ko si Wyatt na seryosong nakatingin samin, ngayon ay kompirmado ko nang siya ang may kagagawan no'n. Hahabulin sana kami ni Skull pero biglang umandar na itong van at mabilis kaming nakalayo mula sa kanila.







Ano ba 'to! Bakit ba kasi ang lapit ko sa disgrasya! Paano na ako ngayon? Lord ikaw na bahala sa 'kin! Ayoko pang ma dedz.





Ang dami nang tumatakbo sa utak ko, hindi na tuloy ako makapag-isip ng maayos dahil nilalamon na ako ng kaba at takot.






Sa wakas ay naisarado na nung lalaki ang pinto nang makalayo na kami, ngayon ay napag-alaman kong may limitasyon din ang kakayahan ni Wyatt. Sana lang malaman nila kung saan man ako dadalhin ng mga taong 'to!






"Ang swerte natin ngayong araw mga pare! Nagkapera na tayo, may nabingwit pa tayong magandang dilag!" wika nitong lalaking katabi ko at tinanggal ang mask ko. Agad ako kinilabutan sa tingin niya, para siyang demonyong nagkatawang tao.






Nagtawanan ang iba pang mga lalaki dito sa loob, akala ko pa naman ubos na ang mga alagad niya dahil napatumba na silang lahat nila Wyatt at Skull sa department store kanina, pero meron pa pala siyang iba pang mga tauhan. Iba talaga ang mga masasamang damo, hindi maubos-ubos.








GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now