008 | Confusion

2.1K 90 5
                                    

Chapter 8: Confusion
HAILEY

• • •



Isang linggo na ang lumipas matapos naming matalo ang Vitiator Gang at masasabi kong bumalik na ang totoong Kira.




Hindi na siya ang Kirang nakasama namin sa ruta ng Vitiator na marahas at tila may itim na awrang bumabalot sa pagkatao, unti-unti kong nakita ang pagiging maalaga niya samin, siguro ay dahil iyon sa hustisyang nakamtan niya na para sa kanyang kapatid. Nakakatuwa lang isiping naging bahagi kami para maging matagumpay ang laban niya.






"Guys, wala na tayong stocks" wika ni Ash habang tinitingnan ang cabinet sa kusina.







Agad itong nakatawag ng pansin sa lahat at nagtungo kami doon para kumpirmahin ang sinabi niya "So anong plano?" tanong ni Gayle na nakatayo sa gilid ng pinto.







"Ako na ang mamimili," suhestiyon ni Mama na kakapasok lang sa kusina, narinig niya siguro si Ash nang sabihin nitong ubos na ang mga stocks naming pagkain.








"Ma delikado, baka mapahamak ka" pagsalungat ko sa sinabi niya. Wanted kaming lahat, at alam ng mga pulis na nanay ko siya. Malaking sugal kung hahayaan namin siyang lumabas ng headquarters.







"We're not going to put your life at risk this time tita. Iniisip lang po ni Hailey ang kaligtasan ninyo" dagdag ni Skull habang seryosong nakatingin kay mama. Mabuti nalang at naiintindihan niya 'ko. Ayoko ng muli pang mapahamak si mama, hindi ko na talaga kakayanin 'pag tuluyan siyang mawala sa 'kin.







"O sige, sabihin niyo nga sa 'kin, sinong lalabas? Kayo? Eh pinaghahanap nga kayong lahat ng mga pulis ngayon, at siguradong marami ring gustong magsuplong sa inyo para sa pabuya" sagot ni mama habang tinitingnan kami isa isa.








"Don't worry tita, we got this" tugot ni Wyatt na alam kong naka isip na ng paraan.






"Kami nalang ang lalabas ni Hailey" agad akong napatingin kay Wyatt dahil sa sinabi niya.





Ano? Kaming dalawa ang lalabas para mamili? Bakit?








"No, kami ni Hailey ang lalabas," singit naman ni Skull kaya nalipat ang atensyon naming lahat sa kanya.




Tsk! Bakit ba gusto nila akong makasama? Ano bang magagawa ko? Sa totoo lang kasi saming lahat, si Tori ang may pinaka malaking maitutulong ngayon dahil kaya niyang patigilin ang oras.





Pero bakit ako ang gusto nilang isama? wierd.







"Whoop! Whoop! I smell something fish crackers" wika ni Gayle na ngayon ay katabi si Caleb.




Oy! Oy! Anong iniisip mo?! Baka kayong dalawa nga ni Caleb ang may something diyan eh!





Ngumisi si Caleb dahil nabasa niya ang iniisip ni Gayle. Eh? Big deal na sa kanila 'yon?







"Bakit hindi nalang kayong tatlo ang lumabas? three is better than two, right?" suhestiyon naman ni Kira, nakakatuwa lang na nakukuha niya nang ngumiti. Masaya ako para sa kanya.





"Huh? Ah eh, OO naman! Bakit hindi?" nag aalangang sagot ni Wyatt habang kumakamot sa ulo niya.


Bakit kasi ako pa?



GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now