002 | Accomplished

3.3K 131 2
                                    

Chapter 2: Accomplished

HAILEY

• • •

"Anong ginawa mo?!!" napasigaw ako dahil sa sobrang daming tanong na pumapasok sa utak ko.

Bakit sa isang iglap lang ay nakahandusay na ang mga taong dapat sanang papatay samin kanina?

Is he a witch or something?

Napangiti si Wyatt sakin dahil sa nakita niyang reaksyon ko. Sagutin niya muna ako!


"That's my ability, I can command things even without touching them, Telekineses in exact" wika niya at lumabas na silang lahat ng elevator, agad akong sumunod sa kanila.

For the record, si Skull hinypnotize yung matanda kanina tapos ngayon naman si Wyatt pinatigil sa ere yung mga bala na dapat sanang papatay saming lahat!

Sabihin nga nila sa'kin kung sino pang may kakaibang kakayahan sa 'min para hindi na ako mabibigla sa mga susunod na mangyayari!


Mas nakita ko ang buong under ground floor. Para siyang basement na may iba-ibang kwarto na sa tingin ko ay mga vaults. This is it! Pero paano kami makakakuha ng pera kung secured ang mga vaults ng mga passwords?



Nagkahi-hiwalay kami at tiningnan ang bawat vaults na may mga numbers 1 to 100. May mga screen sa bawat vaults na pipindutan ng pin codes para magbukas.



"Remember the security code of the elevator?" tanong ni Skull sa aming lahat habang nasa pang-56 na vault siya.



Ako oo, pero hindi ko alam kung naalala pa ng mga kasama ko.



"Say it again, Hailey" wika ni Ash, ang pinaka-tahimik sa grupo. Siguro ay hindi niya na maalala ang code kanina.


"It's 3-2-7-1-8-8" sagot ko. Bakit naman iyon tinanong ni Skull? Makakatulong ba ang code na 'yon para mabuksan ang mga vaults?



"Hindi naman bumukas eh!" reklamo ni Kira matapos subukang buksan ang Vault 14.


"Sino bang nagsabi sa 'yong parehas ng code ang elevator at ang bawat vault?" Tanong naman ni Tori, napansin kong siya ang pinaka-matured mag-isip sa lahat ng mga babae, hindi siya padalos-dalos sa bawat kilos niya.


"Just choose one vault" utos ni Skull. Alam kong nagmamadali na rin siya pero hindi niya pa rin sinasabi ang gagawin dahil hindi pa nakahanda sila Gayle at Caleb.


Bakit ba ngayon pa nila nagawang mag-landian?


Agad naman kaming tumapat sa bawat vault na pinili namin. Tumapat ako sa vault 11 habang katabi ko naman si Wyatt na nasa vault 12.



"Based dito sa card: 'W decreases with the number of 22-1-21-12-20?'" Wika ni Skull habang binabasa niya ang nakasulat sa card na kinuha niya kanina sa matanda.


Natawa ako ng ma-gets ko ang riddle.


Ang bobo naman pala ng gumawa ng hotel slash bank na'to. Napaka-obvious ng mga code na ginamit. Kahit yata bata pwedeng makapagnakaw dito eh! Ganyan ba talaga ang mga tao, 'pag nabulag ng pera hindi na nakakapag-isip ng maayos?




"What does it mean? Damn! We're running out of time, maya-maya lang baka may dumating na na mga pulis dito!" Sigaw ni Caleb dahil sa pag-aalala. Kanina lang nakikipag harutan siya kay Gayle tapos ngayon siya 'tong ang lakas magpamadali sa 'kin?



GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now