001 | First Case

5.2K 153 14
                                    

Chapter 1: First Case

HAILEY

• • •


Isa-isa silang nagpakilala sa 'kin at lahat ng anumang detalye na sinabi nila ay natandaan ko patungkol sa mga personalidad at nakaraan nila.

Matalas kasi ang memorya ko, hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng ganitong kakayahan. Ang alam ko lang, bata pa lang ako ng madiskubre ko ang kakayahang ito.

Ang mga nakikita, naririnig, nararamdaman, naaamoy at nalalasahan ko ay parang mga file na naiimbak sa isip ko at hindi na nawawala kahit anong pilit kong makalimot. Anything that my senses detected will now store forever in my memory.


"You're Skull, Tori, Ash, Kira, Benj, Wyatt, Caleb at Gayle" isa-isa kong tinuro ang bawat miyembro ng gang and they respond a nod to confirm that I was right.


"And you are?" tanong ni Tori habang nililinisan ang dulo ng kanyang baril. Parang hindi siya babae dahil ang astig niya kumilos.



Bumunot ako ng isang malalim na paghinga. "I am Hailey Delgado-" I trailed, not sure if I'm going to say this one.


"I have photographic memory since I was a child. Sa tingin ko makakatulong ako sa grupo dahil kritikal din ako mag-isip" wika ko para sagutin ang tanong niya habang silang lahat ay nakatingin lang sa'kin.


Kung sabihin ko ang pinakalilihim na sikreto ko sa kanila ay parang kilalang kilala ko talaga ang mga taong ito. Sana lang talaga tama ang desisyon kong umanib sa gang na ito.


Kung kanina ay todo tanggi ako sa alok nila sa'kin, ngayon ay tila nagbago ang lahat. Gusto ko nang tumulong sa kanila. I want to be a part of their gang.


Anong dahilan? Dahil nalaman kong parepareho lang pala kaming may mga ipinaglalaban. Now I discovered they are not a bad person. Lumalaban sila dahil naghahangad sila ng hustisya katulad ko, hustisyang gusto ko ring makuha para kay mama.


Nai-kwento nila sakin kanina ang mga nangyari sa buhay nila at ang bawat isa ay gustong maghiganti sa mga namumuno dito sa bulok na lungsod na ito.



"So this is our first case" wika ni Skull, ang lider ng grupo at inilagay sa lamesa ang isang mapa, pinuntahan naming lahat iyon at pinalibutan.

WHAT? First case daw?

May gagawin na agad? Huhu hindi man lang nila ako binigyan kahit isang araw para i-proseso ang lahat ng mga nangyari. Tsk!


"What's the plan?" tanong ni Wyatt sa isang seryosong tono. Sa pagkakaalala ko, ang tito niya noon ay isang aktibista. Ngunit ayon sa kanya ay pinatay ito dahil bumuo ng isang samahan na bumubatikos sa mga katiwalian ng mga namumuno dito sa lungsod.



"Teka, saglit! Anong plano plano?! Sabihin niyo muna sakin kung anong gagawin natin, baka mapahamak tayo diyan!" reklamo ko dahil ako lang yata ang hindi inform sa mga posibleng mangyari. Napatingin nanaman silang lahat sakin.



Err! Bakit ba ako nalang lagi ang center of attention ng grupong ito?


"We're going to break in to this building" sagot ni Skull habang tinuturo ang isang lokasyon sa mapa.


"What? magnanakaw tayo? Ayoko!" mariin kong tutol. Sabi ko na nga ba eh, kaya naman pala kumikita raw sila ng milyon sa isang araw.



GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now