017 | The Genius Returns

1.2K 62 0
                                    

Chapter 17: The Genius Returns

HAILEY

• • •

"Okay na ma, may baon na po ako." wika ko kay mama at inilagay na sa bag ko yung egg sandwich na ginawa niya.



"Ikaw Skull?" natigilan si Skull nang tanungin siya ni mama.



Binubotones niya palang 'yung vest niya habang ang ibang boys ay nasa kusina na at nag-aalmusal.




"Ah wala pa po tita, mag-aayos po muna ko." sagot ni Skull na nakatayo sa harap ng salamin at inaayos ang buhok niya.


Kahit 'di naman siya mag ayos nang todo eh gwapo naman na talaga siya.

"Ah ganun ba? Sige na ako na ang kukuha ng baon mo." sagot ni mama at agad bumaba sa kusina.




"Ikaw naman Hailey, bilisan mo na, male-late kayo niyan sa unang araw ng pasok ninyo." boses ni mama ang umalingaw-ngaw habang bumababa siya sa kusina.


Natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Skull. Napaka-hands on kasi talaga ni mama eh, kahit dati pa kapag pumapasok ako sa school hindi niya ako hinayahaan na ma-late sa klase ko.



"Ang sweet naman ng mama mo." wika ni Skull habang nakatayo sa harap ng pinto naming mga girls.




"Haha, ganyan talaga 'yan, maasikaso." sagot ko sa kanya at inayos na ang mga gamit sa bag ko. Tapos na akong mag-ayos ng sarili ko, naka-suot na rin ako ng uniporme kaya isinukbit ko na ang bag ko at bumaba na kami ni Skull sa kusina para mag-almusal.




"Ito na iho." wika ni mama at inilagay sa bag ni Skull yung nakabalot na egg sandwich, natawa nalang ako habang ginagawa 'yon ni mama kay Skull.




"Thanks po." wika ni Skull nang maisarado ni mama yung bag niya, umupo na kami at nag-simulang kumain. Nakabihis na rin silang lahat, at mabilis na inubos ang mga kanya-kanya naming pagkain.





Natapos na kaming mag-almusal kaya nagpaalam na kami kay mama. Sumakay kami sa van at agad iyon na pinaandar ni Skull papuntang Thylomac High.




"Guys, remember the first rule?" wika ni Skull nang iparada niya na ang van sa loob ng paradahan ng mga sasakyan dito sa loob ng campus.



"Don't use our ability," sabay-sabay naming wika at napatango naman si Skull.

"Good," tugon nito.

Isa kasi ito sa mga napagkasunduan namin, kung gusto talaga ng bawat isa sa 'min na mamuhay ng normal ay kailangan walang makaalam na may mga pambihirang kakayahan kaming lahat.


Napagkasunduan din naming hindi ito gagamitin kahit ano pa man ang mangyari sa loob ng campus. Bumaba na kami ng van at pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad papunta sa iba't ibang direksyon, naka-suot din sila ng unipormeng katulad ng suot namin ngayon.





Agad kaming nagtungo sa admission para kunin ang mga schedule namin. At sa hindi inaasahan ay hindi kami magkakapareho ng schedule. Unang subject ko ang Literature habang kay Skull naman ay Algebra. Mukhang pinaghiwalay talaga kaming lahat ah, bakit kaya?




"Guys, magkakaklase tayong lahat sa Social Studies!" wika ni Benj nang makita ang pare-parehong schedule namin sa Social Studies. Meron naman palang subject na magkakaklase kaming lahat.




GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now